You are on page 1of 1

Pangalan

Pagkilala sa Diptonggo
Bilugan ang salita o mga salita na may diptonggo sa bawat pangungusap.
Isulat sa patlang ang diptonggo o mga diptonggo sa pangungusap.

_____ 1. Naubos ng apoy ang mga kahoy.

_____ 2. Magdala ka ng pamaypay at payong.

_____ 3. Napakahusay sumayaw ng prinsesa.

_____ 4. Sumakay ang pamilya sa tren.

_____ 5. Masarap ba ang keyk na kinain mo?

_____ 6. Matakaw ang kanyang alagang kalabaw.

_____ 7. Ibat-ibang kulay ang mga sisiw.

_____ 8. Malakas ang daloy ng tubig sa ilog.

_____ 9. Ayaw niya kainin ang pritong manok.

_____ 10. Dadalaw ang reyna sa bahay.

_____ 11. Nagtanim kami ng mga punong kasuy.

_____ 12. Mahilig maglaro ng beysbol si Danilo.

_____ 13. Kunwariy pasahero ang magnanakaw.

_____ 14. Nakakaaliw ang mga batang kumakaway.

_____ 15. May sungay ang halimaw sa aking panaginip.

2013 Pia Noche www.samutsamot.com

You might also like