You are on page 1of 17

Emilio Aguinaldo

Unang Pangulo ng Pilipinas

Emilio Aguinaldo y Famy


Pangulo ng Unang Republika

Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1,


1901. Isang tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa
at namuno ng maraming pag-aalsa laban sa Espana kasama ang
nabigong rebolusyong noong 1896.
Manuel L. Quezon
Ikalawang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Luis Quezon y Molina


Unang Presidente ng Commonwealth
Naging ikalawang Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935
hanggang Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler,
sa lalawigan ng Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang
kaniyang mga magulang na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina.
Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa kastila noong siya ay binata pa.
Jos P. Laurel
Ikatlong Pangulo ng Pilipinas

Jos Paciano Laurel y Garca


Pangulo ng Ikalawang Republika

Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto


17, 1945. Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa
ilalim ng kanilang pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal
na Senador ng Ikatlong Republika
Sergio Osmena
Ikaapat na Pangulo ng Pilipinas

Sergio Osmea y Suico


Ikalawang Pangulo ng Commonwealth

Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago
naging pangulo, siya ay nahirang na bise-presidente noong 1935.
Kasama siya nang bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at
nagsumikap na muling maibangon ang bansa sa pinsala ng digmaang
nagdaan.
Manuel Roxas
Ikalimang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Acua Roxas


Ikatlong Pangulo ng Commonwealth
Unang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946 hanggang Abril 15,
1948. Nagtapos siya ng abogasya sa UP at naging topnotcher siya sa
Bar Exam noong 1912.
Elpidio Quirino
Ikaanim na Pangulo ng Pilipinas

Elpidio Rivera Quirino


Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre


30, 1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalal bilang bise
presidente noong 1946 at nahirang na kapalit ng Pangulong Roxas
matapos itong pumanaw noong 1948.
Ramon Magsaysay
Ikapitong Presidente ng Pilipinas

Ramon del Fierro Magsaysay


Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso


17, 1957. Hinirang na "Tagapagligtas ng Demokrasya" sapagkat
pinigilan niya ang paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng
mga lupain sa mga magsasaka. Siya ay pumanaw nang bumagsak ang
kanyang eroplano sa Cebu noong Marso 17, 1957 sa edad na 49.

Carlos P. Garcia
Ikawalong Pangulo ng Pilipinas

Carlos Polistico Garcia


Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961.
Humalili kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang
nagpasimula ng katawagang "Pilipino Muna" bilang simbolo ng
pagiging makabayan.

Diosdado Macapagal
Ikasiyam na Pangulo ng Pilipinas

Diosdado Pangan Macapagal


Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika

Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30,


1965. Kilala bilang "poor boy from Lubao" dahil siya ay lumaki sa
kahirapan. Siya ay naging tanyag dahil sa paglulunsad ng Kodigong
Pangrepormang Panlupang Pansakahan.

Ferdinand Marcos
Ikasampung Pangulo ng Pilipinas

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos


Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika
Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Naging pangulo mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami siyang
naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino. Noong
Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Millitar sa bansa dahil sa kaguluhan
tulad ng pambobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang pribado at pampublikong
ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa kaniyang pamamahala kasama na
ang mahigpit na karibal sa pulitika na si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr.

Corazon Aquino
Ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas

Mara Corazn Cojuangco-Aquino


Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
Unang Pangulo ng Ikalimang Republika
Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang
Marso 25, 1986. Tinaguriang "Ina ng Demokrasya" dahil sa pagiging instrumento
sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng
mapayapang "People Power Revolution".
Fidel V. Ramos
Ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas

Fidel Valdez Ramos


Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng
kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga
repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa internasyunal na
larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na makasama ang
bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa "krisis pampinansyal' ng mga
karatig bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.
Joseph Ejercito Estrada
Ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas

Joseph Ejercito Estrada


Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika

Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20,
2001. Kilala din siya sa tawag na 'Erap', isang popular na aktor at
pulitiko. Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika bilang alkalde ng
San Juan sa Kalakhang Maynila. Noong Enero 2001, iniwan niya ang
pwesto ng pagka-pangulo ng bansa dahil sa mga alegasyon ng
korapsiyon.
Gloria Macapagal Arroyo
Ikalabing-apat na Pangulo ng Pilipinas

Maria Gloria Macapagal-Arroyo


Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika
Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 20, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010.
Siya ay anak ni Pangulong Diosdado Macapagal. Isang propesor ng
ekonomiks at nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang
kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya nang italaga siya ni
Pangulong Corazon Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at
pagkatapos ay naging Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging Pangulo siya
ng bansa matapos na iwanan ni Presidente Estrada ang pwesto noong 2001.

Benigno S. Aquino III


Ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas

Benigno Simeon Cojuangco Aquino III


Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika

Mas kilala sa tawag na "P-Noy" o Pangulong Noynoy. Nahalal noong


Hunyo 30, 2010 hanggang June 30, 2016. Siya ay ang nag-iisang anak
na lalaki nina dating Senador Benigno Aquino Jr. at Pangulong Corazon
Aquino.
Rodrigo Roa Duterte

Ikalabinganim na Pangulo ng Pilipinas

Rodrigo Roa Duterte


Ika anim Pangulo ng Ikalimang Republika
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay kilala sa kanyang bansag
na Digong, ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalakuyang
naninilbihang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang nanging
pangulo na mula sa Mindanao.

You might also like