You are on page 1of 5

15-167089

BSP 1-F
Aralin 1: Pagsibol ng Lahing Pilipino at Kapaligiran

Pilipinas, isa sa mga bansa na kabilang sa kontinenteng Asya. Nakapaloob ito sa


Singsing ng Apoy ng Pasipiko na nangangahulugang maraming bulkan dito. At bukod sa mga
bulkan, madalas rin na lumilindol sa mga gantong bansa. Makikita ito sa isang sonang tropical at
monsoon. Kadalasang daanan ng mga malalakas na bagyo. Meron ditong dalawang uri ng klima,
ang tag-ulan at tag-araw. Nasasabi rin na noong panahon ng Cretaceous hanggang sa Pleistocene
naganap ang prosesong heolonikal katulad ng pag galaw ng platong tektoniko. At ang prosesong
ito ang nag bigay daan sa pagkabuo ng mga bundok, lambakin, katubigan, mga pulo sa bansa at
iba pa. Kasunod na rito ang pag likha ng sangkatauhan.
Sinasabing sa pagitan ng panahong Paleolitiko at Neolitiko nag umpisa ang paglikha ng
tao sa sarili. Nag karoon ng dalawang pahayag na nagpapaliwanag patungkol sa pinagmulan ng
species kabilang na ang tao. Ito ang teoryang siyentipiko at Biblikal. Ayon sa Bibliya, pagkatapos
malikha ng lahat ay isinunod ng Diyos ang tao at ginawang kawangis nya (Genesis 1:27, 31
Subsidized Edition). Sa kabilang banda, sa teoryang siyentipiko naman nag sagawa ng pag aaral
ang maraming tao upang masagot na ang palaisipan kung saan nag mula ang mga species. Ayon
kay Charles Darwin (1859) naniniwala sya na may kaugnayan ang kalikasan at mga elemento
nito sa pag-unlad ng mga species. At ang mga species na ito at ilang mga tao ay nag lakbay
patungo sa ibang lugar sa tulong ng tulay-lupan.
Ayon sa teoryang tulay-lupa sinasabing magkakadikit lahat ng kontinente. Kabilang na
ditto ang Pilipinas na nakakabit sa Asya. Pinapalagay ng sa pamamagitang ng tulay-lupa nakapag
lakbay ang mga ibat ibang uri ng species. Ilan sa mga ito ang mga rhinoceros, elepente, homo
sapiens, at home erectus. At sa pag lusaw ng yelo nawala na rin ang mga tulay. Sa pangyayari na
iyon naging possible ang pag kalat ng tao. Tinagurian ang mga ito bilang Austronesyano.
Matapos ang pagkatunaw ng mga yelo at pag-uumpugan ng mga continental plate,
gumalaw ang mga parte nito sa ibatibang direksyon. Ang paguumpungan na ito ay nag bunga sa
pag kakahiwalay ng Pilipinas sa Asya. Napunta ang Pilipinas sa gilid. Ang kapuluan ng Pilipinas
ay nagsimula sa tinaguriang proto-Philippine na arko ng mga pulo. Nabuo ito noong panahong

15-167089

BSP 1-F

heolohikal ng Cretaceous. At nasundan pa ang paggalaw ng mga plato noong panahong


heolohikal ng Eocene.
Ang pag-uumpugan at paggwalang ng mga continental plate ay nag bunga ng lindol at
bulkanismo sa Pilipinas. At dahil dito nakalikha ng mga kanal o trench kung saan umuusbong
ang mga bulkan. Maraming kanal ang nalikha dahil dito. Sa paggalaw ng mga plato, nakalikha
ito ng fault o bitak.At sa paggalaw ng mga bitak, nag karoon ng pag galaw ng lupa. At dito na
nabuo ang mga ilog, lambak at iba pa.

Matapos ang mahabang panahon ng paggalaw ng mga kapuluan napunta na ang Pilipinas
sa kinarorooanan nito ngayon. Ang Pilipinas sa kasalukuyan ay malapit sa equador at nasa gilid
ng Pasipiko. Nag resulta ang mga ito sa pagkakaroon ng klima ng kapuluan. Gaya ng nabanggit
ko kanina, meron itong dalawang klima. Ang tag-ulan at ang tag-araw. At hindi lamang klima
ang meron ito, nag karoon din ito ng dalawang klase ng hangin. Ang Amihan na nararamdaman
tuwing Nobyembre hanggang Mayo. At ang Habagat na nararamdaman tuwing Hunyo hanggang
Oktubre. Nakakaramdam din ng bagyo rito. Ang bagyo rito ay resulta ng mainit at
maalinsangang hangin.
Sa pag pasok ng pahanon ng Pleistocene nag simulang mangati ang mga karagatan. At
nag resulta sa pag baba ng level ng tubig. Malaking bahagi ng lupa ang lumabas matapos na
bumaba ang level ng tubig. Ang kalupaang lumitaw ay naging tuyong lupa. Ang lupang itong ay
mag kakaduktong ang tinatawag na Sunda shelf. Kasabay na rin nito ang paggalugad ng mga
hayop sa gilid ng kontinente ang paglitaw ng sinaunang hominid. Ang hominid ay kabilang sa
specie ng homo sapiens at home erectus.
Sinasabi na bukod sa mga hayop, may mga tao rin daw na nakatawid papuntang Pilipinas.
Bagaman wala pang nakikitang labi ng unang tao sa lambak ng Cagayan meron naming nakitang
kasangkapang bato. Ang mga nakitang kasangkapan ay tinuring na ebidensya ng nag papatunay
na may tao rin na nag lakbay sa kapuluan. Tinukoy na ang nasabing kagamitan ay sa mga Homo
erectus. Ang home erectus ang taong kayang makatayo ng tuwid at makagawa ng kasangkapan.
Merong makapal ng bungo ang mga ito, nakausling buto at malaking panga.

15-167089

BSP 1-F

Natagpuan ang ubod o pebble at core tools ng gawa sa bating igneous sa lambak
Cagayan. Samantala, ang mga flake at flake tools na gawa sa matigas na bato tulad ng chert,
andesite, at opaline. Sa pag ginawang obserbasyon, masasabing sa pangangaso at pangangalap
nabuhay ang mga homo erectus. Natagpuan din ang isang bumbunan sa may Yungib ng Tabon sa
Palawan. Sinasabing isa itong patunay na sa lugar na ito naman namuhay sa specie ng mha homo
sapiens. Mas matalino rin ang mga homo sapiens kumpara sa homo erectus. Bukod sa mga labi
ng tao at hayop ay may iba pa silang nahukay. Isa na rito ang labi ng kulturang materyal. Sa
Yungib ng Duyong naman nakakita ng mga palakol, pendant, palamuti at kabibe. At ang huling
natagpuan ay ang Palayok Manunggul. Ginagamit ang palayok na ito sa pag lilibing o pag
pepreserba. Ilan lang iyan sa mga materyal na nakita at pwedeng mag patunay na mga tao rin na
nanirahan sa Pilipinas.
Sa dami ng ibatibang lahing pumunta at naglakbay sa Pilipinas paniguradong nag
kahalo-halo ang mga ito. Mabuti nalang at nagkaroon ng dalawang batayan ang pagkakaiba-iba
ng lahi. Ito ang biolohikal at kultural. Nagkakaroon ng ibatibang itsura o katangian ang mga lahi
dahil isa na dito pakikibagay nila sa kapaligiran at kung gaano sila nakakasabay rito. Ang
batayan naman sa kultura yan nagaganap higit na maikling panahon kumpara sa biolohikal.
Ang mga lahing nabuo sa panahong paleolitiko ay tinawag na Mongoloid at Austroloid.
Kilala rin ang Mongoloid sa tawag na madilaw. Matatagpuan parin ang mga ito sa hilagang
Tsina. Ang Austroloid naman o maitim ay matatagpuan sa Melanesia at Papua New Guinea.
Patuloy na nag halo ang mga lahi sa pag tagal ng panahon. At nag bunga ito ng iba pang mga
bagong lahi na tinawag na Austronesyano.
Sa kasalukuyan, ang lahing Pilipino ang resulta ng dalwang prosesong naganap noong
nakaraang limang libong taon. Sinasabing mula sa pangkat ng Austronesyano ang lahing
Pilipino. Ngunit malaki rin ang bilang ng ilang mga Tsino o madilaw. Dahil ditto binansagang
salad bowl ang Pilipinas dahil sa halo-halong lahi nito. Ang kultura rin ay hindi pare-pareho at
tinanggap naman ito ng mga Pilipino. At dahil nasa kanlurang bahagi ang pilipinas, naging
natural na daanan ito ng komersiyo. Naging mabenta ang mga rekado ditto kaya naman lumipat
ang mga negosyante sa Sulu. Dito na nag umpisa ang pag-aasawahan ng mga katutubo at
dayuhan. Tinawag ito bilang gene pool.

15-167089

BSP 1-F

Dahil sa pagkakahalo-halo ng mga lahi, mas naging komplikado ang proseso ng kultura
dito. Gayun din ang baybayin o wikang ginagamit nila. Namayani ang wikang Austronesyano.
Ginamit ito ng nakakarami ngunit dahil sa presensya ng kapaligiran nag kaiba-iba paring ang
bokabularyo at istruktura nito. Sinasabing mas mayaman sa bokabularyo ang mga naglinang ng
lamang-ugat sa mga latian.At ganon din sa mga malapit sa baybaying dagat, naging mayaman
din ito sa bokabularyo sa pangingisda at bangka. Lahat ng modipikasyon at imbensyon ay naging
permanenteng bahagi ng ating wika.
Sinasabing bukod sa rekados at wika, nag dala rin ng palay ang mga ito. Kumalat ang
palay sa mga lugar na may di-gaanong ideyal na kondisyon ng klima tulad ng Pilipinas. Naging
popular din bilang taniman ng palay ang Cordillera ng Luzon. Gayun man hindi nadala ng
Austronesyano sa Oceania ang kultura ng palay. Ang nilinang ng Ocenia ay mga lamang-ugat,
prutas, at niyog. Ito ang nag hiwalay sa kanila sa kanlurang sa larangan ng pag-unlas na
agrikultura at kalinangan. Sa kabuuan, ang lahing Austronesyano ang nakikitang mas may
malaking kakayahan sa gitna at timog Pilipinas. Ang lahing ito ay may pagkaing batay sa palay
at isda pati narin ang mga lamang ugat. Naging bahagi ng kultura ang pag-aalaga ng hayop tulad
ng aso at baboy. Naging tanyag din ang gamit ng mga materyales galing sa puno, mga bato at
kapalayukan.
Nakakabilib ang lahat ng nangyari sa mundo. Nag-umpisa sa mga tulay na lupa na nag
bigay daanan para kumalat ang mga species. Nag karoon din ng maraming pag aaral patungkol
sa pinag mulan ng tao. At nag karoon ng ebolusyon ang mga ito kung saan umaayon sila sa
kapaligiran. Namuhay sila sa mga yungib at nag umpisang luminang ng mga kagamitan.
Kahanga-hanga ang kanilang talino at abilidad. Mula wika, kagamitan, pag kain at kung ano-ano
pa yan ay may malaking tulong hanggang sa kasalukuyan.

15-167089
Talasanggunian
Mercado, Michael F. (2007) Sulyap sa Kasaysayan ng Asya
Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation
http://www.slideshare.net/judithruga14/pagsibol-ng-lahing-pilipino-at-kapaligiran
https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_Pilipino

BSP 1-F

You might also like