You are on page 1of 1

Ang Sirena

May mga mangingisda sa Barangay Maligaya. Sila ang pinakamasayang tao sa


buong lalawigan ng Aklan. Ito ay pinakamaliit na barangay pero sagana sa yamang
dagat. Napakaraming isda ang nahuhuli ng mga tao araw-araw. Malaki ang kinikita nila
dahil sa ibat-ibang uri ng isda tulad ng bangus,sapsap,galonggong,lapu-lapu,tilapya at
marami pang iba. Ang ibang tao doon ay may sariling cellphone, telebisyon, at iba pa.
May ibang mga magulang na ang kanilang anak ay nakapagtapos na sa pag-aaral.

Isang araw sabi ni Mang Delfin sa mga tao,Magpapatayo tayo ng negosyo sa


ating barangay. Sabi naman ni Mang Tristan, Saan naman tayo magtatayo ng
negosyo? Sabi naman ni Mang Peter, Bakit hindi na lang natin pagtambakan ang ilang
bahagi ng dagat, tutal malaki naman ang kita natin. Ang sabi naman ni Mang Billy ay
magpapatayo siya ng pabrika ng mga kahoy. Sabi naman ni Mang Kiko ay restaurant
naman ang ipapagawa niya. Sabi naman ni Mang Vice ay isang klinika ang ipapatayo
niya dahil dalawang taon nalang magtatapos na ang anak niya sa kolehiyo. Pasimulan
na ang pagtambak sa dagat, sigaw nila. Isang linggo ang nakalipas, natapos na ang
pagtambak sa dagat. Napansin ng mga mangingisda na kaunti na lang ang huli nilang
isda ngayon. Ang sabi ni Aling Fe ay nagtatago siguro sila tulad din ng mga
tao,natatakot na mabagsakan ng luoa at bato. Nagtawanan ang mga mangingisda.
Hanggang may narinig silang kakaibang tunog. Isang bagay na sumabog. Anong
nangyari sa dagat?, tanong nila. May napakalaking alon halos tumukod sa langit!
Maya-maya ay may lumutang na isang babaeng napakaganda ng mukha pero may
buntot ang kalahating katawan. Sirena! Sirena!, sigaw ng mga tao. Ang sabi ng
sirena, Huwag ninyong gambalain ang aming tahanan. Lupa ay sa inyo ang dagat ay
sa amin. Nakikiusap ako sa inyo na itigil na ninyo ang pagtambak ng bato sa dagat.
Sabi ni Mang Delfin, Kailangan pa natin kumita ng pera. Ang sabi ng sirena,Hindi pa
ba sapat yong isdang bigay ko?. Sumagot ang mga tao, Sapat nga ngunit hanggang
isda na lang ba ang aming ikinabubuhay. Malapit na kaming magsawa. Bakit nga pala
hindi ikaw ang aming huhulihin para ipagbili ka? Malaki ang aming kikitain kung lalabas
ka sa carnival, hulihin! hulihin! hulihin!, sigawan ng mga tao.. Natakot ang sirena
lumanggoy papalayo patungo sa ilalim ng dagat. Mula noon, wala na kahit isang isda
ang lumalanggoy sa dagat. Isa dalawa, Tatlo, Apat, Lima!, bilang nila.
Limang araw na walang isdang nahul sa dagat. Sabi ni Mang Peter, Nagalit
siguro ang sirena, ano kaya ang gawin natin?. Sundin natin ang kahilingan niya,sagot
ng isa. Dali-daling kinuha nila ang mga batong tinambak. Hindi pa tapos ang
paghuhukay marami ng isdang lumalanggoy, sabi ng mga mangingisda, May sirena din
palang marunong magmahal. Kailan man hindi na nagpapakita ang sirena.

MIA A. TABERNILLA
Grade VII St. Judiel

You might also like