You are on page 1of 5

Ang Dahilan ng Katamaran

1. Ang paggamit ng facebook o ibat ibang social media sites habang nasa
eskwelahan. Unang tingin kala natin ay nagsasayang lang ng oras itong
estudyanteng to sa paggamit ng facebook ngunit ginagamit niya pala ito para sa
kaniyang klase. Dahil ang kanilang professor ay ginagamit na ang facebook
ngayon upang magbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang susunod na klase.
Sa panahon ng 21st century naging standard na ang paggamit ng internet lalo na
sa kabataan, kaya pati sa mga eskwelahan ginagamit na rin ito, isa na ditto ang
facebook. Ang mga professor ay ginagamit na ito upang makapagcommunicate at
collaborate sa kanyang mga estudyante, kaya imbes na itoy ipagbawal dapay itoy
ating pinapakinabangan.
2. Ang pagtulog ng mga estudyante habang nasa klase. Unang tingin ay kala
natin natutulog sila sa klase ngunit pagtinignan nating mabuti ay meron silang
tinutulugang proyekto na buong gabi nilang ginawa at pinagpuyatan dahil mayroon
silang pasahan sa araw na iyon. Nagkaroon ng pagaaral sa ibang bansa na dapat
ang mga University ay nagsisimula ng klase ng 11am pataas dahil itoy hamak na
makakatulong sa mga estudyante para mas matuto. Iba iba ang sleep pattern ng
tao at itoy nakakaapekto sa kanilang pagkatuto lalo nap ag masyadong maaga
ang simula ng klase dahil kahit na makikita mo silang gising ang utak nila ay hindi
pa. Ang pagkakaroon ng late na simula ng klase ay di ibig sabihin na ang mga
estudyante ay tamad kundi sila ay mga evening people, mga taong madalas
magaral sa hapon at gabi.
3. Ang pagnood ng mga koreanobela habang nasa eskwelahan. Unang tingin
kala natin ay nagsasayang lang ng oras itong estudyanteng to sa pagnood ng
koreanobela ngunit ginagamit niya pala ito upang pagaralan ang kultura ng mga
koreano dahil magkakaroon sila ng study tour sa Korea sa susunod na linggo.
Mayroong pagaaral na di lang naman puro masasama ang nadudulot ng panonood
ng telebisyon. Ang ibang teleserye ay nakakapag bigay ng ibat ibang klase ng
impormasyon na mas nakakatulong kesa basahin sa libro dahil mas madaling
manood kesa magbasa. Isa pang mabuting epekto nito ay itoy nakakatanggal ng
stress, lalo na sa mga estudyanteng lagging may gawain.
4. Ang paglaro ng computer games ng mga estudyante habang nasa klase.
Unang tingin ay kala natin naglalaro lamang itong estudyanteng ito imbes na gawin
ang kaniyang mga gawaing pangeskwelahan ngunit kaya pala siya naglalaro dahil
natapos na niya ang kaniyang mga gawain. Nagkaroon na siya ng oras para sa
kaniyang sarili. Noong 2005 nagkaroon ng pagaaral na ang mga videogames ay
binabago ang edukasyon, na ang mga laro sa kompyuter ay di lang isang klase ng
entertainment kundi itoy makatutulong sa paggtuturo sa mga estudyante na
magkaroon ng interaksyon sa isat isa at magkaroon ng pagkaunawaan sa
kanilang pagiisip. Mas magkakaroon ang mga estudyante ng tunay na karanasan,
hindi ung gagawin lang nila ang sinasabing dapat nilang gawin.
5. Ang pagtambay ng mga estudyante kasama ang kanilang mga kaibigan.
Unang tingin ay kala natin nagsasayang lamang sila ng oras imbes na gumawa ng
kanilang mga gawaing pang eskwelahan ngunit sila pala ay naghihintay lamang
ng sunod nilang klase. Dahil sa kahirapang gumawa ng sariling iskedyul sa Mapua
nagkaroon sila ng mahabang oras na walang klase. Nagkaroon ng pagaaral na
mabuting exercise ang pagkakaroon ng bonding time ng mga estudyante sa
kanilang mga kaklase dahil nakakabuo sila ng koneksyon sa isat isa. Silay
natututunan ang buhay sa labas ng kanilang kaalaman. Itoy naging oportunidad
upang silay lumaki,magkaroon ng ibang tingin sa mundo at palawakin ang
kanilang imahinasyon.

You might also like