You are on page 1of 17

Karapatang-ari © 2018

ni Enrile O. Abrigo, Jr. at


Learning Resource Management and
Development Services
Division of Puerto Princesa City, Region IV
MIMAROPA

Reserbadong ang lahat ng karapartan.


Alin mang bahagi ng librong ito ay hindi
maaring gamitin o kopyahin nang buo o
bahagi, sa anumang anyo at paraan, nang
walang nakasulat na pahintulot mula sa
may akda at may hawak ng karapatang ari.
BAKIT WALANG KAIBIGAN SI JUN-JUN?

“Tay, bakit ba kailangan ko pang lumipat ng


paaralan?”
Ito ang paulit-ulit kong usisa sa aking Tatay.
Noong umagang iyon ay pupunta na kami sa bago
kong paaralan.
“Oh, anak, maging palakaibigan ka ha. Tandaan
mo palagi ang bilin ko sa iyo, wala na dapat
gulo,” paalala sa akin ni Tatay bago niya ako iwan
sa pintuan ng bago kong klasrum sa bago kong
paaralan.
“Di ko naman kailangan ng
kaibigan. Okey lang ako
kahit mag-isa sa dati kong
pinapasukan,” pagpupumilit
ko naman kay Tatay.

“Magandang umaga sa inyong lahat!,” bati ng


aming guro.
“Magandang umaga rin po, Bb. Cruz!,” sabay-sabay
na tugon ng lahat.
Tinawag ako ni Bb. Cruz at pinapapunta sa harap.
“Mayroon kayong bagong kamag-aral, siya ay
magpapakilala sa inyo.” Tumingin sa akin si Bb.
Cruz, siya ay nakangiti.
“Ako si Jun-jun. Ramon ang tunay kong pangalan.
Ramon din ang pangalan ng tatay ko kaya Jun-
jun o Junior ang tawag nila sa akin,” habang
pinagmamasdan ko ang aking mga kaklase.
“Siyam na taong gulang na ako. Transferee ako
mula sa isang paaralan sa kalapit na baranggay
Lahat sila ay nakangiti sa akin. Iba-iba ang kanilang
mga di-pamilyar na hitsura.
Walang tila nangungutya sa akin na isang bagay na
talagang nakapagtataka para sa akin.
“Hmmm, bakit kaya tila iba sila kaysa dati kong
mga kamag-aral?,” bulong ko sa aking sarili
Mamaya kaagad pagkauwi ko ay hihilingin ko kay
Tatay na ibalik nya na lamang ako sa dati kong
paaralan.

Pagkatapos ng klase nang makauwi ako ng aming bahay.


“Oh, Jun-jun, kamusta ang bago mong paaralan?,”
salubong na tanong sa akin ni Tatay.
“Nakapagtataka, Tay,” sagot ko.
“Bakit naman, anak?”
“Lahat sila ay nakangiti sa akin. Di nila ako
pinagtatawanan. Walang nang-aasar sa akin. Bakit
ganoon, Tay?”
Wala akong nakuhang sagot mula kay Tatay sa halip ay
ngumiti lamang siya.
“O siya, maligo ka na at kakain na tayo.”
Oras na ng recess. Nanatili lang ako sa klasrum.
Kinuha ko ang baon kong biskwit at tubig.
“Mansanas, gusto mo?,” alok sa akin ni Marie
na siyang katabi ko sa upuan. Kinuha ko naman
kaagad ang mansanas.
“Dapat nakikipagkaibigan ka sa mga kaklase natin,
hindi iyong nagmumukmok ka madalas sa upuan
mo,” sabi pa niya.
“Hindi ako nakikipagkaibigan. Walang may gusto
sa aking makipagkaibigan,” sagot ko habang
kumakain na rin ng mansanas.

“Naku, di iyan totoo. Lahat kami ay gusto kang maging kaibigan.”


“Talaga ba?,” nagtataka kong tugon.
“Ayan, si Onyok,” habang tinuturo ang isa naming kaklase.
Si Onyok na aming kaklase na noon ay nakikipagkuwentuhan sa
mga kaklase naming babae. Madaldal para sa akin si Onyok.
Mapilantik ang kanyang mga kilos.
“Masayang kaibigan si Onyok,” dagdag pa ni Marie.
“Hahaha. Hindi ako nakikipagkaibigan sa katulad ni Onyok.
Ayoko sa mga lalakeng kilos babae,” natatawa kong sagot.
Napansin ko namang nagtataka si Marie.
“Si Sitti na lang ang kaibiganin mo,” muling sabi ni Marie.
Si Sitti na nasa dakong unahan ng klasrum, nagbabasa ng
aming aralin. Siya ay may suot na taklob sa kanyang ulo,
sa palagay ko ay Islam ang paniniwala ni Sitti.
“Matalino at mabait si Sitti, maaasahan siyang kaibigan,”
pagpapatuloy ni Marie.
“Naku, naku. Wala pa akong kaibigang iba sa aking
relihiyon. Pwedeng iba na lang?”

“Hmmm, palagay ko magiging kaibigan mo si


Randolph.” Itinuro ni Marie ang isang batang
mataba na kapapasok lang sa silid mula sa pagbili
ng pagkain sa kantina.
Di ko napigilan ang pagsambulat ng aking tawa sa
pagkakita kay Randolph.
“Hahahaha! Paano ko kakaibiganin si Randolph, eh
ang taba-taba niya! Baka agawan pa niya ako ng
pagkain!”
Tawa pa rin ako nang tawa. Nang mapansin kong di
na kumikibo si Marie ay sakto naman ang pagtunog
ng bell, hudyat na tapos na ang oras ng recess.
“Kamusta, anak ang iyong pag-aaral? Mayroon ka na
bang mga bagong kaibigan?,” agad na tanong sa akin ni
Tatay nang mapansin niyang nakauwi na ako sa bahay.
“Wala pa po, Tay, ” walang gana kong sagot.
“Bakit naman?”
“Hindi ko gusto ang mga kaklase ko,” aking paliwanag.
“Si Onyok, masyadong madaldal at mapilantik. Parang
di lalaki! Ayoko rin kay Sitti kahit pa matalino siya, di ako
makikipagkaibigan sa hindi natin pareho ng paniniwala.
Lalong-lalo na kay Randolph. Naku, matakaw siya
masyado kaya ang taba-taba niya, Tay!”

“Anak, nalulungkot ako na wala ka pang kaibigan


sa bago mong paaralan. Pero mas nalulungkot
akong ang dahilan ng kawalan mo ng kaibigan
ay ang pagiging mapanghusga mo sa iyong mga
kamag-aral,” pangaral sa akin ni Tatay.
“Sana anak, magbago pa ang isip mo sa mga taong
katulad ng iyong mga kamag-aral,” dagdag pa ni
Tatay.
Hindi ko na inisip pa ang sinabi ni Tatay. Kuntento na
ako kahit wala pa rin akong kaibigan sa bago kong
paaralan.
Lumipas ang mga araw hanggang maging linggo
at buwan. Ganoon pa rin ako sa bago kong
paaralan. Nakaupo sa bandang likuran. Madalas
magmukmok. Wala pa ring kaibigan.
Samantala, nakikita ko ang aking mga kamag-aral,
lahat sila ay nagkakasundo at laging masaya.
Si Marie na maaasahan ng lahat. Kasundo niya ang
lahat ng aming kaklase. Maliban sa akin.
Si Onyok na madaldal at mapilantik, siya ang
pinakamasayahin sa aming silid. Napapasaya niya
rin ang lahat ng aming kaklase, lalaki man o babae.
Maliban sa akin.

Si Sitti na isang Muslim. Matalino siya sa aming klase,


tinuturuan niya ang aming mga kamag-aral ukol sa
mga aralin na di lubos naunawaan. Maliban sa akin.
Si Randolph na mataba. Marami siya palaging
baon ngunit hindi siya maramot, marunong siyang
magbahagi sa lahat. Maliban sa akin.
At ang iba pa naming mga kamag-aral. Iba-iba ang
kanilang katangian at ugali ngunit lahat sila ay tila
nagkakasundo at laging masaya. Maliban uli sa akin
dahil wala pa rin akong kaibigan.
“Kriiing! Kriiiing! Kriiiing!”
Hudyat na tapos na ang aming klase. Uwian na namin para sa
maghapong pagkaklase. Suot ko na ang aking bag at handa
nang lumabas ng silid-aralan.
“Jun-jun, may kasabay ka na ba sa pag-uwi?,” tanong ni
Marie. “Tara, sabay-sabay na tayo nina Onyok, Sitti, at
Randolph!”
“Lagi akong umuuwi mag-isa. Di ko kailangan ng kasabay,”
matamlay kong tugon. At tuloy-tuloy na akong lumabas ng
silid-aralan upang makauwi na sa aming bahay.

Sa aking pag-uwi ay kailangan kong maglakad ng


ilang metro mula sa paaralan. Ito ay araw-araw
kong ginagawa pagkatapos ng eskwela. Ngunit ang
hapong iyon ay naging isang kakaibang karanasan.
“Arf! Arf! Grrr… Arf!!”
May isang malaking aso na humarang sa aking
dadaanan.
“Arf! Arf! Grrr…Arf!!”
Takot na takot ako. Mayroon akong malaking takot
sa mga aso. Malaki at galit na galit ang asong
iyon. Papalapit pa ang aso sa akin na tila handa na
akong kagatin.
Agad akong tumalikod at sinubukang tumakbo nang
mabilis papalayo sa aso. Hinabol naman ako ng
asong malaki at galit na galit.
Hindi ko na naisip ang prosthetic kong binti.
Nakalimutan kong bawal pala akong tumakbo dahil
sa kaliwa kong binti na gawa sa bakal. At doon
nga, ako ay nadapa. Di na ko bumangon at ako
ay pumikit na lamang, naghihintay sa kung ano ang
mangyayari sa akin.

May narinig akong mga boses na tila nagtataboy sa


malaki at galit na galit na asong gusto akong kagatin.
“Shoo…shoo… shoo!”
“Alis diyan! Alis!”
Maya-maya pa ay minulat ko ang aking mata. Wala
na ang aso. Ngunit naroroon sina Marie, Onyok, Sitti, at
Randolph. Tinulungan nila akong makatayo.
“Ayos ka lang ba, Jun-jun?,” nag-aalalang tanong ni Marie.
“Nakita naming hinahabol ka ng aso kaya tinulungan ka
namin,” sabi pa ni Onyok.
“Natakot yata ang aso sa amin kaya umalis na ito,”
paliwanag ni Sitti.
“Naku! Nakagat ka pala ng aso! Ayan, napunit ang
pantalon mo!,” wika ni Randolph.
Agad ko namang tinignan ang napunit kong
pantalon. Nawasak ang kaliwang bahagi ng binti
ng aking pantalon. Ngunit hindi ako nasaktan dahil
ang bakal kong binti ang nakagat ng asong malaki
at galit na galit.
“Huwag kayong mag-alala sa akin. Di ako
nasaktan. Bakal ang aking mga binti.”
Tila naman ay manghang-mangha sina Marie,
Onyok, Sitti, at Randolph nang makita nila ang
bakal kong binti.
“Noong anim na taong gulang kasi ako ay
naaksidente ako sa bisikleta. Kung kaya ay
kinailangang palitan ng bakal na binti upang ako
ay makapaglakad pa,” paliwanag ko sa kanila.

“Iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mong


makipagkaibigan sa amin?,” tanong ni Marie. Tumango
naman ako. “Hindi dahilan ang bakal mong paa upang
mawalan ka ng kaibigan.”
Tinignan ko sila sa kanilang mga mukha. Lahat sila ay
nakangiti sa akin. “Salamat sa pagligtas sa akin. Hindi
ba kayo galit sa akin dahil hinusgahan ko kayo noong
una?”
“Hindi kami galit sa iyo Jun-jun,” wika ni Sitti.
“Kahit ano pa ang ating hitsura, kalagayan, kasarian,
at relihiyon ay dapat tanggapin natin ang isa’t isa,”
paliwanag ni Onyok. “Tama, yun!,” pagsang-ayon
naman ni Randolph.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay tila ngayon
lang ako nakaramdam ng pagtanggap mula sa
mga batang tulad ko. Hinatid pa nila ako pauwi
sa aming bahay habang masayang naglalakad at
nagkukuwentuhan.
Napagtanto kong ang susi sa pagkakaroon ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
kaibigan ay ang matutong tumanggap kahit
anupaman ang pagkatao ng iyong kapwa. K TO 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM
Maaaring iba-iba ang inyong hitsura, kalagayan, BAITANG – III
kasarian, at relihiyon ngunit maaari pa ring
magkasundo.
Di na ako makapaghintay pa na ikwento kay Tatay Code: EsP3PD- IVc-i– 9
na mayroon na akong mga bagong kaibigan.
Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng
WAKAS . . . nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya sa
pamamagitan ng:
22.1. pagpapakita ng kahalagahan ng pag-
asa para makamit ang tagumpay
22.2. pagpapakita at pagpapadama ng
kahalagahan ng pagbibigay ng pag-asa
sa iba
22.3. pagpapakita ng suporta sa mga kaibigan
o pagiging mabuting kaibigan
22.4. pagpapakita ng kabutihan at katuwiran
22.5. pagtulong sa mga nangangailangan
Mga Talakayang Tanong:
Mga Gawain
Kung ikaw ay magiging kaklase ni Jun-jun at
1. Bakit ayaw ni Jun-jun sa kanyang bagong bibigyan ka ng pagkakataon na siya ay bigyan
paaralan? mo ng isang payo, ano ang nais mong sabihin sa
________________________________________ kanya? Isulat mo ito sa pamamagitan ng isang liham-
pangkaibigan.
________________________________________
________________________________________
2. Bigyang katangian ang mga sumusunod na
tauhan sa kwento:
a. Jun-jun b. Marie c. Onyok
d. Sitti e. Randolph
3. Ano ang sekretong tinatago ni Jun-jun?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
4. Ano sa inyong palagay ang dahilan kung bakit
walang kaibigan si Jun-jun?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
5. Ano ang aral na mapupulot mo sa kwento?
________________________________________
________________________________________
________________________________________
MGA PINAGKAIBA:1. Butiki sa dingding 2. Hikaw ni Marie 3. Nakatawang mata ni Randolf 4. Walang bakod sa kaliwang taas na bahagi
5. Nawawalang punit na pantalon sa ibaba. 6. Malaking laso ni Onyok, 7. Pagbabago ng karatola sa likod 8. Hindi Punit na Pantalon
9. Bibig ni Jun-jun 10. Mas berdeng dahon sa likod ng bakod.
dalawang larawan.
Hanapin ang sampung (10) pagkakaiba ng nakulong sa maze.
ni Jun-jun tungkol sa pakikipagkaibigan. Marie, Onyok, Sitti at Randolph na
Ito ng larawan na nagpabago ng isipan at paniniwala ang kanyang mga kaibigan na sina
Panuto: Tulungan mo si Jun-jun na hanapin
Ang SUMULAT NG KWENTO
Si ENRILE O. ABRIGO, JR., ay kasalukuyang
Bihasang Guro II sa Pambansang Paaralan
ng Palawan – Senior High School. Siya ay
Tagapayo ng Pamahayang Pampaaralan
na “Layog Palawenian” na nakalahok na
sa iba’t ibang pandibisyon, panrehiyon at
nasyonal na patimpalak pang-dyornalismo.
Siya rin ay isa sa mga regional trainers ng
MIMAROPA para sa Filipino Curriculum ng SHS.

Ang NAGDESENYO’T GUMUHIT


Si Daniel C. Tabinga, Jr. ay kasalukuyang guro ng San Miguel
National High School, Lungsod ng Puerto Princesa. Tinapos niya ang
kursong Bachelor of Secondary Education sa Western Philippines
University na may espesyalisasyon sa asignaturang
Agham.
Hilig din niya ang pagguhit, pagpipinta, at
pagwawangis ng mga publikasyon.
Tumangap din siya ng ilang
parangal tulad sa paglikha ng
mga e-books para sa Agham at
sa pagwangis ng sagisag (logo) ng
Departamento ng Edukasyon, Dibisyon
ng Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa ngayon, ibinibigay niya ang
kanyang mga libreng oras sa pagtuturo
ng sining sa paguhit para sa piling mga
estudyante ng kanilang paaralan.
Kaya mo bang mag-isa sa iyong bagong
paaralan?
Wala kahit isang kaibigan?
Bakit mas pinili ni Jun-jun na walang kaibigan?
Mabait naman si Marie. Masayahin si Onyok.
Matalino si Sittie. At mapagbigay si Randolph.
Ngunit bakit walang kaibigan si Jun-jun?
Ano ang sekretong kanyang tinatago?

You might also like