You are on page 1of 1

Ang Pagpapakita ng Birheng Maria sa Lourdes

(IN Apparitione Beatae Mariae Virginis)

Panimula
Pahayag 21:2
Nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat
sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa
kaniyang asawa.

V. (Awit 44:2)
Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga
bagay na aking ginawa tungkol sa hari:
Papuri sa Ama. Kapara noong una.
Nakita ko.

Panalangin
O Diyos,

Pagbasa (Pahayag 11:19, 12:1, 10)


Ang pagbasa mula sa aklat ng Pahayag.

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan sa loob nito.
Pagkatapos ay gumuhit ang kidlat, dumagundong ang kulog, narinig ang malalakas na
ingay, lumindol, at umulan ng yelo. Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang
kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan:
ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin.
At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, "Dumating na
ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari!
Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan!"

Salmo
Aw ng mga Aw 2:12
Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay
dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain;

V. (Aw ng mga Aw 2:10,14)


Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda
ko, at tayo na.

Alleluia.
V. Ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
Alleluia.

Ebanghelyo (Luc 1:26-31)


Noong mga panahong iyon: Ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na
isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na ang pangala'y Maria.
Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni Haring
David. Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, "Magalak ka! Ikaw ay lubos na
kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!" Naguluhan si Maria at inisip
niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap. Sinabi sa kanya ng
anghel, "Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.
Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y
papangalanan mong Jesus.

You might also like