You are on page 1of 1

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Ito rin ay ang
pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan
ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at
pagsasalaysay.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalaman at kaisipang
taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at
sa lawak ng kaalaman sa paksa.
Dalawang uri ng sanaysay
1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga
pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng
impormasyon.
2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may
akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga
pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o
kuro-kuro.
Katangian ng Impormal
1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at
kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa
ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa
pagkaunawa sa sanaysay
3. Wika at Istilo ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit
na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat
nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
2. Katawan sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
3. Wakas nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay
1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa

You might also like