You are on page 1of 5

1.

Alusyon - isang gumagamit pamamaraang panretorika na ng pagtukoy


sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan o pangyayari na iniingatan sa
pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan.
2. 3. May Limang Uri ng Alusyon
3. 4. 1.) Alusyon sa Heograpiya Mga Halimbawa: a.) Ang Mt. Apo ang
itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito ang
Mt. Everest ng Pilipinas.
4. 5. b.) Ang Baguio ang tinaguariang North Pole ng Pilipinas dahil sa tindi ng
lamig at mababang temperatura nito. c.) Malaking porsyento ng
naninirahan sa Bohol ay katoliko kaya ito ay nagsilbing Roma ng
kabisayaan.
5. 6. 2.) Alusyon sa Bibliya Mga Halimbawa: a.) Nagsilbi siyang isang Moises
ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mapangaliping
nais na sakupin ang kanilang bayan.
6. 7. b.) Si Juan ay nagsilbing Noah nang ipaalam niya sa kanyang mga
kapitbahay na may paparating na bagyo. c.) Nagsilbing Hudas Iscariote
si Bernardo nang pagtaksilan niya ang kanyang amo.
7. 8. 3.) Alusyon sa Mitolohiya Mga Halimbawa: a.) Si Steph ay kilala bilang
isang Venus sa kanyang barangay dahil sa angkin niyang kagandahan.
8. 9. b.) Ang mga kawani ng Gold Star ay nagsilbing mga Spartans dahil sa
hindi matinag nilang samahan. c.) Sa kagalingan ni Noel sa pangingisda
ay binansagan siyang Poseidon ng karagatan.
9. 10. 4.) Ayon sa Literatura Mga Halimbawa: a.) Walang alinlangang isa
siyang Ibarra na puno ng pag-asang kanyang maliligtas ang kanyang
bayan sa isang ideyal na paraan.
10. 11. b.) Hindi maipagkakaila na si Ben ay Don Quixote ng kanyang lugar
dahil sa walang sawang pakikipagsapalaran niya sa ibang bayan. c.) Sa
taglay niyang kakisigan ay hindi maitatanggi na siya ang Florante ng
kanyang sitio.
11. 12. 5.) Alusyon sa Kulturang Popular Mga Halimbawa: a.) Si Karl and Brad
Pitt ng kanilang baranggay, samantalang si Bernadette naman daw ang
Angelina Jolie.
12. 13. b.) Sa galing niya sa pakikipaglaban ay mas kilala na si Berting na
Jackie Chan ng Tondo. c.) Si Leo ang James Bond ng Makati,
samantalang si Lea naman daw ang Sydney Bristow ng Caloocan.
13. 14. Katanungan: Batay sa iyong pagkakaintindi sa ulat, ano ang Alusyon?
Magbigay ng halimbawa.

Ang mga salawikaing Pilipino [4][5] ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng

mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula

sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng


salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain

sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain

nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang

pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa

pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga

pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang

Pilisopiyang Pilipino.[5] Isang tanyag na katutubong salawikaing Pilipino ang

mga katagang: Ang taong hindi marunong umalala o lumingon sa kaniyang

pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa

itong salawikaing Tagalog na naglalahad at humihikayat sa isang tao upang

bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at

pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang

pagpapahalagang Pilipinong tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay

ng angkop na pahalaga at pagtingin sa mga taong nakatulong sa isang tao

para magtagumpay sa buhay o adhikain.

Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang
huli ay humahantong din ito sa kasalan.

Salawikain: Pag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.


Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat
siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at
maging payak sa pamumuhay.

Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
nakalaan para sa iyo.

Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.
Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.
Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Salawikain: Magkulang ka na sa asawa huwag lamang sa iyong anak..


Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng
sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng
anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang
mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng
mabuti (o masamang) mga magulang.

Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.


Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan
ka rin ng mga taong tinulungan mo.

Salawikain: Ang taong ginigipit sa patalim man ay kumakapit.


Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng
mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay
nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan
upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng

katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling

maintindihan. Nakagawian na ng mga Pilipino na maghayag ng kanilang

mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan, at mga bunga ng kanilang

pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng mga salawikaing may tugma at

mga kasabihan.
Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
Never trust someone you dont know. / Never trust a stranger.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroroonan.
If you dont know how to look back to where you came from, you will not reach your
destination.

Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.


Nothings hard to do if you pursue it through perseverance.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganahan.


Well-being is in happiness and not in prosperity.

Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.


A person who doesnt love his own language is worse than beast and smelly fish.

Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.


When the bedcover is short, learn to bend your body.

Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.


Genuine patriotism is in the sweat of action.

Kawikaan karaniwang galing sa bibliya o di kayay sa karanasan ng tao. Maaari ring


galing sa mga kilalang personalidad tulad ng mga lider na nagmarka sa ating lipunan.

- Ay isang simple at konkretong sinsabi, ito rin ay sikat o kilala at paulit-ulit


na nagpapahayag ng katotohanan batay sa mga praktikal na karanasan
ng tao.

- Ito ay may dalang aral at kaalaman sa mga mambabasa nito. Ito rin ay
galig sa mga pasalin-salin ng henerasyon o sa mga ninuno natin.

Salawikain ito ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang


nagpapahayag ng gintong-aral. Gummagamit ito ng mga matatalinghagang salita at
mayb mkatang isipan na nagbibigay ng paalala o gabay sa tao.

Hal: Kung anong puno, siyang bunga.


Matakot sa buhay, huwag sa patay.
Ang isda ay hinuhuli sa bibig. Ang tao, sa salita.

You might also like