You are on page 1of 4

ANG EPEKTO NG PANGONGOPYA SA MGA PILING MAG-AARAL NG BAITANG 7 NG MATAAS

NA PAARALAN NG STA. MARGARITA

Isang aksiyong Pananaliksiksik

Iniharap Ni:

ELMA D. SILDO
Dalubguro II

Binigyang-pansin Ni:

YOLANDA M. MARAON, Ph. D.


Punongguro III

MATAAS NA PAARALAN NG STA. MARGARITA


Sta. Margarita, Samar
PANIMULA

Kung masusing susuriin, hindi kayang bilangin ng ating mga daliri

ang mga kasalukuyang suliraning nagingibabaw sa loob ng klase. Karamihan sa

mga ito, ay mga problemang idinudulot ng taliwas-sa-kawastuhang pag-uugali

ng mga mag-aaral tulad ng vandalism o ang pagsulat sa kung saan-saan,loitering,

pagtatapon ng mga basura sa di tamang lugar, pagliban sa klase,laganap na noise

pollution sa loob ng silid, di-pagtugon sa pagsusuot ng kumpletong uniporme lalo

na ang pagsuot ng ID a tmarami pang iba.

Bukod pa sa mga nabanggit na problema, mas pinili ng may-akda na

pagtuunan ng pansin ang suliraning sumasaklaw sa lantarang pangongopya ng

mga estudyante dahil isa ito sa mga pangkaraniwang problema at hanggang

ngayoy hindi pa nabigyan ng epektibong solusyon.

Ang pangongopya, mula pa nooy maituturing nang sakit ng mga

estudyante na sadyangnapakahirap lunasan. Di maikakailang talamak na ang

suliraning ito sa loob ng klase lalo na sa kasalukuyang panahon at itoy epidemia,

na kumbaga, dahil saan mang sulok ng pamantasan, meron at meron kang

makikitang nangongopya sa kanilang mga kamag-aral o kaibigan sa paggawa ng


kanilang mga takdang-aralin, proyekto at pagsusulit.

Kung ikukumpara natin ang sistema ng edukasyon noon sa

kasalukuyan, mas mahigpit pa ang mga guro noon hinggil sa paghuhulma ng

karakter ng mga estudyante. Sila ay nagpapataw ng mabibigat na kaparusahan,

sa mga kamaliang nagagawa ng mga mag-aaral sa loob ng klase hindi tulad

ngayon na ang mga guroy mapang-unawa at nagpaparusa lamang ng mga

magagaang gawaino kung minsay dinadaan na lamang sa magandang usapan o

pangaral. Dahil sa ganitong Sistema, namimihasa ang mga estudyante at sa

paglipas ng panahon, ang ganitong suliranin ay lumalaki lamang ng lumalaki.

KAUGNAY NG PAG-AARAL
Isa sa mga malalaking bagay na pinoproblema sa aspeto ng

edukasyon ay ang pangongopya o lantarang pandaraya ng ilang mag-aaral na

Pilipino, partikular na sa anyo ng pangongopya sa kanilang mga kaklase sa mga

pagsusulit at iba pang mga gawain. Habang hindi pa huli ang lahat, marapat

lamang na gumawa na ng aksiyon ang bawat sangkot sa usaping ito at hindi sa

sitwasyon ang mga estudyanteng tuturingang kopyador o kaya namay

cheaters ng kapwa mga kaklase.


Layunin ng Aksyon Reserts na ito na ipabatid ang mga saloobin ng mga

mag-aaral tungkol sa suliranin sa pangongopya. Nais rin nitong ipaunawa ang

importansya ng pagsasagawa ng mga hakbang upang labanan ang ganitong

animoy sakit ng mga mag-aaral.

You might also like