Ang mga over-the-counter o OTC drugs, o iyong mga gamot na hindi na
kinakailangan ng reseta galing sa doktor o sinomang propesyonal sa kalusugan, ang iniinom na mga pasyente sa paggamot ng ilang mga karaniwang karamdaman o mga sakit. Iminumungkahi ng mga propesyonal sa kalasugan ang self-medication upang ang mga pasyente ay makatipid sa mga gastusin (Lo, 2006). Dahil sa hindi kinakailangan ng reseta o konsultasyon galing sa doktor ang pag-inom ng mga OTC drugs, hindi maiiwasan ang maling paggamit ng mga ito. Ito ay maaaring magdulot sa ilang side-effects, pagkaospital, o kahit pagkamatay (Potniss, 2012). Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa isang indibidwal upang siya ay magkaroon ng mga kaalaman sa mga OTC drugs tamang paggamit, mga benepisyo ng paggamit, at mga epekto ng maling paggamit ng mga ito, na maaari naman niyang magamit kung siya ay magkakaroon ng karamdaman o sakit.