You are on page 1of 5

Ipinasa ni:

Sophia Claire Saballa


Ipinasa kay:

Sir Arnel Abalos

Ano ang Dinastiyang Zhou/Chou?


Ang Dinastiyang Zhou/Chou (1122-256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng
China. Nagsimula ito nang matalo ang mga Shang ng mga Zhou. Itinatag ang Dinastiyang
Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya.
Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang pampulitika na nagbigay
ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari.
Bilang kapalit kailangang maging tapat ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Dito
rin umiral ang "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya" na pinangungunahan nina
Confucius at Lao-tzu.
Kahit maraming digmaan sa dinastiya, masasabing sa panahong ito, natutunan ang pag-aaro
at pagamit ng matutulis na sandatang matutulis na sandatang yari sa bakal. Napaunlad din
ang irigasyon para sa patubig ng mga pananim .
Ang mag-amang sina Wu wang at Cheng Wang at ang kapatid na duke ng una ang tatlong
bayani na kinikilala ng mga Zhou. Si Zhou Wuwang ang pinakaunang hari ng Dinastiyang
Zhou.

Sa panahon ng Zhou umusbong ang kaisipan ng mandate of heaven. Dito nag-ugat ang
dynastic cycle. Tignan ang larawan.

Pamumuhay sa Ilalim ng Zhou


Nagpatuloy ang sistema sa pagmamay-ari ng lupa ng dinastiyang Shang sa panahon ng
Zhou. Sa kalakalan, naging mahalagang produkto ang seda. Karaniwang ginamit ito sa
paggawa ng mga gamit at bilang telang pambalot sa katawan ng yumao. Ikinalakal din ang
seda at iba pang produktong Tsino sa gitnang Asya at maging sa ilang bahagi ng Europe.
Sa dinastiyang Zhou nagsimula ang malalim na pagpapahalaga sa pamilya kaysa sa
katapatan sa estado. Sa panahong ito naging tanyag ang mga dakilang pilosopong Tsino na
sina Confucius, Laozi, at Meng Zi. Ang kanilang mga aral at katuruan ang naging malakas
na impluwensya sa pamumuhay ng mga Tsino.

Confucianism:
Hinango sa mga aral ni Kongfuzi o Confucius. Isang guro at pilosopo na nanilbihan din sa
pamahalaan ng estado ng Lu. Naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

Layunin ng Confucianism:

Tahimik at organisadong lipunan.


Kagandahang loob.

Confucius
Taoism:
Itinatag ni Laozi o Lao Tzu. Nabuhay noong ikaanim na dantaon B.C.E.
Pagbagsak ng Zhou
Noong 475 BCE, sumiklab ang mga digmaang sibil sa pagitan ng pitong maliliit na estadoang Qi,Chu,Yan,Han,Zhao,Wei,at Qin sa kahariang Zhou. Ang panahong ito sa kasaysayan ng
Tsina ay tinawag na "Period of the Warring States".
Sa panahong ito, hindi ganap ang kapangyarihang politikal ng Dinastiyang Zhou sa China.
Natigil ang digmaang sibil sa China nang ganap na makontrol ng estadong Qin ang buong
kaharian. Ito ang nagwakas sa Dinastiyang Zhou at naghudyat sa pagtatag ng bagong
pamunuan, ang Dinastiyang Qin.

Summary:
Piyudalismo

-ang tawag sa sistemang pampulitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata at


pyudal na panginoon sa mga lupa na pag-aari ng hari.
Wu Wang, Cheng Wang, kapatid na duke
-ang tatlong bayani na kinikilala ng mga Zhou
900 taon
-namahala ang mga Zhou
Confucius at Lao tzu
-ang nagpairal ng "Ginintuang Panahon ng Pilosopiya"
Zhou Wuwang
-ang pinakaunang hari ng dinastiyang Zhou
pag-aaro at crossbow
-kontribusyon na naimbento ng dinastiyang Zhou

You might also like