You are on page 1of 3

Aralin 5

Mga Pamamaraan Upang Mapabuti


ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

Bawat bata ay may karapatang makipag-ugnayan sa kapwa, maging ito man ay kaklase,
kaibigan, kapitbahay, o kapamilya. May mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang di-
pagkakaunawaan sa pagitan nila. Naranasan mo na bang magkaroon ng kaaway?

Pag-usapan Natin

IARTE MO
Bumuo ng mga pangkat na may 4-5 miyembro. Isadula ang sitwasyon na mababasa sa
Scenario card na ibibigay ng guro.

a. nambu-bully ang iyong kaklase

b. nangopya ang iyong kaklase kaya mataas


ang nakuha niya sa exam

c. nag-aaway ang mga nakababata mong


kapatid

Matapos maipakita ng bawat pangkat ang inihandang role play, sagutin ang mga
tanong.
a. Ano ang ipinakikita sa role play?
b. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang karakter o ugaling ipinakita ng bawat isa?

Pag-aralan Natin

ISIPIN MO
Sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang napulot mong magandang aral sa mga sitwasyong ipinakita?
b. Kanino maaaring lumapit o humingi ng tulong kapag nakaranas ng di-
mabuting pakikipag-ugnayan?
c. Paano mapapabuti ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa?
BASAHIN MO
Pakikipagkapwa-tao
 may respeto o paggalang sa pakikitungo sa iba
 may pakikinig at kabukasan( open-mindedness) sa opinyon at pananaw
ng iba
 marunong tumanggap ng puna at pagkakamali
 may mapayapang disposisyon
 may paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat ( walang paghuhusga
maging sa relihiyon, kulay, kasarian, o lahi)

Pagsikapan Natin

Mga Taong Makatutulong Upang Mapabuti


ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

 Kapatid at Magulang
 Kaibigan
 Guro
 Punungguro
 Guidance Counselor

ITAPAT MO
Pagtapatin ang larawan ng taong makatutulong upang mapabuti ang iyong pakikipag-
ugnayan sa kapwa at ang katawagan dito.

1. magulang

2. kaibigan

3. guro
Pagyamanin Natin

GAWAIN 1
Lagyan ng kung ang nakasaad ay makapagpapabuti ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa.

____ 1. Nakikipaglaro ka sa iyong mga nakababatang kapatid.


____ 2. Nakita mong nangongopya ang iyong kaklase at sinabi mo ito sa iyong guro.
____ 3. Pinagsabihan mo ang kaklase mong nambu-bully.
____ 4. Pinaiiyak mo ang iyong kapatid para hindi sumali sa inyong laro.
____ 5. Nagpapaalam ka nang maayos sa iyong magulang kung mayroon kang gustong
puntahan.

Pagnilayan Natin

Dapat bang maging maayos ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa? Bakit?

Sanggunian:

https://www.google.com.ph/search?q=guro+cliparts&biw=1040&bih=619&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=0ahUKEwi_oJ_k5u7MAhUB5aYKHWoUA2sQ_AUIBigB

https://www.google.com.ph/search?q=parents+cliparts&biw=1040&bih=575&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiB6qHY5-
7MAhWBGpQKHUeGB7sQ_AUIBigB#tbm=isch&q=friends+cliparts

https://www.google.com.ph/search?q=parents+cliparts&biw=1040&bih=575&source=lnms&tbm
=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiB6qHY5-7MAhWBGpQKHUeGB7sQ_AUIBigB#imgrc=-
67OG3XT7_WukM%3A

You might also like