Professional Documents
Culture Documents
(GREAT VESPERS)
PANIMULA
2
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
Luwalhati
Aleluya, aleluya, aleluya. Luwalhati sa iyo, O Diyos (tatlong ulit). Panginoon, Ikaw
an gaming pag-asa. Luwalhati sa iyo.
DAKILANG LITANYA
Ang Dakilang Litanya ay makikita sa Liturhiya ni San Juan Crisostomo.
Matapos ang Dakilang Litanya, aawitin naman ang Salmo 140 (141) at mga
kaugnay na Salmo.
3
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
Halinat papurihan ang Diyos na Salita, nilalang ng Ama bago ang simula, siya na
nagkatawang-tao buhat kay Birheng Maria. Kusang loob niyang pinagtiisan ang
sakit sa krus at pinaubaya ang sarili sa kamatayan, at siyay muling nabuhay.
Ngayoy iniligtas niya ako, na siyang naligaw ng landas.
4
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
Ating buksan ang mga labi at umawit ng mga imno ng kaligtasan. Halinat tumirapa
sa tahanan ng Panginoon at wikain: Patawarin ang ating mga kasalanan, ikaw na
nakapagpasakit sa krus at umakyat mula sa mga patay. Ngunit nananatiling nasa
Ama.
THEOTOKON
Sa pagpanaog ng pagpapala, ang mga bakas ng batas ay lumipas na. Katulad ng
nagliliyab na halamang hindi naabo, ikaw ay nagluwal ng sanggol at nanatiling
birhen. Kapalit ng nagliliyab na haligi ay ang Araw ng Pagiging-Dapat ang
nagliwanag. Kapalit ni Moses, si Kristo, ang tagapagligtas ng aming mga kaluluwa
ang nagpakita.
O MALIGAYANG LIWANAG
5
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
6
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
Pari: Kamiy tulungan, kamiy iligtas, kamiy kaawaan at protektahan mo, O Diyos
mula sa iyong mga pagpapala.
Bayan: Panginoon, kaawaan mo kami.
7
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
THEOTOKON
Narito ang isang bagong himala na mas maringal kaysa sa lahat ng mga nakaraang
mga himala. Ikaw na nakakaalam na ang ina na magdadala ng anak nang walang
ama, at hinahagkan sa iyong mga bisig, ikaw na nagpapatunay ng kabuuan ng
sangnilikha? Ang ipanganak Siya ay kalooban ng Diyos at ikaw na purong Birhen
na siyang nagdala sa Kanya, ang sanggol sa iyong mga bisig. Ang katatagan ng
isang ina ay nasa sa iyo. Kaya tayo mga nagpupuri sa Kanya, ating ipanalangin sa
Kanya nang walang maliw na pagkalooban tayo ng awa at iligtas ang ating mga
kaluluwa.
8
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
AWIT NI SIMEON
+ Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa
ang inyong abang alipin ayon sa inyong pangako.
Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas,
na inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa.
Ito po ay liwanag na tatanglaw sa mga Hentil
at magbibigay-dangal sa inyong bansang Israel.
Bayan: Amen.
Dadasalin ng bayan ang Trisagion sa Griyego.
Matapos ng Trisagion, ang mga sumusunod na panalangin ng bayan:
Bayan:
Luwalhati
O Banal na Sangkatlo, kaawaan kami. Panginoon, kaawaan ang aming mga
kasalanan. Guro, patawarin ang aming mga pagkukulang. O Lubhang Banal,
bisitahin at pagalingin kami sa aming mga karamdaman sa pamamagitan ng Iyong
ngalan.
Panginoon, kaawaan mo kami (tatlong ulit).
Luwalhati
Ama Namin
9
ANG DAKILANG PANALANGIN SA GABI
PAGHAHAYO
Pari: Karunungan.
Tagabasa: Kamiy inyong basbasan, Padre.
Pari: Pagpalain ka, Kristong ating Diyos, ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
Tagabasa: Pagtibayin mo, O Panginoong aming Diyos, ang banal at busilak na
pananampalataya ng mga matapat at karapat-dapat na Kristiyanong Orthodox,
kaisa ng ating Banal na Simbahan at ng bayang ito magpakailanman.
Pari: Lubhang Banal na Theotokos, iligtas mo kami.
Tagabasa: Mas maringal kaysa sa Kerubin, at walang kapara, mas dakila kaysa sa
Serafin, walang bahid na ikaw ay nagsilang sa Diyos na Salita. Kami ay nagpupuri
sa iyo, O tunay na Theotokos.
Pari: Luwalhati sa Iyo, O Kristong aming Diyos, aming pag-asa, luwalhati sa iyo.
Nawa si Kristong aming tunay na Diyos na nabuhay sa mga yumao bilang isang
mabuti, mapagmahal, at mahabaging Diyos, kaawaan tayo at iligtas tayo, sa
pamamagitan ng kanyang busilak at banal na Ina; ang kapangyarihan ng dakila at
nagbibigay-buhay na Krus; ang pagliligtas ng marangal na mga kapangyarihan ng
kalangitan, ang mga pagluhog ng marangal at dakilang propeta at tagapangunang
si Juan Bautista; ang banal, dakila, at karapat-dapat na mga Apostol, ang mga
banal, dakila, at matagumpay na mga martir, aming banal na mga ninunong may
takot sa Diyos, ang ating banal at marapat na mga ninuno ng Diyos, Joaquin at
Ana, ni San/Santa (ang santong inaalala sa araw na iyon) na aming inaalala
ngayon at ang lahat ng mga banal.
Pari: Sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga banal na tagapagtaguyod,
Panginoong Hesukristing aming Diyos, + kaawaan kami at iligtas.
Bayan: Amen.
10