Professional Documents
Culture Documents
Aralin25 Kalakalangpanlabas 160104054451
Aralin25 Kalakalangpanlabas 160104054451
Kalakalang Panlabas
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
• Matapos mong matutuhan ang impormal na
sektor at ang mga dahilan at epekto ng pag-
iral nito, sa bahaging ito naman ay iyong
tutuklasin ang tungkol sa kalakalang
panlabas ng Pilipinas.
Panimula
• “No man is an island.” Nagpapatunay ito na
sa buhay ay kailangan natin ng karamay o
kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang
akma sa tao kundi maging sa isang bansa.
Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang
ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at
higit sa lahat sa pang-ekonomikong usaping
na masasalamin sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
Kalakalang Panlabas
• Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng
isang bansa sa ibang bansa.
• Ito ay nagaganap sapagkat walang bansa
ang maaring makatugon ng lahat kanyang
pangangailangan sa hilaw na sangkap,
yamang tao, likas na yaman at iba pa ng
walang tulong mula sa ibang bansa.
Batayan ng Kalakalang Panlabas
• Absolute Advantage
• Comparative Advantage
Absolute Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
absolute advantage sa pagprodyus sa isang
kalakal kung nakakalikha ito ng mas
maraming bilang ng produkto gamit ang mas
kaunting salik ng produksyon kumpara sa
ibang bansa.
Dami ng Produksyon gamit ang isang
hektarya ng lupa
Bansa Kape Bigas
Pilipinas 3,000 kaban 1,000 kaban
Thailand 2,000 kaban 2,000 kaban
TOTAL 5,000 kaban 3,000 kaban
• Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng kape?
• Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng bigas?
Comparative Advantage
• Ang isang bansa ay masasabing may
comparative advantage sa pagprodyus sa
isang kalakal kung ito ay magkakaroon ng
espesyalisasyon sa paglikha ng kalakal.
• Ang isang bansa ay may comparative
advantage sa produksyon kung marami
itong mapagkukunan ng paggawa, lupa at
kapital na ginagamit sa produksyon ng
naturang produkto.
Dami ng Produksyon Gamit ang isang hektarya ng
lupa matapos ng espesyalisasyon