You are on page 1of 4

the day you were born Its like heaven sent, all the beautiful things in this world

Youve been my source of courage Passion, tranquility and above all Unconditional love And this day will be the day I will celebrate and profoundly thank you For being here with me in this life

Tulang Kalikasan

(Joemark Anthony C, flores)

Bauan technical high school

Sa lahat ng aking mga kamag aaral Sana ay magustahan niyo Isang Tula tungkol sa Kalikasan Ang inihahandog ko sa inyo.

Balak naming puno'y iprotesta kayo pagkat kayo'y sadyang walang kwentang tao pinatay nyo kaming unti-unti rito kaya nadanas nyo ang mga delubyo

Pinagpuputol nyo ang aming kapatid na mga puno rito habang kami'y umid kayong mga tao'y pawang mga manhid sa buhay na ito'y kayo ang balakid

Ilan sa inyo ang sa delubyo'y saksi at sino ang agad ninyong sinisisi di ba't kalbong bundok, kalbong gubat, kami kayong mga tao'y amin bang kakampi

Bakit kayong tao sa mundo'y nilalang gayong ugali nyo'y pawang salanggapang ang akala nyo ba kami'y nalilibang sa mukha nyo gayong kayo'y mga hunghang

Kailan pa kayo magpapakatino at magkakaroon ng mabuting puso tigiln nyo na ang pagpaslang ng puno upang kalakalin at kayo'y tumubo

Sa aming protesta kayo ang kawawa di na masisipsip ang mga pagbaha pagkat ang ginawa nyo'y kasumpa-sumpa sa aming kapatid na puno at lupa

Kaya nga bago pa mahuli ang lahat ay inyong ayusin itong aming gubat kahit ang ugnayan natin ay may lamat pag ginawa'y agad ang aming salamat

Salamat sa oras na ginugol ninyo. Sa pagbasa ng simpleng tula tungkol sa kalikasan na ito. Sana ang lahat ay huwag makalimot magdasal. Nawa'y ang Diyos sa atin ay gumabay.

Hayan sa Pag-ibig! Hetot iaanak, didito sa dibdib, Ang dakila't wagas na luksong pag-ibig, Pagsalitain dito ay hindi ang bibig, Bagkus ay ang pusong may alsa ng pintig. Patibukin lamang ang kanan, kaliwa, Saka isalamin itong kaluluwa, Kaya bang hamigin -- halakhak at tuwa, Kung may palag namang dusa't mga luha? Pigilin ang hinga't makipaghabulan, Sa mundong ang ikot - singbilis ng orasan, Lumaya sa gapos ng pusot isipan, Kadena'y kalagin, lipad sa ulapan! Kung iyong nais at mamatamisin, Iikid nang husto ang taling gupiling, Ipakalimi mo nga ang lasang alipin, Kagyat na manhik sa hagdang may kawing. At huwag kalagin ang bugkos na tali, Ikilos ang tula sa kislap ng gabi, At kahit ang tali'y sagad na maigsi May hihilahin kang pag-ibig sa bunyi! 'Pagkat iba't iba ang guhit ng palad, Ang lubak mo'y baka hindi niya lubak, Isiping mainam - hindi magkatulad, Ang lubid ng iba'y iba ang may hawak! Iyong makikita ang mga pagkaway, Kung nakatingin ka sa dulo ng gabay,

At ang ngiti nila't mga bulay-bulay, Hayaang ilibing ng layang mabuhay!

You might also like