You are on page 1of 1

tagu-taguan

paborito kong laro noong bata ako


maliwanag ang buwan
sa ilalim ng liwanag ng buwan tuwing gabi damang-dama ko ang malamig na
panghampas ng hangin sa katawan ko, mag-isa, umaasang may makarinig ng mga
luhang walang tigil sa pagpatak
pagbilang ko ng sampu
binalaan na kita, dapat kasalukuyan ka ng naghahanap ng lugar na maaaring
magligtas sa yo mula sa mga kamay ko at makaiwas sa tingin ng mga mata ko
nakatago na kayo
kahit hindi ko na yata kayo balaan alam ko namang tuluyan niyo na akong
kinalimutan at binaon sa limot ang mga alaalang sa inyo ay kaligayahan ngunit sa
akin ay kapighatian
isa
hindi
dalawa
hindi
tatlo
oo, tatlo kayo. Tatlong taong wala akong kamalay-malay sinira na pala ang pagkatao
ko. Kayo na akala ko maaasahan ko, kayo na akala ko karamay ko sa mga problema
ko, kayo na akala ko mga kaibigan ko, kayo pala ang magiging dahilan kung bakit
wawakasan ko ang buhay ko. Pero huwag kayong masyadong magsaya, dahil
game na ba kayo?
Mag-uumpisa pa lang ang laro.

You might also like