You are on page 1of 3

1.

Alamin ang kahulugan ng katotohanan at opinyon


Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga
totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at
damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp.
Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan.
Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong
magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng,
pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp.
2. Magbigay ng tig 3 halimbawa ng katotohanan at opinion
Opinyon
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isat isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
Katotohanan
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of
school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting
umuunlad ang turismo ng ating bansa.
3. Alamind ang kahulugan ng ___________

4. Maghanap ng talambuhay nina severino Reyes at Jose Corazon de Jesus at


Aurelio Tolentino.
TALAMBUHAY NI SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861. Ikalima
siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.

Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas.


Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga
kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa
sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro
at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga
manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang
dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moromoro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng
sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de
Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni
Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng mga manunuod sa
pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela
Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos
nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong
Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng
dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang
Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng
mga manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati,
Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang
RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang
mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si
Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
TALAMBUHAY NI JOSE CORAZON DE JESUS
Si Jose Corazon de Jesus, na pinalayawan ng Pepito, ay isinilang sa isang bahay sa Daang
Trinidad, purok ng Sta. Cruz, Maynila, noong ika-22 ng Nobyembre, 1894. Siya ay ang
ikalawang anak ni Dr. Vicente de Jesus, ng Sta. Maria, Bulakan, at unang direktor na
Pilipino ng Kawanihan ng Kalinisan, at ng Kapampangang si Gng. Susana Pangilinan.
Ang kanyang dalawang kapatid ay sina Vicente,Jr., na siyang panganay, at si Rosa, ang
bunso. Sa tatlong magkakapatid, si Pepito, Pitong sa kanyang ama't ina, ang

pinakamalapit sa kanyang ina. Ang dahilan nito ay noong bata pa si Pepito ay masasakitin
ito at galisin pa, kaya madalas siyang inaalagaan ng kanyang nanay.
Bata pa lamang si Pepito ay namulat na siya sa mga tulang tagalog, awit at korido, sa
"Florante at Laura", "San Raymundo", at iba pang aklat na tagalog na lubhang babasahin
noong araw. Masasabing dito nagsimula ang pagtangkilik at pagkabihasa ni Pepito sa
tulang tagalog. Mahilig rin siya sa pag-awit, pagtugtog ng piyano, at ng iba't ibang larong
pampalakas.
Sa bayan ng kanyang ama siya nag-aral ng unang baitang. Maligaya ang kabataan ni
Pepito rito at ito marahil ang nagtulak sa kanya upang sabihin na dito siya inuluwal. Nang
makatapos siya ng primarya ay inilipat siya sa Liceo de Manila, isa sa mga pinakasikat na
paaralan sa Maynila noon, upang mag-hiaskul. Nang siya'y nakapagtapos ay nag-aral
naman siya ng abosya sa Escuela de Derecho. Nang magtapos siya ng batas noong 1919
ay hindi siya kumuha ng iksamen upang maging tunay na abogado. Sa halip ay
ipinagpatuloy ang kanyang matagal ng hilig, ang pagtula.
Noong Oktubre ng 1918 ay itinanan ni Jose Corazon ang binibining si Asuncion Lakdan.
Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak. Ang mga ito ay sina Teresa,
Jose at Rogelio.
Si Jose Corazon ay hindi lamang makata at manunulat kundi isa rin namang
mamamahayag. Naging manunulat siya sa mga pahayagang "Demokrasya",
"Pagkakaisa", "Taliba", "Mabuhay", at "Sampagita". Pero higit siyang kilala sa larangan
ng "Balagtasan" at pagbigkas. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang hinihirang na
pinakamagaling sa dalawang larangang ito.
Si Jose Corazon de Jesus, o Huseng Batute, ay binawian ng buhay ng ganap na ika-12:02
ng tanghali, noong Mayo 26, 1932 sa Ospital Heneral dahil sa isang sakit sa bituka.
TALAMBUHAY NI AURELIO TOLENTINO
Kasamang ni Tolentino si Andres Bonifacio sa paghahanap ng kanilang mga lihim na
kuta sa kabundukan ng Montalban at San Mateo, Rizal. Napili nila ang Kuweba
Pamitinan na maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mga Espanyol noong 12
Abril 1895.
Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula ang himagsikan sa
Filipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ng samahan ng mga dating
katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikin ang mga Amerikano. Tinawag niya
ang samahan na Junta de Amigos.
Pagkatapos ng digmaan, ibinaling ni Tolentino ang pansin sa pagsulat ng literatura, at
lumikha ng mga dakilang akda, gaya ng Kahapon, Ngayon at Bukas (1902); Bagong
Cristo (1907); Maring (1908); Buhay (1909); Buhok ni Ester (1914).

You might also like