You are on page 1of 3

Propaganda ay impormasyon na kumalat para sa layunin ng pagtataguyod ng ilang mga dahilan.

ANG KILUSANG PROPAGANDA Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina : Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito. LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA 1. 2. 3. 4. 5. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya. Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko. Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

Ang mga Propaganda ni Rizal: NOLI ME TANGERE akdang nagbigay daan sa himagsikan laban sa Espanya; inilantad ang kasamaang naghahari sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. EL FILIBUSTERISMO Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ni Jos Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. MI ULTIMO ADIOS (Ang Huli Kong Paalam); ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort Santiago. Ipinalalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINAS- (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino ). Itoy isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS-(ANG Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon ). Ito ay isang sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Rizal; kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos. A LA JUVENTUD FILIPINO- ( Sa Kabataang Pilipino ). Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas.

EL CONSEJO DE LOS DIOSES- ( Ang Kapulungan ng mga Bathala). Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes. ME PIDEN VERSOS- ( Hinilingan Nila Ako ng mga Tula ).-1882 at A LAS FLORES DE HEIDELBERG ( Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882 ). Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga di-pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

ANGKILUSANG PROPAGANDA NI RIZAL SA LONDON LONDON - Pinakamalaking lungsod sa daigdig. - Ang sentro ng kalakal at bangko. - Pinamahalaan ng kagalang-galang na Reyna Victoria noong 1888. Nag punta sa Rizal sa London para sa misyong makaiskolar. Unang taongf kinontak niya ay ang laybraryan ng India Office na si Dr. Reinhold Rost. DR. REINHOLD ROST -Isang German na ilang taon nang naninirahan sa England - Ang pinakadakilang Sanskrit iskolar sa Europa. - Libraryan ng India Office. INDIA OFFICE -Sentro ng pag-aaral tungkol sa kasaysayan, wika, kaugalian ng mga bansang saklaw ng impluwensyang Sanskrit at Persian. BRITISH MUSEUM -Pinaka angkop na lugar para sa pagsasaliksik ni Rizal ayon kay Rost. SUCESOS DE LAS ISALAS FILIPINAS ( Mga pangyayari sa mga pulong Pilipinas) - Isinulat nuong 1609 ni Antonio de Morga, isang hukom ng Real Audiencia at naging pansamantalang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. - Isinalin ni Lord Stanley sa wikang Ingles. -Tumnatalakay sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas. -Ito ay matagal ng alam na libro ni Rost ngunit nung mga panagahong iyon lang siya nagkaroon ng kopya. Sa mabilis na salain ni Stanley, natanto ni Rizal na nagawa ng Espanyol na hukom na ito noon pa man sa isang volyum ang nais niyang gawin, ang pagbibigay ng halos kompletong larawan ng Pilipinas noong mga unang panahon ng pananakop ng Espanya.

You might also like