You are on page 1of 4

Talambuhay Ni Adolf Hitler

Ipinanganak si Adolf Hitler noong 20 Abril 1889 sa Braunau am Inn, Austria, isang maliit
na bayan sa Hilagang Austria. Siya ang ikatlong anak na laláki at ikaapat sa anim na
anak ni Alois Hitler (ipinanganak bilang Schicklgruber) (1837–1903), isang menor na
opisyal ng adwana (customs), at Klara Pölzl (1860–1907), ang kaniyang ikalawang
pinsan, at ikatlong asawa. Dahil sa malapít na relasyon ng dalawa, isang papal
dispensation ang kinailangang makuha bago sila maikasal. Sa anim na anak nina Alois
at Klara, tanging si Adolf at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Paula ang
nakaabot sa pagkaadulto. Si Alois Hitler ay mayroon ding anak na laláki, si Alois Jr.,
and isang anak na babae, si Angela, sa kaniyang ikalawang asawa.
Si Alois ay ipinanganak bílang isang ilehitimong anak at sa unang tatlumpu't siyam na
taon ng kaniyang búhay ay kaniyang ginamit ang apelyido ng kaniyang ina na
"Schicklgruber". Noong 1876, sinumulan na ni Alois gamitin ang pangalan ng kaniyang
ama sa muling pag-aasawa ng ina, si Johann Georg Hiedler, matapos bisitahin ang
paring humahawak sa mga rehistrong pangkapanganakan (birth certificates) at ideklara
na si Hiedler ang kaniyang tunay na ama (Nagbigay si Alois ng impresyon na buhay pa
si Hiedler, bagamat siya'y matagal ng patay). Ibinaybay ang kaniyang apelyido sa sari-
saring baybay tulad ng Hiedler, Huetler, Huettler and at maaaring ginawa na lámang
"Hitler" ng isang eskribyente. Mayroong dalawang teorya patungkol sa pinagmulan ng
ngalang ito:
Galing sa wikang Aleman Hittler, "táong nakatirá sa kubo", "pastol".
Galing sa wikang Slavic Hidlar at Hidlarcek.
Nang lumaon, inakusahan si Adolf Hitler ng kaniyang mga kalaban sa politika ng 'di
pagiging tunay na Hitler, kundi pagiging isang Schicklgruber. Ito rin ay
pinagsamantalahan sa propaganda ng Kapangyarihang Magkakakampi noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pagsasaboy mula sa kalangitan
ng mga pampletang naglalaman ng pariralang "Heil Schicklgruber" sa mga lungsod ng
Alemanya.
Ang pangalan ni Hitler, "Adolf", ay nagmumula sa lumang salitang Aleman na ang
katumbas sa tagalog ay "osong maharlika" ("Adel"="maharlika" + "wolf").[1]
Samakatwid, isa sa mga palayaw na ibinigay ni Hitler sa sarili niya ay Wolf o Herr Wolf
— sinumulan niyang gamitin ang palayaw na ito noong 1920's at ang tumatawag
lámang sa kaniya ng ganito ay ang mga malapít sa kaniya (bilang "Uncle Wolf" sa mga
Wagners) hanggang sa pagbaksak ng Ikatlong Imperyo ng Alemanya (Third Reich). Sa
kaniyang mga pinakamalapit na kamag-anak, si Hitler ay kilalá lámang bilang "Adi".
Ipinakikita din ng mga pangalan ng kaniyang iba't ibang punong himpilan na nagkalat sa
kontinental na Europa (Wolfsschanze sa Silangang Prussia, Wolfsschlucht sa Pransiya,
Werwolf sa Ukraine, atbp.) ang ideyang ito.
Bílang bata, si Hitler ay nilalatigo halos araw-araw ng kaniyang ama. Makalipas ang
ilang taon sinabi niya sa kaniyang sekretarya , "Nagpasya ako noon na hindi na ako
iiyak tuwing ako'y lalatiguhin ng aking ama. Makalipas ang ilang araw, nagkaroon ako
ng pagkakataon na subukin ang aking pasya. Ang aking ina, sa katakutan, ay nagtago
sa harapan ng pintuan. Ako naman, patahimik ko na binilang ang bawat palo ng patpat
na sumugat sa aking puwit. (I then resolved never again to cry when my father whipped
me. A few days later I had the opportunity of putting my will to the test. My mother,
frightened, took refuge in the front of the door. As for me, I counted silently the blows of
the stick which lashed my rear end.)" [2]
Si Hitler ay hindi sigurado kung sino ang kaniyang lolo sa ama, subalit marahil ito ay si
Johann Georg Hiedler o ang kaniyang kapatid na si Johann Nepomuk Hiedler.
Nagkaroon din ng mga usap-usapin na si Hitler ay isang-kapat na Hudyo at ang
kaniyang lola sa ama, si Maria Schicklgruber, ay nabuntis matapos magtrabho bilang
katulong sa isang Hudyong pamamahay sa Graz. Noong mga 1920's, ang mga
implikasyon ng mga bali-balitang ito kasama na ang kasaysayan ng kaniyang pamilya
ay kagimbal-gimbal, lalo na para sa isang tagataguyod ng mapanlahing (racist)
ideolohiya. Sinubukang patunayan ng mga kalaban na si Hitler, ang pinuno ng kontra-
Semitang Partidong Nazi, ay may mga Hudyong ninuno. Bagamat ang mga bali-
balitang ito ay hindi napatunyan, para kay Hitler ay sapat na iyong rason para ilihim ang
kaniyang pinagmulan. Ipinilit ng progpagandang Sobyet na si Hitler ay isang Hudyo,
bagamat ang ideyang ito'y unti-unting ipinapawalambisa ng mas modernong
pananaliksik. Ayon kay Robert G. L. Waite sa The Psychopathic God: Adolf Hitler,
ipinagbawal ni Hitler ang pagtatrabaho ng mga babaing Aleman sa mga Hudyong
pamamahay, at matapos ang "Anschluss" (aneksasyon) ng Austria, pinasabog ni Hitler
ang bayan ng kaniyang ama sa pamamagitan ng paggawa nitong ensayuhan ng mga
artilyero (artillery range). Si Hitler ay tila takot malaman na siya ay isang Hudyo na ayon
kay Waite, ang katotohanang ito ay higit na mas mahalaga kaysa kung siya ay Hudyo
talaga.
Dahil sa trabaho ni Alois Hitler, madalas lumipat ang kaniyang pamilya, mula Braunau
patungong Passau, Lambach, Leonding, at Linz. Bilang bata, si Hitler ay ibinalitang
mahusay na estudyante sa iba't ibang paaralang elementaryang kaniyang pinasukan;
subalit, sa ikaanim na baitang (1900–1), ang kaniyang unang taon ng paaralang
sekondarya (Realschule) sa Linz, siya'y bumagsak ng tuluyan at kinailangang ulitin ang
baitang. Ibinalita ng mga guro na siya'y "wala kagustuhang magtrabaho." Isa sa mga
kaklase ni Hitler sa Linz Realschule ay si Ludwig Wittgenstein, na naging isa sa mga
magaling na pilosopo ng ika-20 siglo.[3]
Ipinaliwanag ni Hitler na ang kaniyang biglang pagbaba sa pag-aaral ay isang uri ng
pagrerebelde laban sa kaniyang amang si Alois, na gustong pasunurin si Hitler bilang
isang opisyal ng adwana tulad niya, bagaman ginusto ni Hitler maging pintorthis
educational slump as a kind of rebellion against his father Alois, who wanted the boy to
follow him in a career as a customs official, although Adolf wanted to become a painter.
Ang paliwanag na ito ay sinusuportaha din ng paglalarawan ni Hitler sa kaniyang sarili
bilang isang artistang mali ang pagkakakilala. Subalit, matapos ang pagkamatay ni
Alois noong 3 Enero 1903, kung kailan si Adolf ay may 13 taong gulang, hindi nagbago
ang estado sa pag-aaral ni Hitler. Sa gulang na 16 taon, iniwan ni Hitler ang paaralan
ng walang nakamit na kwalipikasyon.
Si Adolf Hitler ay isang pulitikong Aleman na nagsilbing dáting Kansilyer ng Alemanya
mula 1933, at ang Führer ("Pinúnò") ng Alemanya mula 1934 hanggang sa kaniyang
kamatayan. Siya ang pinúnò ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang
Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilalá bílang
ang Partidong Nazi.
Nakamit ni Hitler ang kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis
matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng
propaganda at maaalindog na mga pananalumpati, nagawa niyang umapela sa
pangangailangan ng mga mahihirap at paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo,
antisemitismo, at anti-Komunismo. Sa pagtatatag ng maayos na ekonomiya,
pagpapaigting ng militar, at isang rehimeng totalitaryan, gumamit si Hitler ng isang
agresibong patakarang pandayuhan sa paghahangad na mapalawak ang Lebensraum
("puwang na tirahan") ng mga Aleman, na nagpasimula ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa pinakamalaking abot-saklaw
nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya, subalit kasáma ang
ibang kapangyarihang Aksis, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga kapangyarihang Alyado.
Mula noon, natapos ang mga patakarang panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-
kumulang 11 milyong tao, kasáma na rin ang pagpaslang ng 6 na milyong Hudyo, na
ngayo'y kilalá bílang ang Holocaust.
Sa mga hulíng araw ng digmaan, si Hitler, kasáma ang kaniyang bagong asawang si
Eva Braun, ay nagpakamatay sa kaniyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos
mapalibutan ng hukbong Sobyet ang lungsod.

You might also like