You are on page 1of 3

Kapansin-pansin ang isang matayog na rebulto ng isang babae na may dala-dalang lalaki na

matatagpuan malapit sa MRT station at sa sulok pagitan ng Quezon Avenue at EDSA, Diliman,
Quezon City. Ito ang monumento ng Inang Bayan na nakatayo sa Bantayog Memorial Center.
Ang Bantayog Memorial Center ay isang park complex na itinayo bilang parangal sa mga martir
at bayaning naglakas-loob na lumaban sa di-makataong pamamalakad ni Pangulong Marcos
noong panahon ng Martial Law. Ang kabuuang lupain nito ay may lawak na 1.5 hektarya na
hiniram mula sa Land Bank of the Philippines na nakalatha sa Presidential Proclamation No. 132
noong ika-25 ng Hulyo, 1987.
Sa aming paglalakbay aral, nadatnan namin ang isang malawak at mahalaman na lupain.
Maaliwas kung titingnan at hindi maikakailang iyon ay isang sagradong lugar dahil sa
pagkakaayos nito na may mga magagandang bulaklak at halaman na nakapaligid. Sa paglalakad
namin, unang bumungad sa aming paningin ang isang matayog na monumento ng ating Inang
Bayan.
Makikita sa larawan ang isang babae na may akay-akay na lalaki. Ang babae ay
kumakatawan sa ating Inang Bayan. Nakataas ang kanyang kaliwang kamay sa kalangitan at sa
kanang kamay naman ay bitbit niya ang isang martir na nakahandusay sa lupa. Makikita sa
mukha ni Inang bayan ang mukha ng pagwawagi - pagwawagi sa matibay na paniniwala na ang
kalayaan, kapayapaan, at hustisiya ang siyang mananaig dito sa bansa. Ang nasabing monumento
ay nakatayo sa isang pulang pedestal kung saan ang mga sikat na linya sa Mi Ulitomo Adios ng
ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay nakaukit.
Trivia: ang logo ng BMC ay halaw sa monumento ng Inang Bayan (sa baba ng pic tong info na
to)

Sa pananaw ng iskulptor ng monumento na si Eduardo Castrillo, ang kanyang obra maestra


ay nagpapahayag ng kabayanihan sa Pilipinas. Sinisimbolo ng lalaking nakahandusay ang
pagsasakripisyong ibinigay at paghihirap na dinanas ng mga totoong bayani para sa pagkamit ng
tunay na kalayaan. Ang babae naman ang sumisimbolo sa nasyong nagkakaisa na siyang
nagbubuhat sa naghihirap na bayani. Kapag pinagsama ang dalawang katauhan binubuo nito ang
mesaheng, from where our heroes fall, our nation rises.
Pagkatapos naming obserbahan ang monumento, kami ay tumungo sa aming susunod na
destinasyon, ang Wall of Remembrance. Bumungad sa amin ang napakalapad na pader na gawa
sa black granite na may mga listahan ng mga pangalan. Ito ay ang pangalan ng mga bayani at
martir na buong tapang na tumayo at lumaban sa mga corrupt na pinuno ng pamahalaan sa bansa
noong panahon ng Martial Law. Kabilang sa listahan ay mga magsasaka na lumaban para sa
kanilang mga karapatan pati na rin ang mga guro na nagbantay sa balota noong eleksyon.
Trivia: Requirements para mapabilang ang nagnanais na mapasama ang kanyang kakilala sa
WOR: nagprotekta sa balota, nagsalita o sumulat laban sa maling pamamalakad ng gobyerno,
nagsasaayos o sumasali sa mga kilos protesta, nakibahagi sa pagkamit ng kalayaan, hustisiya, at
demokrasiya sa bansa. (baka makalimutan mong tanggalin hahaha)
Ang huling destinasyon namin sa Bantayog Memorial Center ay ang museo nito.
Nakapaloob dito ang mga pangyayari noong panahon ng Martial Law. May mga larawan ng
EDSA revolution at mga sundalong lumaban. May mga dyaryong na naipreserba na naglalaman
ng pagdeklara ng Martial Law ni Pangulong Marcos. May mga replica din ng preso kung saan
kinukulong ang mga nahuling lumalaban sa gobyerno. Nanood din kami sa auditorium ng

museo. Doon nakasaad ang kwento ng pagkamatay ni Ninoy Aquino at pagkaupo ni Cory
Aquino bilang presidente ng bansa.
Sa pantayong pananaw, ang Bantayog Memorial Center ang nagsisilbing equilibrium sa
pagitan ng elite leaders at non-elite leaders. Ito ay sa kadahilanang hindi basehan ang estado ng
pamumuhay ng isang tao upang kilalanin siya bilang isang bayani. Kahit ang simpleng gawa
lamang na nagpakita ng katapangang ipagtanggol ang tama laban sa mali at katapatan para sa
bayan, mapamahirap man o mayaman, karapat-dapat silang parangalan at bigyang kahalagahan
bilang mga bayani.

You might also like