Professional Documents
Culture Documents
Kung may sariling paa lamang ang puso ko, marahil iniwan na ako at
sumayaw na ito nang kagalakan at kung may pakpak ito, lumipad na ito
upang damhin ang kalayaan.
Minsan sumagi sa isipan kong baka nga tama sila. Wala nang patutunguhuan
ang relasyong hindi sinasang-ayunan ng iba. Baka nga kailanman, ang
lakambini ay inilaan para katagpuin ang lakan, Kung kayat minabuti kong
sayo ay akoy lumayo.
Sa pag-iisa, kinilala ko ang sarili ko. Tinanong ko kung ang paglayo sayo ay
tamang desisyon o binigyan ko lang ng dahilan ang mga satiy bumabatikos
nang ikaliligaya nila.
Nakangiti at tila Masaya kahit na ilan buwan pa lamang ang nakalilipas mula
nang ikay aking iwan. Walang bahid ng kapaitan o nang kung anupaman na
aking inasahan.
Bakit ka lumayo? At kasabay nito ay ang pagtulo ng mga luha ko. Natapos
man ang ulan, ngunit ang pagtangis kong ito yata ang magiging dahilan ng
pagbaha.
Galit ka ba sakin?
Biglang umurong ang ang pagpatak ng mga luha ko, ngunit nahimasmasan
naman ako sa pagbibiro mong katotohanan rin.
Heto na, seryoso na. Wala akong pakielam kung tayo man ang maging
tampulan ng tukso. Wala akong pakielam kung tayo ang maging paksa ng
panlalait at panghahamak nila. Dahil pinili kong sundin ang tibok ng puso ko.
Sapagkat alam kong walang mali sa pagmamahal sa kapwa ko.
Unti-unti pang naglapit ang ating mukha. Inilahad ang mga damdaming
ninanais kong ibulalas mula nang tayoy magkatagpo.