You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA MSEP 6

PAPER MACHE
I. LAYUNIN:
Natatalakay ang sining na papermache,
Naipapakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng paper mache sa
pamamagitan ng pira-pirasong papel,
Nakakagawa ng isang sining na paper mache.
II. PAKSA:
Paper Mache
Sanggunian/Kagamitan:
BEC Sining 6, 10 p. 113
Sining sa Araw-araw 6, p. 80;
Lumang dyaryo/papel, pandikit, gunting/cutter, balloon/molde, pangkulay
Pagsanib/Integration:
ESP Pagiging matiyaga/Pakikiisa sa pangkatang Gawain
EPP Pagkakaroon ng kaalaman/kasanayan sa isang gawaing maaring
pagkakakitaan
HEKASI Pagtalakay sa ibat-ibang bansa na gumagamit ng paper mache
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
Pagpapakita ng larawan/produktong paper mache at ipahula sa
mga bata kung anong gawang sining ang kanilang nakita.
B. Pagtalakay:
Pag-usapan ang tungkol sa paper mache, pagtatanong kung paano
pinagkakakitaan ng ibang Pilipino ang paggawa ng paper mache at
kung paano ito nakakatulong sa kaunlaran ng pamayanan at ng
buong bansa. Pagtatanong kung anong mga pagdiriwang madalas
makikita o ginagamit ang paper mache mapa-lokal man o sa ibang
bansa.
C. Panlinangna Gawain:
1. Pagpangkatin ang mag-aaral para sa paglilikha ng gawaing sining na
tinalakay.
2. Pagbibigay-babala sa paggamit ng kagamitang maaring nakakasakit ng
kapwa tulad ng gunting upang maiwasan ang sakuna.
3. Pagbibigay ng panuntunan (rubric) para sa pangkatang Gawain.
4. Pagsubaybay ng guro
D. Pangwakasna Gawain:
Tumawag ng isang bata sa bawat grupo upang ibahagi ang karanasan sa
paggawa ng paper-mache.
IV. PAGTATAYA:
Output Display - Gallery Walk (Sumangguni sa Rubric para sa pangkatanggawain)
V. TAKDANG ARALIN:
Linangin ang gawang sining sa pamamagitan ng pagdagdag ng
Indigenous materials.

THERESA A. ROCABERTE
Wireless Elementary School

You might also like