You are on page 1of 2

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG MUSIC VIDEO

Gawain:
Ikaw ay kawani ng Xavier Center for Culture and Arts at ikaw ay
naatasan ng inyong director na gumawa ng isang music video na
magtatanghal ng isang Ignatian Value bilang bahagi ng pagdiriwang
ng ika-100 anibersaryo ng pamantasan. Ang awiting gagamitin ay
maaaring sariling komposisyon o halaw sa mga awiting sa inyong
palagay ay may kaugnayan sa temang napili. Ang music video ay
dadaan sa pagsusuri ng mga kasapi ng Board of Trustees. Ito ay
susuriin batay sa mga sumusunod na aspekto: Nilalaman,
Kaangkupan, Teknikal na aspekto, Gramatika at Pagkamalikhain.

Patnubay/Panuto:
1. Ang music Video ay hindi bababa sa tatlong minuto ngunit hindi rin hihigit sa limang
minuto.
2. Ang gagamiting awit ay kailangang nasa wikang Filipino at ang paksa ay nakasentro
lamang sa alinman sa mga sumusunod na Ignatian Values:
a. Non Multa Sed Multum
b. Tantum Quantum
c. Men and women for others
d. Magis
e. Faith Doing Justice
f. Finding God in All Things
3. Lapatan ng lyrics o subtitle ang vidyo.
4. Lahat ng shooting ay dapat isagawa sa loob lamang ng paaralan.
5. Ang palugit o nakatakdang petsa ng pagpasa ay sa darating na ika-9 ng Agosto, 2010.
6. Ang proyekto ay naka-DVD/VCD format.
7. Maaaring gabay ang mga sumusunod na vidyo:
http://www.youtube.com/watch?v=Q5OVQFaFKHg
Mapapanood sa vidyong ito ang awit na pinamagatang Ehemplo, isinulat ni Fr.
Albert E. Alejo, S.J.
http://www.youtube.com/watch?v=2YG8qZGbSNE&feature=related
Mapapanood sa vidyong ito ang awit na pinamagatang Bagong Simula, isinulat ni
Robert Labayan.

BATAYAN

Nilalaman

X3

Kaangkupan

X3

Teknikal na
Aspekto

X2

Gramatika

X2

Pagkamalikhai
n

X2

KABUUAN
60

You might also like