You are on page 1of 2

G-3 BAYONO, Alaidja Marie B.

10-A
Suring Basa
Me Before You ni Jojo Moyes
Ang may akda ng isa sa pinakapumatok na pelikula sa masa ay hango
mula sa libro ni Jojo Moyes. Isa sa mga bagay na nag-udyok sa kaniyang
paglikha ng libro ay ang mga sariling ideya at saloobin patungkol sa mga
taong may lubhang sakit na mas kilala sa tawag na quadriplegic. Naging
inspirasyon
niya
rin
ang
kaniyang
dalawang
kamag-anak
na
nangangailangan ng dalawamput apat na oras ng pangangalaga araw-araw.
Dumagdag pa rin ang storya ng isang lalaki mula sa England na naghihirap
rin dahil sa quadriplegic pagkatapos ng isang aksidente. Isa sa pumukaw ng
kaniyang atensyon ang pagpayag ng mga magulang ng binata sa hinihiling
nitong kamatayan.
Ang Me Before You ay isang nobelang piskyunal na sumasailalim sa
categorya ng romansa at drama. Pumukaw lamang ng atensyon sa mas ang
librong ito noong ginawang pelikula. Napakaemosyanal ng tinatalakay ng
may akda. Base sa kaniyang karanasan, pati ang may akda mismo ay naiiyak
sa tuwing nagsusulat ng iilang kabanata ng libro.
Hangad ng akda magpahayag ng isang pangyayari hango sa totoong
buhay na hinaluan ng pokus sa romantikong ugnayan ng dalawang
indibidwal mula sa magkaibang klase ng pamilya. Maraming isyu ang
lumitaw patungkol sa wakas ng pelikula o libro na kung saan namatay ang
pangunahing tauhan dahil sa kaniyang permiso. Ayon sa opinyon ng marami,
naglalahad ng maling mensahe ang akda. Hindi katanggap-tanggap ang
pagpayag sa kahilingan ng lalaki na mamatay na lamang kaysa sa paglaban
sa sakit ng kaniyang dinaranas. Napakaraming tao ang nabubuhay sa hirap
at malalang kapansanan ngunit nakakahanap parin ng paraan upang
mabuhay ng positibo at makaimpluwensiya ng ibang tao para gumawa ng
mabuti.
Umiikot ang storya kay Will Traynor na may kawalang kakayahan na
paganahin ang mga parte ng katawan mula leeg pababa o quadriplegic dahil
sa aksidente at nanggaling rin sa marangyang pamilya. Isa rin sa mga
pangunahin tauhan ay si Lou Clark na siyang dalagang babae na
naghahanap ng trabaho para sa kaniyang pamilya at napadpad para alagaan
si Will. Sa tagal ng panahon ng kanilang pagsasama, unti-unting nahulog ang

loob para sa isat isa na siyang ginawang paraan para pigilan ang balak ni
Will sa kaniyang nakatakdang kamatayan ngunit pumalya dahil desidido na
ang binata.

You might also like