You are on page 1of 1

Nobela ni Lazaro Francisco, ang Maganda pa ang Daigdig (1955) ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera.

Si Lino ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Makikilala niya si Kumander Hantik na hihimukin siyang sumama sa kilusan upang wakasin ang bulok na sistemang agraryo. Tatanggi si Lino. Darating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Darating ang sandali na masasangkot siya sa gulong, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Mabibilanggo siya, ngunit makatatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at magbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino ang magsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sasapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Magwawakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, maihahayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao.

Mga Tauhan

Ms. Loreto Sanchez - Punong guro sa paaralang-bayan ng Pinyahan na kumupkop kay Ernesto matapos mahuli ang kanyang amang si Lino Lino Rivera - ang napagbintangan sa salang pagpatay bagamat wala itong kasalanan. Aling Ambrosia - ang labandera ni Bb. Sanchez Pari Amando - amahin ni Bb. Sanchez Kap. Roda - nakatuklas sa tunay na pumatay kay Tarantella Ernesto Rivera - ang anak ni Mang Lino Kumander Hantik - kumander ng mga Huk na hinuhuli ng samahan ni Lino

You might also like