You are on page 1of 2

Name: Rose May P. Jimena Subject: FIL 311 (Panitikan) Schedule: TTH (7:00 P.M. – 8:30 P.M.

ANG MAPAGMATAAS NA SI KAWAYAN


Bb. Silver Mae Mogar

Sa Hardin ni Pablo makikita ang mga nag gagandahang halaman, ang gandang pagmasdan dahil
ang mga ito ay naka grupo ayon sa kanilang katangian, kahit si tipaklong ay aliw na aliw sa
pamamasyal.

Magkakasama ang mga halamang namumulaklak, kitang- kita ng kanilang ganda sa kulay Rosas
o pula nitong taglay, nakaayos ang mga ito sa kanya-kanya nitong paso at wiling-wili naman ang
mga paro-paro sa pag dapo dito.

“Rosas kamusta ka? Ang ganda-ganda mo naman ngayon” saad ni Gumamela.


“Salamat gumamela, ikaw din! Bumuka na ang iyong mga bulaklak” sagot naman ni Rosas.
“Buti pa kayo, samantalang ako iilan palang ang mga bulaklak ko” nalulungkot na saad ni
Santan.
“Okay lang yan santan, darating din ang panahon mo at mamumulaklak ka rin ng husto”.

Sa kabilang dako naman, ay nag kukwentuhan naman ang mga gulay na gumagapang.

“Hay! sa wakas namunga na rin ako, tingnan niyo oh ang laki-laki na ng kalabasa ko” tugon ni
Kalabasa.
“Oo nga! Ako din oh pahaba naman ang hugis ko, pero malaki parin” sagot naman ni Patula.
“Tama ka Patula, pareho tayo pero kulubot-kulubot naman nag mga balat ko” saad naman ni
Ampalaya.
“Ok lang yan Ampalaya, wala yan sa panlabas, isipin mo nalang kung gaano ka kasustansya at
kailangan ka ng mga tao”.
Sa bandang dulo naman nagsalita rin si punong Mangga.

“Nakakatuwa at hitik na hitik na ako sa bunga, ang mga ibon ay sa akin din namamahinga, sa
akin sila gumagawa ng pugad” saad ni Mangga.

Napatingin ang lahat ng sumigaw si kawayan.

“Sino kayo sa tingin niyo? Kayo na ba ang pinaka-maganda? Pinakamatibay at kapaki-


pakinabang? HA HA HA HA! Wala sayong silbi! Wala kayong ibabatbat sa akin! Sa ating lahat
ako parin ang pinaka-malakas at pinakamatibay! nakikita niyo ba nag katawan ko? Ang lalaki at
ang hahaba, kaya ko pang tumaas higit sa inyong lahat! HA HA HA HA! Wala kayo sa akin!
mayabang na saad ni Kawayan.

Tahimik na nagmamasid ang Diwata ng Halaman at hindi niya nagugustuhan ang pinapakita ni
kawayan kaya pinaihip niya ng malakas ang hangin na siyang pinapatama niya lamang kay
kawayan.

“Ano to? Bakit nag lakas-lakas ng hangin? At bakit ako lang ang tinatangay? Tulong! Tulong!”
“Kawayan humawak ka ng maigi baka mabali ka” nag-aalalang saad ng isang halaman.
“Patawad! Patawad Diwata! Tulungan mo ako! Maaring mabali ang aking katawan”
nagmamakaawang tugon ni kawayan sa Diwata.

Biglang tumigil ang malakas na ihip ng hangin.

“Sana nagtanda kana Kawayan, sa tuwing ikaw ay magmamataas unti-unti mong ibababa ang
iyong katawan, patunay lamang ito na kailangan mong maagpakumbaba. Tandaan niyong lahat
kayo ay may iba’t-ibang katangian, ngunit anu man ang iyong uri at anyo kayo ay mahalaga,
wag na wag kayong magmamataas dahil sasapitin niyo din ang sinapit ni kawayan” tugon ng
Diwata.
Simula noon natuto nang magpakumbaba si kawayan at pinahahalagahan niya na ang bawat
katangian ng kanyang mga kasama.

You might also like