You are on page 1of 3

Gusto ko ng kaibigan kung siya'y maunawain,

Sa aking pagkukulang sa salita't gawain,


Ayoko ng kaibigan na tila balimbing,
Dalawa ang mukha; mapanira't taksil.
--Ako'y naglalakad papuntang Kalumpit,
Ako'y nakarinig ng huni ng pipit,
Ang wika sa akin, ako raw ay umawit,
Ang aawitin ko'y buhay na matahimik.
--Ibig ko ng perang gagastahin,
Sa mga kailangang dapat na unahin,
Ayoko ng pera kung ako'y hihilahin,
Sa gawaing lisya't pagsisinungaling.
---

Sagot: Langka
Baboy ko sa pulo,
Ang balahibo'y pako.

Sagot: Baril
Sa maling kalabit,
May buhay na kapalit.

Sagot: Mga Mata


Dalawang batong itim,
Malayo ang nararating.

Si Ann ay isa sa limang magkakapatid.


Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay, ay sina
Nana, Nene, Nini, Nono, at ???
Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?
Sagot: Ann
--May 12 buwan sa isang taon.
Pito sa mga buwan ang may 31 araw, at apat
na buwan ang may 30 araw lang.
Ilang buwan ang may 28th na araw?
Sagot: 12
--May anim na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno.
Tatlo ang maya, dalawa ang pipit, at ang isa ay uwak.
Binato ni Mart ang sanga. Tinamaan at nalaglag ang uwak.
llang maya ang naiwan sa sanga?
Sagot: Tatlo
---

You might also like