You are on page 1of 8

MGA ARALIN SA MASINING

NA PAGPAPAHAYAG
4 Replies
Ang Pagpapahayag o Diskurso-
Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o
higit pang tao.

PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO
(Punto de Vista/ Point of View)

PASULAT NA DISKURSO
} Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)
} Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. (Bernales, et al.,
2002)
} Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
} Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang
kaligayahan ng nagsasagawa nito.
2 paraan ng pagpapahayag o diskurso
1. Pasalita (verbal) oral
2. Pasulat gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra
2 uri ng pasalitang diskurso
1. Privado sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal)
2. Publiko sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita)

PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO
PASALITA
SIKOLOHIKAL
-gawaing sosyal
-dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap;
-may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at
-gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic
LINGGWISTIKA
-maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita
-maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig
-napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag
-nauulit ang anumang sinabi
KOGNITIBO
-ang pagsasalita ay madaling natatamo
-natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building)
-ang pagsasalin ng inner speech'(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang
madaling proseso
PASULAT
SIKOLOHIKAL
-gawaing mag-isa
-isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang nag-iisa;
-maraming ginagawang pag-aakma ang manunulat upang maisaalang-alang
ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng
sulat na ginagawa; at
-walang kagyat na pidbak kayat hindi agad na mababago kung ano ang naisulat
-kailangang panindigan kung ano ang naisulat
LINGGWISTIKA
-kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa
mambabasa.
-mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na
sundin.
KOGNITIBO
-natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto;
-mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at
-karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing itoy ego-
destructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat
} Sosyo- ito ay isang salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Samantalang ang kognitib naman
ay tumutukoy sa pag-iisip.
} Ang sosyo-kognitibong pananaw sa pagsulat ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng
pagsulat.
} Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.
} Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na
tulad ng:
1. Ano ang aking isusulat?
2. Paano ko iyon isusulat?
3. Sino ang babasa ng aking isusulat?
4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?
} Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.
} Anuman ang layunin sa pagsulat, mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-
dimensyonal na proseso.
Dalawang dimensyon sa pagsulat:
1. Oral Dimensyon
Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig
na rin siya sa iyo.
Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.
2. Biswal na Dimensyon
Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang
awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.
Sa dimensyong ito, kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat
upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging
epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

MGA PANANAW SA PAGSULAT
Ayon kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,
pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa
sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang
kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.

Ayon pa kay Murray, ang pagsulat at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.
Writing is rewriting.

Matapos diumanong magsulat, magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat.

Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat A good writer is wasteful.
Metapora ni Murray:
He saws and shapes and cuts away, discarding wood The writer cannot build a good strong piece
of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.
Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I
revise,revise,revise,until every word is what I want.

PASALITANG DISKURSO
} Ang pananaw sa pagsasalaysay ay umaayon sa papel na ginagampanan o sa posisyong
ginagampanan o kinalalagyan ng tagapagsalaysay sa pagkukwento
} Unang panauhang pananaw
ang tagapagsalaysay ang gumaganap na pangunahing tauhan. Siya ang nagsisiwalat sa mga
pangyayari ayon lamang sa sarili niyang karanasan
-kapansin-pansin ang panghalip panaong Ako
} Ikalawang panauhang pananaw
- Ang pangyayari ay inihahayag ayon sa pagkakasaksi
} Ikatlong panauhang pananaw
- Ang tagapagsalaysay ay humihiwalay, ganap na lumalayo sa kwento, kaya parang Diyos
niyang nakikita ang lahat, naririnig ang lahat at nalalaman ang lahat ng nangyayari pati nasasaisip at
nasasaloob ng mga tauhan

Mga Panghalip Panao
} (Personal Pronoun)
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya

Paglinang ng Ideya
1. Pagpili ng Paksa
-pumili ng paksa na may malawak na kabatiran at lubos na kawiwilihan
*brainstorming
*partikular na isyu, mga espesyal na gawain, at mga personal na bagay na pagkakainteresan

2. Awdyens/tagapakinig/mambabasa
- isaalang-alang ang demografik na katangian- edad, edukasyon, kasarian, okupasyon, kultural na
kaligiran o bakgrawn, lahi, relihiyon, nasyunalidad, mga hiyografik na pinanggalingan at
kinamimiyembrohan

3. Layunin
a. mabigyang-aliw ang mga tagapakinig
b. maipaunawa ang impormasyon
c. mahikayat na baguhin ang dating paniniwala

Organisayon ng Diskurso
n 1. Kaisahan- ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may
isang paksang pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap.
Tumutukoy ang kaisahan sa isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na
kahulugan, ito ay magkakalapit lahat. Ang kaisahan sa pagpapahayag ay nangangahulugan na
ang lahat ng mga ideya sa talata ay makinis na tumatakbo mula sa isang pangungusap. Sa
pamamagitan ng kaisahan sa pagpapahayag, ang mga mambabasa o tagapakinig ay magkakaroon
ng kadalian sa pag-unawa sa mga ideyang iyong ipinahahayag.
1. Kaugnayan- dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy
ng diwa buhat sa simula hanggang dulong pahayag. Mahalaga ang papel ng mga salita na
ginagamit bilang mga tagapag- ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga
bahagi ng pahayag. Ito ay mga palatandaan na tumutulong sa mga mamababasa at
tagapakinig para mabigyang- kahulugan ang mga gustong iparating ng tagapagsalita o ng
manunulat. Tumutulong din ito upang madala ang diwa ng isang pangungusap patungo sa
isa pang pangungusap, talata patungo sa iba pang talata sa iba pang salita o mga parirala.
At panghuli, ang pang-ugnay ay tumutulong din upang mapag-ugnay ang mga pangungusap
at mga talata upang mapakinis ang takbo ng pahayag para hindi magkaroon ng biglaang
pagtalon o pagputol ng mga ideya.
Mga halimbawa ng pang-ugnay:
Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa
Paghahambing- pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man
Pagpapatunay- kung saan, dahil sa, para sa , tunay na, sa katunayan
Pagpapakita ng oras- kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon
Pag uulit- sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan
Pagbibigay diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan
Pagpapakita ng Pagkakasunud sunod- Una, pangalawa, pangatlo, a,b,c
Pagbibigay halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong pagkakataon,
Pagbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling salita, bilang resulta, kaya naman, sa
pagbubuod

1. POSISYON Tumutukoy ang paraang ito sa kinalalagyan o posisyon ng paksang
pangungusap sa loob ng talata.
2. PROPORSYON Nakasalalay sa pamamaraang ito kung ano at gaano kalawak ang
gagawing pagtatalakay sa isang paksa.
3. Pagbibigay-diin ang pangunahing layunin ay bigyang-diin ang mahalaga at ialis ang mga
walang saysay
PAG UULIT NG SALITA AT TUNOG Ginagamit upang magbigay diin.

Mga Personal na Diskurso
(Ang personal na diskurso ay nagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat.)

1. Talaarawan
2. Jornal
3. Awtobiyografiya
4. Refleksyon

Talaarawan
Personal na pangyayari sa sarili
isang talaan ng mga pangyayari, mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon na arawan o
paminsang-minsang ginagawa (Webster)
Pang-araw-araw na tala, lalo na ng sariling karanasan; tala pa rin ito ng mga
kaisipan (Ensayklopidya)
Maaring tawaging matalik na kaibigan sapagkat dito natin nasasabi ang mga pinakapersonal na
karanasan at damdamin nation sa iba o sa ating sarili.
Diary
mula sa salitang Latin na diarium na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga
eksperiensya obserbasyon at pag-uugali

J ornal
personal na karanasan at planong pansarili
isang arawang tala ng mga pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)
hindi lamang sa personal na karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong
may kinalaman sa ibang tao
Sangkap ng isang jornal
Sitwasyon o pangyayari
Damdamin
Kaisipan
Ilan sa mga dahilan sa pag-sulat ng dyornal:
1. isang travelog
n TRAVELOG Isang uri ito ng sulatin tungkol sa diary ng paglalakbay. Noong 1903, iniukol
lamang ang katawagang ito sa pagsasalita o paglelektyur tungkol sa pagbiviahe na karaniwang
inaalinsabayan ng
2. laman ng mga panaginip
3. kaisipan na maaring konsepto o larawan
4. log buk
5. plano
6. batayan ng ilang sulatin gaya ng biography
7. eklektik
8. imbakan ng mga memorya

Ang talaarawan at jornal ay magkasingkahulugan na pwedeng pagpalitin ang gamit. Parehong de
petsa ang mga tala. Parehong talaan ng mga magiging alaala bukas (Arrogante, 2009)

Bayografi o Talambuhay
-tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay noong
nabubuhay pa siya kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya
Defentibong Talambuhay
-pang-iskolar na trabaho
-importanteng tao lamang ang maaaring pag-ukulan ng masusing pananaliksik at matamang
panahon
Awtorisadong Talambuhay
-tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng kamag-anakan, kaibigan, o kakilala ang sinumang
manunulat na pawang posito lamang ang kailangang lamnin.
Karaniwang Talambuhay
-tapat sa katotohanan at tiyak ang mga katibayan para maitulad sa sarili ng mambabasa ang
kanyang naging mga karanasan at pagkatao

Awtobiyografi
-tungkol sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat

Refleksyon
n Tinatalakay sa sulating ito ang mga kasaysayan ng pagbabago sa sarili
sa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan.
n Personal na pagpapahayag ng iyong saloobin
n Malalim ang pagtatalakay
Katangian:
a. sarili ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon
b. naipakikita ng kaugnayan ng teksto sa iyong buhay
c. Gumagamit ng unang panauhan.

You might also like