Nagmahal kahit na pa sa kabila nito ay ang pagsugal. Sumugal sa kapalarang maaaring ako ang magwagi o ang masawi. At sa kapus kapalaran, ako na siyang umibig pang tunay, ay ako pa pala itong maiiwanan. Iniwan kahit na pa inakalang sapat na ang mga ibinigay ko. Kahit na pa buong sarili ko ay inialay para lang maipakita at maipadama ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko. Pero hindi. Kapag hindi yata talaga para satin, hindi ka magiging sapat para sa kanya kahit ano pang pilit mo sa kadahilanang ang pusoy hindi natuturuan kung sino ang iibigin. Nasaktan kung kayat heto ako ngayon labis ang pagdadalamhati mula sa pag-alis mo at sa mga sakit na iyong idinulot. Mula sa pagkasawi pinipilit binubuo ang hinati sa pira-piraso kong puso.. kung sakaling makakaya ko pa. Kung, makakaya ko pa. Luhaan at ang pag-agos ng mga tubig mula sa aking mga mata ay tanda ng bawat alaalang ninanais burahin sa isipan noong mga panahong tayo pa ay magkasama. Noong may tayo pa. Ngunit ngayoy tapos na. Naglakbay ang nooy nagmahal, iniwan, nasaktan, luhaan at ngayoy bumangon at patuloy na bumabangon. Upang lubos na maunawaan ang proseso ng pag-momove on ng iyong lingkod libre lang namang buksan ang bawat pahina ng scrapbook na naglalayong makatulong at maging inspirasyon sa gaya kong may kapareho ng sitwasyon na malagpasan ang pagsubok na idinulot ng hindi tinakdang pag-ibig para sa atin.