You are on page 1of 4

Paaralan Florentino Torres High School Antas Baitang 8

Araling Panlipunan (Kasaysayan


Guro MELINDA L. TECLING Asignatura ng Daigdig)

Malikhain/
Markahan Ikatlong Markahan
Maasahan/
Seksyon/ Maawain/
Petsa Mapagbigay/
Yugto Alamin
Matiyaga

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
1.Natutukoy ang mga bansang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonisasyon
2. Nabibigyang pansin ang mga pagbabago sa buhay ng mga mamamayang nasakop ng
mga Kanluranin
3. Nakapagbubuo ng slogan tungkol sa epekto ng kolonyalismo sa mundo

II. Nilalaman:

A. Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Yunit 3 : Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig: Ang Transpormasyong Tungo
sa Pagbuo ng Pandaigdigang Kamalayan
Aralin 2: Ang Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
Pangunahing Tanong: Paano napaunlad ng Eksplorasyon sa ibat- ibang panig ng daigdig
ang Europe?
B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et’ al p. 305-313 at Kayamanan
III nina Celia D. Soriano et’ al 192-202
C. Kagamitan: projector, laptop, pisara, teacher’s module, learner’s module, larawan at
graphic organizer

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati sa Guro
3. Pagtatala ng Liban
4. Balitaan

B. Balik- Aral

“Hula Who”
Tukuyin ang mga manlalakbay at bansang nadiskubre
C.Pagganyak:
Sasama ka ba !
Sitwasyon : Nabubuhay ka noong 1430. Nakatayo ka sa isa sa daungan sa Portugal at ikaw ay
malalim na nakatitig sa malawak ng Atlantic Ocean. Ikaw, tulad sa nasabing panahon ay walang
ideya kung ano ang makikita sa ibayo ng dagat. Ngayon ay nagkaroon ka ng pagkakataon
malaman dahil nahilingan kang sumama sa isang ekspedisyon. Narinig mo ang mga nakakatakot
na kwento tungkol sa Sea monster at sa mga malalaking alon sa gawi ng Kanlurang Africa na
lubhang mapanganib at wala pang barkong bumabalik kapag napadaan dito. Narinig mo rin ang
maaaring matamo sa panggagalugad ng bagong lupain. Sumigaw na ang Kapitan na "SAKAY NA,
AALIS NA TAYO". Kailangan mo ng magdesisyon. Sasama ka ba? Bakit?

D.Pagbabalangkas

Yunit 3 : Ang Pag-usbong ng makabagong Daigdig: Ang Transpormasyong Tungo sa


Pagbuo ng Pandaigdig ang Kamalayan
Aralin 2: Ang Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
Pangunahing Tanong: Paano Napaunlad ng Eksplorasyon sa ibat- ibang Panig ng daigdig
ang Europe?
Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

A. Mananakop
a. Portuguese
b. Espanol
c. French
d. Dutch
e. English
B. Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain
C. Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

E.Pagtatalakay
Unang Yugto ng
Imperyalismo

Kahalagahan ng mga
Mananakop Epekto
Paglalayag

Portuguese Nawala sa Italya ang Nakilala ang ibat ibang


Espanol sentro ng kalakalan produkto
French Pagtatatag ng mga Lumawak ang kaalaman
bangko sa heograpiya
Dutch
English Lumawak ang kalakalan

F. Paglalahat:

Pin The Flag

Tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng


paglalagay ng watawat nito. Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang
narating at nasakop.

G. Paglalapat:

Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga


makapangyarihang bansa? Bakit?
H .Pagtataya:

Panuto: Piliin ang pinaka tamang sagot at isulat ang titik nito sa patlang.

_____1. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng paninirahan sa mga dayuhang lupain.


a. Imperyalismo b. Kolonyalismo c. Nasyonalismo d. Terorismo

_____2. Ito ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe.


a. Instrumentong gabay sa tamang direksyon.
b. Instrumentong panukat sa mga anggulo ng kinalalagyan ng mga bituin at araw.
c. Isang mapang nagpapakita sa latitude at longhitude ng mga lugar.
d. Isang instrumentong sumusukat sa taas ng araw o bituin.

_____3. Ito ang mga naging dahilan ng pagkamatay ng malaking bilang ng populasyon sa
daigdig.
a. Kalamidad
b. Digmaan
c. Sakit na dala ng Europeo
d. Masamang simo’y ng hangin

_____4. Ito ay mga magagandang epekto ng imperyalismo at kolonyalismo maliban sa _______.


a. Lumawak ang heograpiya
b. Lumawak ang kalakalan
c. Tumaas ang kalakalan ng alipin
d. Nakilala ang iba’t ibang produkto

_____5. Ang Portugal ay mas nakilala dahil sila ay __________.


a. Nanguna sa kalkalan
b. May mahabang baybayin
c. May kaalamang pandagat
d. Unang bansang pumalaot sa kolonisasyon

I. Takdang Aralin

1. Ano-ano ang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal?


2. Sino-sino ang mga indibidwal na nanguna sa bawat panahon?
3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapangyarihan ng
Europe?
4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain?

You might also like