You are on page 1of 4

A LAMAT NI M ARIA M AKILING

Sinabi ng alamat, nang mga araw na yaong ang mga taoy maaaring
makipamuhay sa piling ng mga bathala, ay nangyari ang dakilang pagiibigan nina Mariang Makiling at Gat Dula.
Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon,
na para-parang bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan.
Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan
pagka't siyay'y bugtong na aliw ng kanyang ama't ina. Siya ang liwanag ng
kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupa't sa biglang
pangungusap, siya ang kayamanang impok ng kanilang buhay. Sa kanilang
katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-unting
nawawalan ng sigla't lakas.
Si Maria'y hindi taga-lupa, bagama't siya'y nakiki-ulayaw sa madlang
kinapal. Gaya na nga ng aking na sabi, nang panahong yao'y maaaring
makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi sa lilim ng
isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang linikhang nasa
kagipitan, at ang mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang
paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol ay humihihip ng subing
o plauta habang siya'y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga
binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa'y susulpot nalaman gsa kanyang
harap ang isang nimpang lipos ng alindog, upang makinig at makihati sa
kaligayahan.
Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan
at mamili sa talipapa. Kaparis ng ibang babae, siya'y nakasuot ng sutlang
kung minsa'y may burdang bulaklak at malalapad ang guhit ng siyang
kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang maitim at malagong buhok
na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang
bulaklak-suha. Sa kanyang dib-dib ay nakayakap ang mabangong kuwentas
ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang. Mahinhing
kumilos na wari-bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha'y salamin ng
kagandahan. Bakit ang kanyang mga mata'y sakdal nang aamo. Maging ang
kanyang kapwa babae'y naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa
kanya'y nagyuyuko ng ulo.
Si Maria'y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili.
Ang mga nasabing utusan ay hindi lumalayo sa likod ng kanilang panginoon.
Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang mga luyang
kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang panahong yao'y walang

kuwaltang katulad ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na


bili ay palitan ang palakad ng bawa't tao. Doon nga sa talipapa nagtutungo
ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga
pinatuyong balat ng hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na
yari sa buli't sa pandang may kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may
malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano pang kagamitan sa
lob ng bahay ang paninda roon.
May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon
lumuluwas sa bayan ang maraming tao upang makipamalit. Palibhasa'y hindi
luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang ginto, kung
kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba't ibang lako. Kataon namang sa
araw na yao'y namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na
lingkod na kasama'y may kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si Gat Dula
ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan
nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat ng dalawang
bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga
kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.
Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang daladalahan.
Kasingkapal ng mga paninda ang tao sa talipapa. Karaniwan nang dayuhin
ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawa't pook. Kaya bukod sa mga
sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong
nangangalakal. Kabilang sa mga lipingmahal na namamalit ay si Gat Dulang
nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa talipapa. Kataon namang
nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling balat
ng hayop na may magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay
nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga
mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa disinasadya'y
nahawakan ni Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang
nagkatinginan. Subali't sa taglay na kayumian ni Maria'y nagyuko ng ulo ang
makisig na Gat tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin. Bago sila
nagkalayo'y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa
mapakumbabang patawad po ng binata.
Buhat noo'y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling.
Subali't mula rin noo'y hindi na niya napagmalas ang maalindog na katauhan
ni Maria. Hanggang noong makalipas ang ilang panahonng pamumulaklak ng
suha, ay saka lamang niya muling napalarang mamasdan sa dating
talipapaang luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong
galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang loob: "Ang tiniis kong hirap nang
nagdaang mga araw, marahil ngayo'y malulunasan na." Banayad siyang
lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang
isinagot naman sa kanay.

Buhat noo'y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa


nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan. Sa isang tabi ng batis na umaaliwiw sa loob ng gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod ng puso'y may tinitimpi
silang pagmamahal. Ito'y naramdaman nila nang magtamang matagal ang
kanilang mga paningin, at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng
dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay nagkayakap ang dati'y
magkalayong langit at lupa. Nguni't ang gayong pagsusuyuan, sa
nilakadlakad ng mga ataw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa
nga Bai. Gaanong damdamin ang nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang
matantong ang bugtong na anak niya'y may kasuyong taga-lupa. Ang puso
ng ina, palibhasa'y kadluan ng awa, kung kaya dinakatiis na tanungin si
Maria. Madali't salita, dahil sa malabis na pagmamahal ng magulang ay
pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na nakapanaog sa lupa si
Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa talipapa.
Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging
tunay na kinapal: Yaon ang pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng mga
bathala at madlang tao.
Subali't kung umibig si Maria'y minsan lamang, at walang kasindakila.
Kung siya ma'y hindi na nakapapanaog sa lupa, dahil sa wala na siyang
kapangyarihang makihalubilo sa madlang kinapal, sa alaala ni Gat Dula'y
hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw. Naroong kung minsa'y pamalas
siya sa sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, nguni't pag nilapitan nito
upang yakapin ay bigla siyang nalalaho. Naroong umawit siya nang lubhang
matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutni't pag hinanap nito kung saan
nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupa't ang lahat sa binta'y
parang panaginip. Walang kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula
kay Maria. Ang lahat ng pook at nayong ni yapakan ni Maria, maging ang
tabing-batis na madalas nilang pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.
Nang panahong yao'y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa
kapwa-bayan. Di-kataka-takang lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai
na sakop ni Gat Dula. Subali't kung ilang kaharian na ang nakikipaghamok sa
matapang na Gat, maano man lamang na mapipilan siya o kaya'y
masugatan. Ang dahilan ay sapagka't siya'y tinangkilik ng engkanto ni Maria.
Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay nagiging baluti at kalasag ng
mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami na siyang
napagtagumpayang tabak, nguni't ang hindi lamang niya napasusuko't
napagwawagihan ay ang kamandag ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang
dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya'y naputulan ng hininga.

Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang


kaluluwa ng kanyang irog ay ibigay sa kanya. Noo'y yumao narin ang
kanyang mga magulang kaya't sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula ang
nag-uwi sa naiwang kayamanan at lupain. Subali't hindinalilimot ni Maria ang
pagkamasintahin ng kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng
nasasakupan. Ang pag kamahabagin ni Dayang ay minana ni Maria sa
kanyang puso. Sa bawa't bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop, gaya rin
nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya ang
mga luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na magarang
kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda,
nguni't walang magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat
nang daing at kahilingan ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng
mapagpalang kandili.
Nguni't ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga
ng di-mabuti. Ang karamihan sa tinatangkilik ni Maria'y di-marunong
tumingin ng utang na loob. Hanggang sa wakas ay nakaisip ang ibang magimbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang ipahiram sa kanila ni
Maria, palibhasa'y pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit
ang sama'y hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi ipinagpapalit pa sa
mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo'y nayamot
si Maria. Tuloy nawika sa sariling: "Nag-iba na ang panahon."
Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha
ang sinuman ng madlang bungang kaphoy sa gubat ay kanyang binawi.
Dahil sa pagmamalupit ng tao sa hayop ay ipinagbawal din niya ang
pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana ng mga
ibon. Kung ang kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni
Maria'y pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na ulan;
pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya
ng baliti ang pinawalang mababangis na kalabaw at nang manugis at
lumikha ng matinding kidlat. Ang mga yao'y panakot lamang naman ni Maria
upang ang mga mangangasong gumagambalang malabis sa katahimikan ng
sakop niyang kagubatan ay magsilayo at umalis.

You might also like