You are on page 1of 2

TALUMPATI PIECE # 01 Ako ay Pilipino.

Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan at


nakikipag ugnayan sa mundo sa pamamagitan ng wika. Sa mga hurado at as mga naririto ngayon, ngalan
koy___________ At hiling koy making kayo sa mga sasabihin ko. Sa pag unlad ng mundo, marapat
lamang na pahalagahan ang mga humubog sa mga bagay bagay sa paligid. Sa ating uri mga tao
mahalaga ang paghubog ng wika sa kasalukuyan at sa nakaraang tinatawag na kasaysayan. Filipino. Ang
wikang dumann at humulma sa sa napakahabang panahon ang pagkakakilanlan nating mga Pinoy. Ang
wikang nagsimula lang sa alpabeto nating mga ninuno na tinatawag na Alibata. Konting simbolo, isa
nang salita upang ipangalan sa isang di kilalang bagay. Nadagdagan ang karunungan nang dumating ang
mga Intsik, Arabo, Malayo at Indones para makipagkalakalan. Sa sistemang ito, nabuo ang mga unang
bataspantao, nabuo ang mga unang piyesa sa mga orasyon at dasal, nabuo ang tinatawag na sanduguan,
at nabuo ang mga unang pamayanan tanda ng sinaunang pagkakaisa at lakas ng ating pagkapilipino.
Dahil sa pagkakintindihan bunga ng isang wika, nabuo ang lakas na lumalabas sa panahon ng
pangangayaw upang ipaglaban ang banwang pinakamamahal. Filipino! Ang wikang dumaan sa matinding
pagbabago. Sa pagsakop ng mga Kastila, natabunan ang ating wikang pambansa. Ngunit dumating sa
punto na nasakal ng husto ang ating mga ninuno sa pamahalaang kastila. Sa pamamgitan ng mga
nobela, pahayagan, at mga tula sila unang naghimagsik. At ang wikang gamit? Filipino lang naman na
nooy nasa tagalong ang tawag! At uulitin ko dahil sa pagkakaintindihan bunga ng iisang wika, lumabas
ang isa pang lakas nating mga pinoy.. lakas na ipagtanggol ang inang bayan laban sa mga nangangahas
na umangkin dito at upang makamit ang tinatawag na KALAYAAN! Filipino! Ang wikang hinirang na
pambansang wika ng Pilipinas. Noong panahon ng Commonwealth, sa kapangyarihan ni Pangulong
Manuel Quezon noong 1937 at sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 itinatag ang Tagalog bilang
wikang pambansa ng Pilipinas at noong 1959 nagpalabas si Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.
Simula noon ay hindi nalang puro Viva! Yahoo! at Hooray! Kundi MABUHAY! Filipno! Ang wikang saksi sa
matinding pagbabago sa lipunan. Tunay nga na ang ating wikang pambansa ang makapagpapatatag ng
pamahalan at pagkakaisa ng bansa isang patunay ang mga naganap sa panahon ni Panguong Ferdinand
Marcos na nagdeklara ng martial law. Muli ko pong uulitin. Dahil sa pagkakaintindihan, lumabas ang isa
pang lakas nating mga Pilipino lakas na magsama sama upang pabagsakin ang isang mapaniil na pinuno
upang makamit ang tinatawag ngayong Demokrasya sa mapayapang paraan. At ang sanhi? Ang
panawagan ng mga tao sa radyo, telebisyon at pahayagan na ang wikang gamit? Wikang Filipino!
Filipno! Ang wikang nagbigay daan upang magtulungan tayong mga Pinoy anuman ang danasin. Mula sa
galit ng bulkang Pinatubo hanggang sa pagtama nina Ondoy at Sendong sa ating bansa,nananatilig
nakatindig tayong mga Pilipino. Masyado man akong makulit ngunit uulitin ko pa rin. Nang dahil sa
pagkakaintindihan bunga ng ating wika ay lumitaw ang isa pa nating lakas bilang mga pinoy.. lakas na
magtulungan upang maka ahon sa anumang kalamidad sa pamamagitan ng tinatawag na BAYANIHAN!
Mahalaga ang wika sa mundo. Ito ang batayang sangkap sa pagkakaunawaan na siyang bubuo sa
pagkakaisa tungo sa pambansang kaunlaran. Ang wikang Filipino? Ang wikang identidad nating mga
Pilipino sa mundo. Gaya nga ng sinabi ng Gat. Jose Rizal, ang wika ay siyang pag iisip ng bayan kung ang
bayan ay walang sariling wika, maituturing itong bayang walang lakas at pag iisip. Ay naway ating isaisip
na ang tatag ng wikang Filipino, ay laks ng ating pagka Pilipino! Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang
tinaguriang Perlas ng Silangan at nakikipag ugnayan sa mundo sa pamamagitan ng wika. At ang wikang
gamit ko ay ang wikang Filipino! Sa mga hurado at sa mga naririto ngayon, isang mapagpalang araw sa
inyong lahat!

You might also like