You are on page 1of 4

PAGTATAE

(DIARRHEA)

LYNDEN JUDE S. ROMAS NR- 32 GROUP 4

Dagdag kaalaman -maaring dumumi ang isang tao ng hanggang 3 beses sa loob ng isang araw at 3 beses sa loob ng isang linggo. Kung mas mababa sa 3 beses sa loob ng isang linggo ito ay ang tinatawag sa constipation, kung mas madalas dumumi ng matubig ng higit sa 3 beses sa isang araw ito ay ang tinatawag na diarrhea. Ano ang DIARRHEA? Ito ay ang pagdumi ng malambot o matubig ng mahigit sa 3 beses sa loob ng isang araw. Ano ang sanhi nito: 1. Pagkain na madudumi 2. Tubig na kontaminado 3. Medikasyon na nagdudulot ng paglambot ng dumi 4. Food intolerance ( lactose intolerance ) Anu ang dapat gawin kung ito ay nangyari sa ito? 1. Uminom ng ORESOL. Ano ang ORESOL ?
Ang oral rehydration salt o ORESOL ay isang uri ng inuming pamalit sa tubig na inilalabas ng katawan bunga ng diarrhea.

-Paano ang pagtimpla ng ORESOL? 1 ORESOL sachet + 1 litrong pinakulong tubig

-paano ibinibigay ang ORESOL? Ibigay ang kaukulang dami ng oresol sa bata sa tuwing ito ay may diarrhea

Edad -Wala pang 2 taong gulang -2-10 taong gulang -higit sa 10 taong gulang

Dami sa ORESOL sa bawat pagdumi

baso (50-100 ml) 1 baso (100-200 ml) Hanggang gusto at kaya pa

-Anu ang maaaring ibigay kung walang ORESOL? Kung walang ORESOL, maaaring gumawa ng sariling preparasyon katumbas ng ORESOL. Ito ay sa pamamagitan ng: 3 kurot ng asin + 1 kutsarang asukal + 1 litrong pinakulong tubig

2. Kumain ng tama at sapat.

Kalian dapat magpakunsulta sa Health Center?

Kailangan magpakunsulta kung patuloy pa rin ang pagtatae ng mahigit sa 3 beses sa isang araw at kung my dehydration o nakakaramdam ng alin man sa mga sumusunod na sintomas: -labis na pagkauhaw -panlalalim ng mata at panunuyo ng labi -panghihina Pagsusuka -pagbabawas ng timbang -lagnat

Kailan dapat dalhin sa ospital? Dalhin agad sa ospital ang bata kung: 1. di na makakain, makainom, o makasuso 2. sobrang pagsusuka at panghihina 3. nagtututulog o mahirap gisingin 4. nag-kombulsyon 5. ang dumi ay may bahid na dugo 6. may malnutrisyon 7. di pa rin gumagaling sa loob ng 3 araw

Paano makakaiwas sa pagtatae? 1. Malinis na kaugalian HYGIENIC PRACTICES a. Paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain b. Pagkain o pag inom sa mga lugar na malinis c. Tamang pagluto at pagtago ng pagkain d. Malinis o tamang paraan ng pagtapon ng dumi e. Kalinisang pangkapaligiran 2. Pagpapasuso sa mga sanggol sa unang 6 na buwan 3. Tamang weaning practices (pag awat sa pagpapasuso) 4. Kahalagahan ng bakuna laban sa tigdas

HINDI NAKAMAMATAY ANG PAGTATAE KUNG ANG DEHYDRATION AY MAIIWASAN !!!

You might also like