You are on page 1of 2

Ang pharmacist ay kilala bilang eksperto sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga

kagamutan sa mga pasyente na nangangailangan ng tamang gamot na ayon sa kanilang


pangangailangan. Upang maging kwalipikadong pharmacist, kinakailangan na sumailalim ang isa sa kurso
upang ikaw ay maging isang ganap na pharmacist. Maraming oportunidad ang maaaring mabuksan sa
pagiging pharmacist. Isa na rito ang pagiging Industrial Pharmacist.

Ang isang industrial pharmacist ay responsible sa pagsasagawa ng pananalisik ng mga


pharmaceutical products. Gumagamit sila ng mga teknolohiya na maaaring makalikha o makabuo ng
bagong medikasyon na maaaring masubukan sa clinical drug trials upang makumpirma kung ang bagong
nadiskubre ay magigin epektibo sa gamit nito. Mahahati ang industrial pharmacy sa iba’t iba pang
seksyon, kung saan maaari kang mapunta sa product development kung saan ikaw ay gagawa o
iimbento ng isang produkto, produksyon kung saan nakatutok ito sa pagpaparami ng produkto na
nagawa at quality control kung saan sinisigurado mo na ang bawat produkto na ilalabas sa publiko ay
nasa pinaka mataas na istandard lalo’t na ginagamit ito sa larangan ng medisina. Maaaring kumita ang
isang industrial pharmacist ng ₱436,511 sa kabuuan. Importante ang larangan na ito ng parmasiya dahil
ito ang pangunahing pinagmumulan ng mga produkto na nakakapagpagaling ng iba’t ibang sakit.

Anu mang larangan sa pharmacy ay importante. Iba’t iba man ang tungkulin sa bawat larangan,
iisa lamang ang layunin nito, at ito ang makapag-ambag sa pagpapaunlad ng kalusugan ng bawat isa.
Maraming sakit ang nadidiskubre, maraming tao ang naaepktuhan, kaya’t importante ang patuloy na
paghahanap, o pananaliksik ng bagong produkto upang makatulong sa mga hinaharap nating sulirinanin
sa larangan ng medisina.

You might also like