You are on page 1of 3

SET A

Pangalan:________________________ Baitang at Seksyon:_________________

Edad:_________

IKAW BA AY NABUBULAS?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ng buong katapatan.

OO HINDI
1. Mayroon bang mga tao na sumisimangot
sayo o nagpapakita ng hindi magandang
senyales ng kamay?
2. Mayroon bang nagkalat na tsismis o
nagsasabi ng masasamang salita tungkol
sayo?
3. Madalas ka bang tinutukso ng ibang mag-
aaral?
4. Madalas ka bang pinagbubulungan ng ibang
mag-aaral?
5. Hindi ka ba isinasali sa mga laro o gawain o
sinasabay sa pagkain?
6. Iniiwan ka ba ng mga barkada o maraming
barkada ang hindi ka nais na isali?
7. Pinagkakatuwaan ka ba ng ibang mag-aaral
dahil sa iyong pananamit, buhok, salamin sa
mata, o kulay ng balat?
8. Nararanasan mo bang dumaan sa isang
“hazing” bago isali sa isang pangkat o
samahan?
9. May nagababanta ba sayo na ikaw ay
sasaktan?
10.Naranasan mo ba ang maitulak, itaboy, o
kaya ay saktan ng ibang mag-aaral?
SET B

Pangalan:________________________ Baitang at Seksyon:_________________

Edad:_______

IKAW BA AY NAMBUBULAS?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ng buong katapatan.

OO HINDI
1. Natutuwa ka bang pagtuunan ng pansin ang
mga taong mas mailiit sayo o maging sa mga
hayop?
2. Gusto mo bang manukso o manghamak ng
ibang tao?
3. Kapag nanunukso ka sa ibang tao, natutuwa
ka bang makita na sila ay napipikon o
nagagalit?
4. Natutuwa ka ba sa pagkakamali ng ibang
tao?
5. Gustong-gusto mo bang kumuha at sumira
ng gawain ng iba?
6. Gusto mo bang isipin ng ibang mag-aaral na
ikaw ay ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa buong paaralan?
7. Madalas ka bang magalit?
8. Matagal ba bago mapawi ang iyong galit?
9. Isinisisi mo ba sa ibang tao ang mga maling
nangyayari sa iyong buhay?
10.Gusto mo bang gumanti sa mga taong
nakasakit sa iyo?
11.Kapag ikaw ay nasa isang laro, nais mo bang
laging ikaw ang panalo?
12.Kapag ikaw ay natatalo, lagi mo bang
inaalala kung anong ang sasabihin ng ibang
tao tungkol sayo?
13.Ikaw ba ay nagseselos o naiingit kapag
nagtatagumpay ang ibang tao?

You might also like