You are on page 1of 2

HALIGI NG TAHANan

IX-DALANDAN

Than F. Alorro

Guro sa Filipino 9

May isang ama na mahal na mahal niya ang kanyang pamilya,siya ay may
tatlong anak.At isang tricycle driver lang,pero kahit ganito lang ang trabaho
niya natutustusan niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Hindi kinakahiya ng kanyang mga anak ang trabaho ng kanilang ama,kasi


sa isang tricycle na trabaho ng kanilang ama dito sila nabubuhay ng kanilang
pamilya at laging sinasabi ng ama sa kaniyang mga anak na Mag-aral ng
mabuti para baling araw makabili kayo ng sariling bahay at kayo naman ang
mag aalaga sa amin pag tumanda na kami.

Pero kahit mahirap lang sila hindi hadlang ito para hindi makapagtapos
sila ng pag aaral at minsan kahit wala silang pambayad sa mga proyekto ng
kanyang mga anak nangungutang muna siya sa kanilang kapit bahay.

At para lang mabayaran ang utang,nagkakayod ito sa kanto kahit mahaba


ang pila pinipilit niya,kahit inaantok tinitiis niya parin ang hirap.Makalipas
ang ilng araw nakapagtapos na ang panganay na anak niya sa pag aaral ,at
masayang Masaya ang kanyang ama,dahil natupad na rin ang kanyang
pangarap para sa kaniyang anak.

Nagpasalamat ang anak niya sa kanyang ama,dahil kung hindi sa kanyang


ama na nagpakahirap sa pagtatrabaho para lang makapagtapos siya ng pag
aaral kahit tumutulo ang pawis dahil sa init, kahit pagod na pagod,hindi pa
rin siya sumusuko para sa kanyang pamilya.

ISIP: Napagtanto ko na kahit anong hirap ang pagdaanan sa buhay ng


isang tao hindi ito hadlang bastat pagsisikapan at kakayanin.

DAMDAMIN: Nasiyahan ako dito sa ginawa kong kwento,dahil nabigyan ako


ng pagkakataon para ipamahagi na ang mga ama natin ay kahit anong hirap
ang pagdaanan nila ay kakayanin nila basta para sa kanilang mga pamilya.

ARAL: huwag mong kakalimutan na mag pasalamat sa iyong ama hanggat


may pag kakataon ka na mag bigay sakanya ng pasasalamat sa lahat ng
mga ginawa niya para sa inyong pamilya.At hindi magiging mahirap ang
lahat kung kakayanin.Huwag mo ring kakalimutan na pahalagahan at
mahalin ang iyong ama.

You might also like