You are on page 1of 2

Message of Gratitude

Candy Comoda

Sa ating kagalang galang na Punong Barangay, Hon. Honorio L. Villa Jr. kasama
ng kanyang mga kawani, sa ating PTA Officials, sa pamumuno ni Kag. Danny Cantor, sa
ating mga SGC officials, sa ating mga retired teachers, sa ating punong guro, Mrs.
Bernadette A. Escucha, mga mahal naming mga guro, mga magulang, mga bisita,
Magandang umaga po!

Ang araw na ito ay espesyal para sa ating lahat dahil ipinagdiriwang natin ang
World Teachers Day. Teaching is a noble profession, dahil walang doctor, nurse,
engineer, police at iba kung wala sila. Sa mahal naming mga guro, Maam Badet, Maam
Charisse, Maam Cerila, Mam Joy, Mam Emylene, Maam Joycee, Maam Mary Ann, Maam
Jasmin, Mam Jude, Mam Bai at Sir Akhmad, ,tanggapin po ninyo ang tapat naming
pasasalamat sa pag hubog ninyo sa amin tungo sa progreso. Maraming salamat sa tiyaga
at pagtitiwala ninyo sa aming mga kakayahan. Kayo ang nagsilbing aming pangalawang
magulang sa loob ng paaralan. Maraming salamat po sa pagmamahal at pag uunawa sa
aming kakulangan. Kung ano man mga kaalaman at kakayahan na meron kami ay utang
naming sa inyo. Asahan ninyong bibitbitin namin ang mga aral na aming natutunan mula
sa inyo hanggang sa aming pagtanda..

Ipagpaumanhin po ninyo ang sakit sa ulo at stress na dala namin sa tuwing wala
kaming assignment or project, kung hindi namin nasusunod ang inyong mg utos, kung
madumi ang aming classroom at kung hindi kami nakikinig sa klase. Pangako pong
babawi kami sa abot ng aming makakaya.

Hayaan nyo pong handugan naming kayo ng simpleng regalo, mga bulaklak at
card tanda ng aming pasasalamat at pagmamahal.. Happy Teachers Day po!
Welcome Address
Kristelle Dawn Cagape

Sa ating kagalang galang na Punong Barangay, Hon. Honorio L. Villa Jr. kasama
ng kanyang mga kawani, sa ating PTA Officials, sa pamumuno ni Kag. Danny Cantor, sa
ating mga SGC officials, sa ating mga retired teachers, sa ating punong guro, Mrs.
Bernadette A. Escucha, mga mahal naming mga guro, mga magulang, mga bisita, Mayad
nga Norala!

Isang magandang umaga sa lahat. Mula September 5 hanggang October 5, ay


buwan ng mga guro. Binibigyang halaga ang kanilang mga sakripisyo at paghihirap sa
pagtuturo. Pinaparangalan sila bilang mga bayani ng makabagong henerasyon. Sa taong
ito, ang Tema ng ating teachers day celebration ay, Guro: Kaagapay sa progreso.

Today, we are gathered to celebrate this special event, an event to give honor and
thanksgiving to our beloved teachers. Ako po, kasama ng aking mga kawani ay naghanda
isang programa para sa ating mga guro na siyang nagsilbi nating pakpak, gabay at lakas
sa mga taong nagdaan.

Sa ating mga guro at mga bisita, naway masiyahan po kayo sa aming


palatuntunan.
Set back, relax and enjoy! Happy Teachers Day!

Welcome to our World Teachers Day Celebration!

Once again, good morning!

You might also like