Professional Documents
Culture Documents
Noli
Noli
Noli
PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?
LARUJA: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo?
PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.
DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siyay hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang
makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!
Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama si Crisostomo Ibarra.
TIYAGO: Mga kaibigan, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong ito...ang anak ng nasira
kong kaibigan, si Don Crisostomo Ibarra. Kararating lamang niya mula sa Europa.
CRISOSTOMO: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan...at sa matalik na kaibigan ng aking ama,
Padre Damaso (hindi pinansin) ...patawarin po ninyo ako sa aking pagkamamali.
DAMASO: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanmay hindi ko naging matalik na kaibigan
ang iyong ama.
TINYENTE: Kayo na nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?
CRISOSTOMO: Sa inyong lingkod, Seor Tinyente.
TINYENTE: Maligayang pagdating. Naway mas maging mapalad kayo kaysa sa inyong ama.
CRISOSTOMO: Maraming salamat po.
UTUSAN: Nakahanda na ang hapunan!
Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan. Hindi sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang
laylayan ng bestida ni Donya Vidtorina.
VICTORINA: Wala ka bang mga mata?
TINYENTE: Mayroon po, Seora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot
ninyong buhok.
Sa hapagkaianan.
LARUJA: Seor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, anong pinakamahalagang
bagay ang nakita nyo?
CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin ng isang
bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.
DAMASO: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang nakitang mas mahalaga?
Isa kang bulag! Kahit ang isang batay alam iyan.
CRISOSTOMO: Nagpapasalamat akot palagay ang loob ng dating kura sa akin. Naway ipagpaumanhin ninyo ako.
Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako bukas. Para sa Espaa at Pilipinas!
TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.
IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.
Nakaalis na nga si Ibarra.
PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa Europa! Nagiging
mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa
Europa!
End of Scene.
SCENE 2 Erehe at Pilibustero
Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siyay naglalakad. Bigla siyang napahinto nang may
kamay na pumatong sa kanyang balikat.
Naririnig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil.
CONSOLACION: Mga guardia civil!
GUARDIA CIVIL: Bakit po Seora?
CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?
GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.
CONSOLACION: Dalhin nyo siya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Seora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Seora.
CONSOLACION: Pakantahin nyo siya.
GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
GUARDIA CIVIL: Opo, Seora.
Umalis ang mga guardia civil.
CONSOLACION: Hoy Baliw!
SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
CONSOLACION: Sumayaw ka!
SISA: Sumayaw?
CONSOLACION: Gayahin mo ako.
Sumayaw ang donya.
SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!
CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!
SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!
SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Arayyyyy!
Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na yan!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan nyo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid nyo siya sa tahanan ni
Crisostomo Ibarra.
End of Scene.
SCENE 12 Si Alfonso Linares
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaa kasama ang isang binatang Kastilang
nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.
Bumaba si Doa Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes.
CONSOLACION: Anong sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?
VICTORINA: Hindi kita uurungan!
Namagitan si Don Tiburcio sa kanilang labanan.
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!
ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae
TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.
CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!
Nagtungo ang mag-asawang de Espadaa sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na yon?!
TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria Clara, at
malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
End of Scene.
SCENE 14 Ang Pagdakip kay Ibarra
Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
ELIAS: Tao po! Tao po!
IBARRA: Elias!
ELIAS: Seor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.
IBARRA: Anong ibig mong sabihin?
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.
IBARRA: Ngunit sino ang?
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Seor.
IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit saan iyong
hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala
na pong ibang paraan.
IBARRA: Maraming salamat, kaibigan.
Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang
nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi
si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto.
IBARRA: Sino yan?
SARHENTO: Kamiy mga alagad ng batas!
IBARRA: Bakit po
SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!
Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na umalis.
Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.
End of Scene.
SCENE 15 Tugisan sa Lawa
Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang
balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa
kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At
makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.
MARIA CLARA: Crisostomo?
IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.
MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sayo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sayo...sa lugar
na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin kapag
nalaman mong
IBARRA: Nalaman kong ano?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...
IBARRA: Paano?
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara...
Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.
IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?
ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Seor.
IBARRA: At pagkatapos?
ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?
ELIAS: Para saan pa?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo.
ELIAS: May paparating! Magtago po kayo gamit ang mga damo.
Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sariliililigaw ko sila.
IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.
Tumalon si Elias at sa tuwing siyay lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahiran ng kanyang dugo ang ilog.
End of Scene.
SCENE 16 Ang Paliwanag ng Pari
Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.
MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...
DAMASO: Anong nangyari sayo, anak ko?
MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?
DAMASO: Anong ibig mong sabihin
MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...
DAMASO: Ngunit
MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, wala ng iba. Hindi ko mahal si Alfonsoat hindi ako
magpapakasal sa kanya.
DAMASO: Ngunit
MARIA CLARA: Kung itutuloy nyo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawamagpapakamatay ako!
DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo akokung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarrasa buhay mo.
Patawad, anak ko.
MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.
DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.