Ito’y nangangailangan ng masusing pag-iisip at dapat na isaalang-alang
ang sumusunod: Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin ang mga kaisipan. Piliin ang paksang kawili-wili Mahusay na pagkakabuo Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang sanaysay Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na kahulugan Dapat taglayin ng isang sanaysay:
1. Kaisahan (unity)- Ang pagtalakay sa paksa ay kailangang tiyak at
hindi masaklaw. 2. Kohesyon- Sa pagpapalutang ng isang diwa, kailangang wasto ang pagkakasunud-sunod at pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap. 3. Kalinawan- Sa kabuuan ay tumutukoy sa linaw ng pokus ng ideyang nais ihatid ng manunulat.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay
1. Pagbabalangkas- Pagpaplano kung ano ang paksa at kung paano ito
ilalahad. 2. Pangangalap ng mga impormasyong kakailanganin ng paksang susulatin. 3. Pagsusulat- Paglalahad ng lalamanin ng sanaysay sa paraang malinaw at kawili-wili. 4. Pagrerebisa- Pagpapakinis sa isinulat na sanaysay. Halimabawa ng Pormal na Sanaysay: