You are on page 1of 4

LAYUNIN:

Inaasahan na sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay matutugunan ang mga sumusunod


na suliranin:

1.)

Upang mabigyan ng solusyon ang mga problema ng hinaharap ng mga estudyanteng


nag-aaral ng Pharmacy.

2.)

Upang maintindihan ang kahalagahan ng kursong Pharmacy.

3.)

Upang malaman ang importansya ng isang pharmacist sa lipunan.

4.)

Upang malaman at mapahalagahan ng tama ang mga makabuluhang naiambag ng isang


Pharmacist.

5.)

Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng isang mambabasa hinggil sa paksang tinalakay.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK:

Sa Sarili
Magkaroon pa ng mas malawak na pang-unawa hinggil sa paksang sinaliksik.
Madadagdagan pa ang dating kaalaman at magiging handa sa mga suliraning maaaring harapin
sa buhay.

Sa Lipunan
Nabibigyan ng importansya at pagkilala ang propesyon na Pharmacy. Natutuklasan ang
ibat ibang maaaring iambag at gawin ng mga Pharmacist sa larangan ng paggawa medisina at
panggagamot. Nabibigyan sila ng pagkilala bilang isa sa tagasulong ng wellness.

Sa Akademya
Pinagtutuunan ang mga karanasan kasanayang parmasya na dapat isama, ilapat,
palakasin at isulong ang mga kaalaman, kasanayan, at saloobin sa pamamagitan ng ibang mga
bahagi ng kurikulum. Sanayin ang mga mag-aaral ng Pharmacy sa isang interaktibo, praktikal at
realidad na pag-aaral ng propesyon.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay para sa kaalaman ng lahat na ang kursong Pharmacy ay isa sa
mga mahahalagang salik na bumubuo sa isang lipunan. Ang pag-aaral na ito ay mananatili
hanggat may mga natitirang taong may interes sa kursong Pharmacy upang ipagpatuloy at
palawakin pa ang kaalaman sa larangan ng medisina.

DEPINISYON NG MGA TERMINONG GINAMIT


a) Pharmacist
-isang propesyonal sa kalusugan na nagsanay sa sining ng paghahanda at pagdispensa ng
mga gamot.
b) In-patients
*pahina 3, talata 3
- mga pasyente na nananatili sa ospital habang nasa ilalim ng paggamot.
c) Wellness
*pahina 5, Sa Lipunan
- isang estado ng kumpletong pisikal, mental, at panlipunang kagalingan, at hindi lamang
ang kawalan ng sakit o kahinaan.
d) Career
*pahina 3, talata 3
- trabaho o propesyon
e) Over-the-counter medications
*source paper: pahina 1, talata 2
-medikasyon na maaari mong bilhin ng walang reseta.
f) Pharm.D. (Doctor of Pharmacy Degree)
*source paper: pahina 2, talata 8
- kailangan para sa paglilisensya upang ipatupad ang propesyon ng pagiging isang
pharmacist.
g) Internships
*source paper: pahina 3, talata 11
- praktikal na karanasan para sa mga nagsisimula sa isang propesyon.
h) Counseling
*source paper: pahina 3, talata 15
- pakikipag-ugnayan sa pagitan ng isang pharmacist at isang pasyente sa pagbibigay ng
impormasyon ng gamot.

You might also like