You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON SA FILIPINO 3

PANUNURING PAMPANITIKAN
IKALAWANG MARKAHAN IKAWALONG LINGGO

I. PAKSA/MGAKASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon


Kasanayan sa Pagsulat: Pagsulat ng Wastong Pormat at
Kaayusan ng Bibliograpi
Mga Kagamitan : Tsart ng halimbawa ng Bibliograpi,
Aklat, magasin, pahayagan,
ensayklopedya
Halagang Pangkatauhan: Pagiging malinis at maayos

II. MGA INAAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nagagamit ang wika sa pag-iisa-isa ngmga tiyak na impormasyon.

B. Nakasusunod sa panuto.

C. Nakapaghahanay ng mga impormasyon alinsunod sa pormat at


kaayusan.

D. Nakasusulat ng isang wastong halimbawa ng pangyayari.

E. Naisusulat namuli ang iwinastong sulatin.

III. PROSESO NG PAGKATUTO (BAWAT ARAW)

UNANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak

1. Pagsasagawa DAYALOGO ng 2 mag-aaral tungkol sa dapat


gawin sa mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.

245
2. Pagtalakay sa isinagawang dayalogo

1. Ayon sa dayalogong isinagawa, ano ang dapat gawin sa


mga sangguniang ginamit sa pananalikisik?

2. Mahalaga ba ito? Bakit?

Paglalahad

Mga Gawain

1. Pagbibigay ng kahulugan ng mga mag-aaral


ng salitang Bibliograpi. WORD NETWORK

Isulat sa guhit ang kaugnay na kahulugan ng salitang


nasa loob ng kahon.

BIBLIOGRAPI

B. Pagpapabasa sa halimbawa ng bibliograpi na nasa tsart.

Agoncillo, Teodoro. Maikling Kwentong Tagalog.


Quezon City: Silangan Publishing House, 1975

Cabuhat, Arturo S. Haraya A. Los Banos Laguna:

246
LJF Publishing Company,1977

C. Pangkatang Pagbibigay ng Reaksyon (2 Pangkat).

a. Anu anong mga tiyak na impormasyon ang nakapaloob sa


bawat sanggunian?
b. Paano isinasaayos ang mga nasabing impormasyon?

D. Pag-uulat ng bawat pangkat ng nabuong reaksyon.

E. Pagbibigay ng feedback ng mga tagapakinig.

Gabay sa Tanong:

1. Naibigay ba ang mga tiyak na impormasyong nasa


sanggunian?

2. Natukoy ba ang wastong ayos ng pagsulat ng bibliograpi?

F. Pagbibigay ng sintesis

Ilahad ang inyong natuklasan sa paghahanay ng


impormasyon sa pagsulat ng bibliograpi.

PAGSUSURI SA AKDA

IKALAWANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak : Bulungang Intsik

Paano isinasaayos ang mga impormasyon sa pagsulat


ng bibliograpi (Prior Knowledge).

(2 Pangkat)

247
1. Ang bawat pangkat ay binubuo ng anim na katao.

2. May isang tanong na ibibigay ang guro sa 2 mag-aaral na nasa


unahan ng pangkat.

3. Babasahin nila ito nang tahimik pagkatapos ay ibabalik sa guro


ang papel na may tanong.

4. Ibubulong ang tanong na nabasa ng mag-aaral sa mag-aaral na


nasa likuran niya hanggang sa magpasalin-salin sa bawat
miyembro ang tanong.

5. Ang nasa hulihang miyembro ng pangkat ay daling-daling


pupunta sa unahan upang masabi ang sagot sa tanong na
ibinulong ng bawat kasapi.

6. unahan ang bawat pangkat sa pagsasabi ng sagot.

B. Pagpapakita at Pagpapabasa nang Tahimik ng mga halimbawa ng


Talasanggunian at Pagsusuri sa format nito. (Sa tulong ng mga
gabay na tanong).

Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 : Aklat

Agoncillo, Teodoro. Maikling Kwentog Tagalaog.


Quezon City: Silangan Publishing House,1975.

Cruz, Isagani. Panitikan ng Pilipinas. Manila


De La Salle University Press,1995.

Pangkat 2 : Magasin

Angeles, Roque, Luis Sansebastian. (Pagpapanatili


ng Masayang Tahanan, Liwayway, Vol.21 (Enero 2,
2003), pahina 16.

Landicho, Domingo G. Kultura, Liwayway, Vol. 18


(Oktubre 21,2002),pahina 31.

Pangkat 3 : Pahayagan

248
Cantos, Joy. Piyesta ng Quiapo, Kabayan. (Enero
9,2003)
pahina 5.

Rufo, Aries. 4 Other Failed Church Firms Led by Sins


Pals. The Manila Times, (May 5, 1997), pahina 3.

Pangkat 4 : Ensayklopedia

Stevenson, Richard. Theories in Literature,


Encyclopedia Britanica (1990) 7 Edisyon, Vol. 5,ph.3.

Polyethylene, The Encyclopedia Americana, (1941)


w.e. Vol. Xviii, pahina 919-922 (walang awtor)

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pormat

1. Anu-ano ang mga impormasyong nakapaloob sa bibliograpi?

2. Paano isinasaayos ang mga nasabing impormasyon?

3. Paano isinusulat ang pangalan ng awtor?

4. Anu-anong bantas ang ginagamit sa pagbuo ng bibliograpi?


Ginagamit ba ang mga bantas na ito sa lahat ng bibliograpi?
Bakit?

5. Pansinin ang indensyon, anong uri ng indensyon ang ginamit?

C. Pag-uulat ng lider/representative ng bawat pangkat ng ginawang


pagsusuri.

D. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong :

1. Nailahad ba nuila nang sunud-sunod ang mga impormasyon sa


sangguniang kanilang sinuri? Patunayan.

2. Naipaliwanag ba nila kung anong bantas ang dapat gamitin?


Patunayan.

Pagbibigay ng sintesis

Paano ang pagsulat ng wastong pormat ng bibliograpi?

249
Pagsusuri sa KAAYUSAN ng Bibliograpi.

Mga Gabay na Tanong :

1. Paano pinangkat-pangkat ang mga kagamitang


sinangguni?

2. Paano isinaayos ang pagkakasunud-sunod ng bawat


kagamitan?

3. Pansinin ang mga awtor, paano ito isinasaayos?

4. Kapag walang awtor, paano ito isinasaayos?

5. Pansinin ang mga may artikulo, paano ito isinasangguni?

Pagbibigay ng Sintesis sa Kaayusan ng Bibliograpi.

Paano maisusulat sa wastong ayos ang


bibliograpi?

PAGSULAT NG BURADOR

IKATLONG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak ;

Dugtungang Pagkukuwento ng mga piling mag-aaral sa pagsulat


ng bibliograpi na may wastong ayos at pormat.

Paglalahad : Pagsulat

Bumuo ng bibliograpi na may wastong pormat at kaayusan mula


sa mga sumusunod na impormasyon. Lagyan ng wastong bantas.

Pangkat 1 : Aklat

a. 1. akoy Isang Tinig

2. Quezon City

250
3. Genoveva Matute

4. 1995

5. Silangan Publishing House

b. 1. Pasyon at Rebolusyon

2. Reynaldo Iloto

3. University Press

4. Quezon City

5. 1970

Pangkat 2 : Magasin

a. 1. Marquez, Paz

2. Time Magazine

3. Disyembre 9, 1965

4. Dead Stars

5. pahina 80-86

b. 1. The Bikolanos in Politics

2. Sunday Times

3. Raul Rocco

4. 1998

5. pahina 49

Pangkat 3 : Pahayagan

a. 1. Erap Estrada, Kontra Prok

2. Filipino Ngayon

3. 1998

251
4. pahina 9

5. Cantos. Joy

b. 1. New Intenational Central Bank Proposed

2. Godofredo Capito

3. Phil. Daily Express

4. February 5, 1976

5. pahina 1

Pangkat 4 : Ensaykloopedya

a. 1. Ointment and Their Composition

2. 1969

3. Vol. 8

4. Encyclopedia of Chemicals

5. pahina 416-452

b. 1. Ceramics

2. Vol. VI

3. The Encyclopedia Americana

4. 1941

5. pahina 219-222

B. Pag-uulat ng isa sa pangkat ng ginawang gawain.

C. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral

Gabay na Tanong :

1. Wasto ba ang pormat at kaayusan ng bibliograpi para sa aklat,


ensayklopedya, magasin at pahayagan?

252
2. Naisulat ba nang wasto ang mga pangalan ng awtor?

3. Wasto ba ang indensyon?

4. Wasto ba ang mga bantas na ginamit?

D. Pagpupuno ng angkop na impormasyon sa mga Tsart sa ibaba


mula sa dalang sanggunian ng mga nmag-aaral.

AKLAT

Pamagat ng Aklat Awtor Lugar ng Panglan ng Pahina ng


Palimbagan Palimbagan Artikulo

1.

2.

MAGASIN, PAHAYAGAN (PERYODIKO)

Awtor Pamagat Ngalan ng Ngalan ng Petsa ng Pahina


ng Ensayklopedya Magasin / Publikasyon ng
Artikulo Pahayagan Artikulo

1.

2.

ENSAYKLOPEDYA

Awtor Pamagat Ngalan ng Edisyon Blg. Ng Pahina

253
ng Ensayklopedya Bolyum
Artikulo

1.

2.

E. Pagbasa ng binuong gawain.

G. Pagbibigay ng feedback ng mga kamag-aral.

Gabay na Tanong :

Wasto ba ang mga impormasyong itinala sa Tsart?

H. Pagbibigay ng Sintesis

Sa anong bahagi ng sanggunian matatagpuan ang mga


impormasyong kailangan sa pagbuo ng bibliograpi?

I. Pagbibigay ng Input ng guro.

Pagsulat ng wastong PORMAT ng Bibliograpi

AKLAT
Apelyido ng Awtor, Pangaln ng Awtor. Pamagat ng Aklat.
Lugar ng Pinaglimbagan. Taon ng Pagkakalimbag.

MAGASIN / PAHAYAGAN

Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor (Kung wastong


pangalan ng awtor simulan sa pamagat ng Artikulo) Pamagat ng
Atikulo Pangalan ng magasin / pahayagan, bilang ng bolyum,
(petsa), pahina.

ENSAYKLOPEDYA

254
Apelyido ng Awtor, Pangaln ng Awtor. (Kung walang
pangalan ng awtor simulan simulan sa pamagat ng Artikulo),
ngalan ng Ensayklopedya, (Taon ng Edisyon), Blg. Ng Edisyon at
Bolyum, Pahina.

J. Pagsulat ng Bibliograpi na may wastong PORMAT at KAAYUSAN


mula sa mga itinala sa TSART

Mga Panuto sa Pagsulat Nito

1. Huwag susulat ng paglimbag.

2. Alalahanin ang gamit ng bantas.

3. Pahalagahan ang gamit ng malaki at maliit na letra

4. Sumulat nang malinaw at malinis.

PAGWAWASTO

IKAAPAT NA ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Pagganyak ;

1. Pagsasagawa ng Simposyum ng isang piling mag-aaral sa


pamantayan sa pagwawasto ng binuong bibliograpi.

Gabay na Tanong :

Angkop ba ang mga inilahad niyang pamantayan?


Ipaliwanag.

2. Pagpapalitan ng papel ng magkapareha at pagwawasto nito ayon


sa pamantayan.

Pamantayan :

255
a. Wasto ba ang pormat at kaayusan ng bibliograpi para sa
aklat, magasin, pahayagan, at ensayklopedya?

b. Naisulat ba nang wasto ang pangalan ng awtor?

c. Angkop ba ang pagkakahanay ng mga impormasyon?

d. Wasto ba ang indensyon?

e. Wasto ba ang mga bantas na ginamit?

f. Malinis at maayos ba ang pagkakasulat?

B. Pagpapabasa ng ginawang pagwawasto.

C. Pagbibigay ng feedback ng mga mag-aaral.

Gabay na Tanong :

Nasunod ba ang pamantayan sa pagwaawasto?

D. Pagwawasto ng guro ng mga ginawang


bibliograpi na may wastong pormat at kaayusan sa pamamagitan
ng pamantayan na ginamit ng mga mag-aaral.

MULING PAGSULAT

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak :

1. Pagbasa nang tahimik sa ginawang bibliograpi.

2. Pagpansin sa pagwawastong ginawa ng kamag-aral at ng guro.

B. Pagpapabasa ng iniwastong
bibliograpi ng kamag-aral at ng guro.

C. Pagtalakay kung paano muling


maisusulat ang iniwastong burador.nang maayos at wasto.

Gabay sa Pagsasalin :

256
1. Alalahanin ang punang ibinigay ng kamag-aral at ng guro.

2. Huwag ring kalilimutan ang mga basikong tagubilin sa pagsulat.

D. Pagpapasulat muli ng iniwastong


burador.

E. Pagpapabasa ng ilang sulating isinalin.

F. Pagbibigay ng reaksyon. Kung wasto


ang pagkakasalin ayon sa pamantayan ng pinag-usapan.

PAGPAPAHALAGA : Madali ba o mahirap ang pagsulat ng bibliograpi?


Pangatwiranan.

257

You might also like