You are on page 1of 31

Kabanata XX

Si Don Custodio

Buod

Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang
pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.

Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila
at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng
asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay
pinupuri dahil siya ay masipag.

Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya
walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid.

Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at
ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang
lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.

Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong
ipaalam sa lahat.

1. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio?

Sagot

Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na
pakikipagtalo kung kani-kanino.

2.Paano siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin?

Sagot

Sa tulong ng salapi ng kanyang mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng
pamahalaan.

3. Ano angpalagay ni Don Custodio sa mga Pilipino?

Sagot

Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Kabanata XXI
Mga Anyo ng Taga-Maynila

Buod

Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na
mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.

Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o
palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t
hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang
kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.

Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay
nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.

Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina
Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang
kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala
nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang
Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista.

Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga
prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil
ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari.

Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana
at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa.
Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap
sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at
masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay
isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.

Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may
hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay
naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.

Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit anio sa akin?

Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang
kababayang tanga sa pagsasasbi ng mgsa kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong
nagdaraan ang sinasabi ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo. Dumarating
sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t
di naitago ng tunay na katauhan dahil sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.

Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa
apat. May labis na tiket ang mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di
na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na nag-iisa.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya
ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw,
nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga
gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito
ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.

2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw
na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at
pasipa-sipa sa itaas ang mga paa.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido?

Tugon

Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa
kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing
ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan
nguni’t di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang
nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa
paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang
krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa
katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).

2. Paano nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila?

Tugon

Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi, at sa pagsang-ayon dito ng mga
taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong sila kung bakit ipinagbabawal
ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang malaman kung bakit bawal; at
ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng mga prayle, hindi dadami
ang manonood.

Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat.
Dahil ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon
ni Rizal ay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni
Rafael Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo
itong pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa ito’y katutubo sa tao ang
pagtanggi sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin
na Huwag Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa.

3. Sino-sino ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan?

Tugon

Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo
upang mapigil ang pagbabalik nito sa Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa
makatuwid sumalakay man ang mga kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi
lamang inihandang pagkakagulong sa kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay
hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong na magtatanggol sa mga prayle. Dito’y gagamitin ni Rizal ang
theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang iyong nasasakupan at sila’y madali mong mapaghaharian.
Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban sa mga manong at confradia magiging malaya ang
pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa pagsasalakay sa nais nilang salakayin.

4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo?

Tugon

Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May
tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo.

Kabanata XXII
Ang Palabas

Buod

Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral.
May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa
mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang
matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito
napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang
mga tao. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang
mataas na tao sa pamahalaan.

Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig.
Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig
ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa
dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.

Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig.
Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina
Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa
una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang
palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa.

Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang
makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang
paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.)

Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga
tao’y nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at
hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña.

Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don
Custodio iyon. Natakot ang binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong humanga si Donya
Victorina kay Pelaez.

Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi artista, di marunong umawit.

Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan.

Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses . Dumating si Makaraig
mula kay Pepay. Malungkot. Nag-usisa ang lahat. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay
Padre Irene. Sinang-ayunan nag paaralan. Ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas, sa
pamamahala ng mga Dominikano.

Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo. Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si
Sandoval.

At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang
tagumpay nila.

Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang paglilingkuran ng mga Intsik na hubad! Pinagtibay
ang balak. Hindi na hinintay ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila sa gitna ng
alingasngas ng buong bulwagan.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng
ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang
manonood, makikita sa ano mang palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang
huling dumarating at ito ay ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari
sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa
sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka, nakasulong na
sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay
marami nang naghihintay na bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing oras-Pilipino ito’y mga minuto
o oras na una kaysa takdang tipanan.

2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa


pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita.
Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.

3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang makitang kasama ang
mananayaw.
4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa
dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si
Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na
lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga
na nakipatol sa nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag.

5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y
mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siya’y manunulat at
manunudling (columnist).

6. Usapa ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang nagsilapit sa artista.
Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at:

S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga).


I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo).
S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo.
I-Huwag kang maingay rito, Lily ako’y isang Papa rito.

Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre Irene ay isang
lalaking makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre
Irene ay hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may
malaking halagang napailalim sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa
pananalig (Hudyo) ay nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon.

7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan sa pamaling
pagsasalin ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait! (Isip-alipin talaga)

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig?

Tugon

Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon
sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig

2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya
ngng hulisa lahat?

Tugon

Kay Simoun.

3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas?

Tugon

Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.)

4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval?

Tugon

Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng


kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak nila sapagkat
lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang
kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang
paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita.
5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan?

Tugon

Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol
ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga
dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa
unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto.

Kabanata XXIII
Isang Bangkay

Buod

Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong
kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara.
Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante.

Si Basilio ay di rin nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula
nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay
lalong naging mahirap pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait.
Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito.

Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa
paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay
walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.

Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila
nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa
katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.

Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi
sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula
sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.

Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang
makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre
Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria
Clara.

Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa
isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na
hirap ditto at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na
ang hirap niya?

Sagot

May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang
mabahiran ng maruming kahapon.

2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas?

Sagot
Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa
buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.

3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?

Sagot

Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na
kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga
pangkat ng kanyang pag-aalsa.

4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay
si Elias, ay isa sa mga tututol?

Sagot

Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan
sa isang makasariling layunin---ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa
kumbento.

5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago?

Sagot

Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni
Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago
dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda.

Kabanata XXIV
Mga Pangarap

Buod

Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa si Isagani


sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Panay raw ang tingin ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya
raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani. Si Donya Victorina raw ang
may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.

Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw
niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan
at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa
kanya ang bayang iyon at Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita

Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na malimatik. Ang ibig
niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng tren.

Pinaghambing ni Isagani sa isip ang pansin ng mga taong pamahalaan sa nagkaramdam na si Simoun at ang
mga sugatang kawal na galling sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay nabahala
ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas kundi
pati ang Espanya.

Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na rin ang binata at napawi ang lahat ng kanyang mga
hinanakit sa dalaga. Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit
ang binata ang pinaghahanap na asawang Kastila. Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan
sa nayon (kay Padre Florentino) nag-tatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang mag-asawa uli.
Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang pilyong Isagani naman ay namuri pa sa
kinaiinisan niyang kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang kausap. Kung matutuloy ng
naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si Juanito.
Kabanata XXV
Tawanan at Iyakan

Buod

Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labing–apat sila,
kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa
kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!”

Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.

Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa
halip ng impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim
ukol daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.

Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang kay Don Custodio . Ang sopas ay tinaguriang sopas ng
panukala;lumpiang intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de
Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo.
Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit gisado ay inukol sa
pamahalaan at sa bayan . Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay
ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia
Negra (Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan
. Gaya daw ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni
Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun.
Nagtiktik ito sa mga estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon
ng Heneral!”

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nagdaos ng piging ang mga estudyante?

Sagot

Patuyang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay Padre Irene, upang ipagdiwang ang
pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol sa kaluwalhatian para kay Don
Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Ilang lahat ang nagdiwang na mga estudyante? Sinu-sinoang mga kilala ninyo?

Sagot

Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval. Dumating si Isagani, kaya naging labinlima.
Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ano ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay
ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila (ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na
alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng mga lalang upang gampanan ang
inyong mga kasalanan...” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?

Sagot

Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga
prayle lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa
lahat, pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.
Kabanata XXVI
Mga Paskil

Buod

Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura
sa Unibersidad pagkatapos madalaw ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang
naimpok niya ay naipanubos kay Huli.

Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang
pagkakatungo sa kanya ni Simoun. Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita.
Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.

Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga
estudyante si Basilio. Mabuti raw at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop
ang binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya. Nabanggit ni Basilio si
Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may
ibang mga kamay na nakapangingilabot, anang katedratiko.

Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa
unibersidad ng mga paskil o mga paskin (posters) na mapanghimagsik.

May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan
Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre.

Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita. Marami raw estudyante ang papupugutan ng
ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa pag-aaral.

Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera.
Pinaghinalaan ni Basilio na may kinalaman si Simoun sa mga paskil.

Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa tawag niya.

Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw lahat ang kasama sa kapisanan ng mga
estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil wal ng klase.

Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong
kinalaman ; ikaw ang saksi ko Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat

Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na palapit sa kanila.

Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.

Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga
mayang paking na itinaboy ng tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay
mabibilanggo dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo magsisiurong
ngayon?

May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?

Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang ( mga kura ) alamin niyon. Nguni’t di tayo dapat
patangay sa kaguluhang ito kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang
karangalan. Kung nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay dapat
nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at tanggihan, ani Isagani.

Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di
niya alintana ang mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.

Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana. Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa
kaibigan kong si Makaraig. Nagkatinginan ang dalawang tanod.

Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na
pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan ay umiwas kayo sa amin ..

Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si
Makaraig. Huwag kayong mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi
samantalang nasa sasakyan tayo.

Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya kay Makaraig. Sinabi ni Makaraig na ma-
aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na
dumakip sa kanila.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang
pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din.

3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya.
Ngunit ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago?

Tugon

Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang


ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

2. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin?

Tugon

Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot
dalawang araw na.

3. Sino ang nakakita ng mga paskil?

Tugon

Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa
pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may
kagagawan niyon.

4. Ano ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na ?

Tugon

Napapadalas na raw ang dalaw ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa
pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang mga uwak at buwitre (vulture).

5. Bakit namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati?

Tugon

Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari.
6. Sino ang may kagagawan sa mga paskil?

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga
kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga
manong. Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan,
maaari pang si Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.

b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura
lalo na ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang
Kastila na di nilagdaan ni Placido.

7. Bakit nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan?

Tugon

Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga
estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong
wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVII
Ang Prayle at ang Estudyante

Buod

Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.

Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani
sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling
nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan
niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang
makapagsalita nang tapatan o harapan.

Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad
nang sinasabing pilibustero at alam ng pari ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang
magsabi nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani Isagani.

Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa
halip ay paborito pa niya si Isagani.

Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi rin niya ang katedratiko. “Nguni’t di tayo
maguusap dito ng ukol sa ating sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.”

Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw gaya ng katedratiko ang ibang prayleng
Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga sakit sa pagtuturo ng mga prayle. “Binabawasan hangga’t maaari
ang pagbibigay ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang inihahasiksa amin
kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng pagkakasulong. Parang mga bilanggong
gobyerno ang mga estudyante. Salat na salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa
pagkaing inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang may sabuwatan ang
pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang mga ito.

Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni
Isagani.

“Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan
at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagka’t baling araw ay magpapahayag kami
ng paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa bilangguan. Ang
kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging
amin iyan ang dahilan ng kawalan naming ng kasiyahan”.
“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa
mga walang tibay ng loob at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.

Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay
natutong magkunwari; ang paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang
mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may kasalanan? Kami o kayong
nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang
manggagawa ng palayok kundi mga sira siya’y napakatanga marahil.”

“O masama at marumi ang putik na ginagamit?”

“Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang masama at marumi ang putik ay bakit
nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon, at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa
dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang
hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang subukin ang kakayahan ng
iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.”

Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang
estudyanteng Pilipino lamang. Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang
hukom na nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo… Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa inyo at sa
pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang nag-uutos sa pagpapaputok ay
masasabung siya na ring naglalagay ng balas a kanyon”.

Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko.
“Ang ibig kong sabihi’y may mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang
maiwasan ang isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng mga
mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng mga tao kung paano ito
madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat
isisi sa amin ni sa Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad
magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay nawalan ng pg-iingatdahil sa
umaapaw na kasaganaan”.

“Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng
pagkatao. Katutubo sa tao na linangin ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y
hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag upang lalong
makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin ang pumipilit na kaming mga indiyo ay
maghanap ng karunungan dahil sa inyong pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan.
Kami’y inyong hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an gaming kahihiyan”.

Mga Tanong at Sagot

1.Ano ang ibg sabihin ni Isaganina walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng
kaisipang luma?

Sagot

Huling-huli sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan
dahil sa may ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli
ang Pilipinas sa panahon.

2. Ano ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa


pagtuturo sa mga Pilipino?

Sagot

Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko
ang tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan
ng pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.
3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” ? Ipaliwanag.

Sagot

Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay
Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may
masamang pamamahala.

4. Bakit daw walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa
mga prayle ayon kay Isagani?

Sagot

Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagka’t pag-uusigin.

Kabanata XXVIII
Pagkatakot

Buod

Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas
ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil.

Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni
Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na
magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na
ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka
magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang
patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si
Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.

Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling
tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita
niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik.
Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.

Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo;
niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman
sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang
magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral
dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas.

May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isa’y
sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay
magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang mayayaman at linisin ang
bayan.

Kina Kapitan Tiyago. Una’y ibinilanggo na si Basilio at naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang
kahinahunan ni Kapitan Tiyago. Saka ngayo’y dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong mga
nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon.
Nguni’t di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig. Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa
kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.

Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta. Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa
may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs
pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao.
Nagsimula na raw ang himagsikan.
Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang
dalawa upang ibigay sa pamahalaan. Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang
makasugat sa gagamit.

Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang
sinino sa Dulumbayan. Hindi ito sumagot. Binaril. Patay!

Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan. Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing
ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang
may tindahan. Natahimik ang babae.

Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin daw malamang. Walang anuman daw sa kanya’t
walang utang sa kanya si Isagani, anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka
raw pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo.

Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre
Salvi. Ayon naman sa isa’y si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa
look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan ang mga kawani sa
adwana at nakalusot ang salapi.

May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay Quiroga. Kunwa’y binanggit ng isa si San Pascual
Bailon. Ang dumating ay si Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun.

Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay
magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang
madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.

Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila.
Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos
hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari?

Sagot

Ni isa’y walang sumipot sa tindahan ni Quiroga gayong may mga bagong dating na panindang "nabibili" ni
(nang walang bayad) sa intsik.

2. Bakit ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas?

Sagot

Natututo raw na maging rebelde ang mga Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso
(Noli Me Tangere)

3. Ano ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga?

Sagot

Ipamamahagi iyon sa mga taong bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik.

4. Bakit ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga?

Sagot

Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama rin ang kanyang loob sa mga pangyayari. Namatay
si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa ,
makapagisip-isip.

Kabanata XXIX
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

Buod

Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng
testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa
mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene
para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio
dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling
bulsa.

Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang
nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.

Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May
nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o
magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y
kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.

Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de
contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay
KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00.
Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang
kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang
namatay. Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.

Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na
agua bendita.

Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay


nagnais mamatay na kinabukasan upang malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.

Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan
nagkakamal ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng
namatay na mayaman ay nangauulila maging sa pamana.

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo
galela con kilisto, ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha?

Tugon

Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito ri’y
nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong
ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng
pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng
pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa
pagtatayo ng sabungan sa langit, ha?
Kabanata XXX
Si Huli

Buod

Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan
nang higit ang huli. Maari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa
Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.

Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil
narurumihan sa tubig. Hindi raw nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang
nanisi rin sa binata.

Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang
mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales.

Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang. Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa
kanya. Ang totoo’y di niya ibig ipatubos si Huli.

Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas
ay kailangan ang ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay ni Kapitan
Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o mabibitay wala mang kasalanan.

Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra,
ang nakapagpalaya kay Tandang Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan.
Humingi ito ng “ pagpapasakit” pa. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may mga binatang binambo
ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga. May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli
ukol kay Padre Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya.

Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang
nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno.

Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal. Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila
nito. Ngunit ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom
pamayapa. Sa wakas ay nagpayo ang hukom: “ Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si Padre Camorra –
kung iibigin niya”, sabay turo kay Huli.

Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa
kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan. Si Padre Camorra
ay tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae.

Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa ang
pamanhik ng isang dalagang may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang
nasa daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre Camorra ay pinagbingihan ni
Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling ama. Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio?
Magiging isa siyang lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya.

May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura. Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang
taganayon lamang. At babarilin si Basilio!

Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga putok. Nakita ang ama. Si Basilio’y naghihingalo.

Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya
ni Huli na kinabukasan uli ay magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang mag-
uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si Huli sa isang himala. Gabi-
gabi’y di siya pinatulog ng mga pangamba.

Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat
ang kasamahan. Ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si Hermana
Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit.

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang hapong iyon. Tumalon sa bintana ng
kumbento at patay na dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa
pinto ng kumbento at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si Tandang Selo.
Itinaboy ito ng palo at tulak.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit nasabi ni Hermana Penchang na mabuti nang napaalis niya si Huli?

Sagot

Hindi totoong pinaalis niya si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga. Ayaw niyang
kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Noo’y madaling madawit sa isang
suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring
madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga.

2. Ano ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay
Tandang Selo?

Sagot

Ang pagkababae ni Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

3. Bakit sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa


paglaya ni Basilio?

Sagot

Tulad ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo – ang katawan at puri ng dalaga.

4. Bakit nagtungo pa rin sa kumbento si Huli?

Sagot

Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak
ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

Kabanata XXXI
Ang Mataas na Kawani

Buod

Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye.
Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral.
Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.

Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong
napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon
ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na
gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa
ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi
ang bansang Pilipinas.

Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na
magnanakaw ang nagtanggi ng mga ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo:
“Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga
pusong tumitibok dahil sa inyo”.

Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan
ng kasunod na koreo (bapor).

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales?

Sagot

Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata. Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang
Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.

2. Sino ang unang nakalaya sa mga estudyante? Sino ang huli? Sino ang hindi nakaalpas?
Bakit?

Sagot

Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lath ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa
malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa
kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit.

3. Bakit nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani?

Sagot

Una, siya’y isang taong marangal at may puso. Ikalawa, naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa
mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang Espanya.

4. Ano ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito?

Sagot

Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay naipakita ni Rizal ang kanyang kawalang–pagkiling sa


pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at
dakila.

Kabanata XXXII
Ang Bunga ng mga Paskil

Buod

Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti
pa ang maglimayom o kaya’y masaka.

Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga
aklat. Si Pelaez ay napatali sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni
Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati. Si Basilio lamng ang
di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa
tulong ni Senong na kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.

Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang
katulad bago umalis sa bayan.

Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y
madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang
linggo ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.

Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan
kapwa anak-Maynila.

Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y
ganapin dalawang araw bago umalis ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa
pakikipagkilalakay Simoun upang sila’y anyayahan sa piging.

Mga Tanong at Sagot

1. Anong pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ?

Sagot

Pagkakatakot, pambayang pagkakatakot.

2. Ano ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin ?

Sagot

Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at


nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa bilangguan.

3. Pano nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli ?

Sagot

Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.

4. Bakit nalimot ni Paulita si Isagani ?

Sagot

Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya Victorina sa pagsulsul sa dalaga na
limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni Isagani na tinagurian ni Paulita na
rin, na “mga pangarap “ samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni Paulita ay kataliwas sa
pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan.

Kabanata XXXIII
Ang Huling Matuwid

Buod

Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga
alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan
siya ng mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.

Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata.
Pinatuloy siya sa utusan Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos
ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga iyon. Para siyang
bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun
na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay
pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang pag-iwas niya
sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya
kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin
ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.

Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na
siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya
upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa sa mataas na
lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga
imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa
sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.

Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang
ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni
Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas.
Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina.

Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga
tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si
Basilio. Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang
inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang
liwang nito’y mangungulimlim at kapag ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot
ng pulbura sa kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.

Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa.Ngayon
kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril
at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na
siya ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan
Heneral?

Sagot

Si Simoundaw ay isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan Heneral at nang-
uupat sa huli sa paggawa ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay kasama ring aalis si Simoun.

2. Ano ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan

Sagot

Nawalan siya ng sigla dala ng malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang paghihiganti. Hindi tulad ng
una, may layunin siya sa paghihimagsik—pagbibigay ng bagong –buhay kay Maria Clara. Nguni’t ngayon ay
wala na iyon. Isa na lamang payak na pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang
matinding hapdi ng awa niya sa sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi.

3. Bakit nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong?

Sagot

Ang pinakamalaking tulong na nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa simbahan. Ang
kasamaang ipinakita ng mga ito, sa tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay siyang lalong nagpabulok sa
bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-maiiwasang paghihimagsik.

Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na pagtangkilik kunwa sa
imbing heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga kamangmangan.

4. Ipaliwanag ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay
magkakaanak lamang ng alipin.
Sagot

Ang ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa paghihimagsik niya
sapagka’t duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin
din ang mga anak nito. Dahil dito,kailangang pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang
mga iyon ay mga duwag na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin.

Kabanata XXXIV
Ang Kasal ni Paulita

Buod

Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa
buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na
dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala
ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.

Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun.
Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng
bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin
ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito
ang nangyari sa kanya.

Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang
puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si
Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.

Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan
Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.

Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang
palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng
pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na
iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin
at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at
pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng
tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.

Mga Tanong at Sagot

1.Saan naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan?

Sagot

Mababasa ito sa kasunod na kabanata.

2. Ano ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal?

Sagot

Ang tungkol sa pinturang larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang
kapalit ng mga inalis na mga santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino
pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga
palamuting kromo dahil hindi gumagawa nang gayon ang mga Pilipino.

3. Ano ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si


Sinong?
Sagot

Lalong lumilinaw na may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging
dumadalaw sa estudyante sa bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang
si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang may’malaking’
pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay
isang misyon para kay Simoun – upang dagdagan ng pait ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng
ngitngit ang isip nito at damdamin.

Kabanata XXXV
Ang Piging

Buod

Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa
katayuan sa tungkulin at sa kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.

Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian. Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t
wala pa ang Heneral. Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang
Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang pinakamahal na
mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan.

Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na ang araw ng
kapitan dahil natititigan na tio nang harap-harapan.

Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang
mga walang malay na mamamatay roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating
ng sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.

Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y
wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong
magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis, nasabi ni Basilio.

Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang
nag-alinlangan sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan
Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni
Basilio.

Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling
kaapihan. Ninais na iligtas ang nangasabahy. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas.
Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. Sa Eskolta. Matulin!

Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani!
Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako lalayo Bukas
ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya
si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.

Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita.
Mabilis na nagpasya ito.

Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat.

MANE THACEL PHARES

JUAN CRISOSTOMO IBARRA


Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay
namutla ito. Sinabi nitong iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura nanlambot
sa takot.

Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita
kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag
intindihin ang isang pagbibiro.

Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi .

Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo. Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan.

Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na
pimasok, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May
humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.

Mga Tanong at Sagot

1. Ano ang kahulugan ng Mane Thacel Phares?

Tugon

Tuald ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa Lumang Tipan, Daniel, Kapitulo 5,
bersikulo 25-28. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng isang malaswan pagtitipon.
Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita nila ang isang kamay na buong hiwagang
sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel, Upharsin , isang babalang nagsasabing Tinakdaan na ng Diyos
ang Babilonya at nabibilang na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang Babilonya ay sinakop ng
ibang kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano.

Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman na na ang
paghahari ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayo’y nahatulan ng kamatayan.

2. Kangino naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan?

Tugon

Sa isang demonyo o kay Satanas na naliligid ng apoy.

3. Bakit si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra?

Tugon

Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat ng binata kay Maria Clara na ibinigay sa kanya ng
dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso. Ito ay kaniyang hinuwad sa mga kasulatang
nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila ni Lucas.

4. Bakit di sumabog ang ilawan?

Tugon

Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng nitroglisirina.

5. Paano nakapasok sa nahay si Isagani?

Tugon

Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin.

6. Sino ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog?


Tugon

Si Isagani.

7. Bakit hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang
kaibigan?

Tugon

Tulad ng di iilang nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani marahil ay nagtungo
sa isang lugar na mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya
nagtungo sa pagdarausan ng piging upang makita man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa
pagkadalaga.

Kabanata XXXVI
Mga Kapighatian ni Ben Zayb

Buod

Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapan upang sulatin ang
pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang
lathalain ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.

Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang
pagbanggit ng ano mang ukol sa pangyayari.

Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at
nakatangay ng may dalawang libong piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-
guni ni Ben Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang isang silyang
ginamit laban sa mga tulisan.

Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa
kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga
magnanakaw na may taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama ang
salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.

May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina Matanglawin upang
sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas,
kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik.
Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok.
Walang putok. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok.
Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang
manloob.

Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di
matagpuan sa bahay niya . Maraming bala at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay
Simoun. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit daw ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok
ang umagaw sa ilawan ni Simoun?

Sagot

Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para magtagodahil sa takot.
Doon niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa.
2. Bakit daw hinimatay si Padre Salvi?

Sagot

Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa
mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga indiyo pang nagiging pangahas at
masama.

3. Ano pa ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at
Juanito?

Sagot

Pawang pagpuri sa “kagitingan at katapangan” ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa Kapitan Heneral
hanggang sa mga prayle.

4. Ano ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa
Tiyani?

Sagot

Inilayo siya. Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na paglalayo lamang sa
kanya sa kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang gayon kaysa isang pagpaparusa.

Kabanata XXXVII
Ang Hiwagaan

Buod

Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang
naging paksa ng usapan ng lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng hikaw
para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa bahay ni Kapitan Tiyago at nakita
niya mismo ang suput-supot na pulbura sa ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.

Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni
Juanito.

Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani.

Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang
daw at si Simoun ang nangasiwa sa pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan
sa imbestigasyon.

Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue.
Kung sumabog daw ang mga pulbura ang noong gabi.

Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang
estudyante. Si Makaraig. At tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si
Simoun. Nagtaka ang lahat.

Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.

Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo
sa isip ng mga kababaihan ang pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.
Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito
sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang
magpapasiklab sa pulbura.

Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni’t nang makita ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa
kanya ay nagtapang-tapangang nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-
antanda sa takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani.

Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng
magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang
gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan!

Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa sa kanyang amain.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani?

Tugon

May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito.
Ito’y hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may kagagawan niyon.

2. Bakit hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang
kaugnayan dito ni Simoun?

Tugon

May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakita’t nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng
hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa.

3. Patunayan na si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog.

Tugon

(a) Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya
naisisip ay ang layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya
nuon ay si Paulita. Si Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio.

(b) Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang
iyon o kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang
gayon! At sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang
paghihiwalay niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na
ng poot at pait ng pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi
niya gagawin ang kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon.

Kabanata XXXVIII
Kasawiang-palad

Buod

Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang panunulisan. Siya’y pumatay sa hukom
pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat. Ngayo’y sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay
sa Tayabas, pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang mga habol sa
kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan ay mga magsasakang walang sala ang
kanilang dinarakip.

May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales.
Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang
sombrero at nakayapak. Ang pawis nila’t alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang magkahalong poot at
kawalang pag-asa.

Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal
sa hapo at gutom ay hinahagupit silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo.
Sumisigaw ang nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng kanyang
pagsilang.

Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Nguni’t may isang sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di
makatiis ay sumisigaw na rin ito sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa!

Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa
mga bihag ng digma?

Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino:

Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y mga kababayan natin! ganti ng mapagpahirap.
At bumubulong kay Carolina: Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang
natin.

Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at nakiusap na payagan muna siyang makatigil
nang sandali. Di siya pinayagan. Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok.

Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag.

Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop ang dibdib na nilabasan ng dugo sa bibig

Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa walang laban). Isang putok pa at ang kabo
naman ang tinamaan sa bisig at namaluktot sa sakit.

Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang
lumaban ng putukan sa mga nasa batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple
lamang. Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di kilalang
kalaban ay gumulong-gulong na pababa.

Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama! pasigaw na wika ng kabo.

Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang talampas. Nagwawasiwas ito ng baril.

Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura.

Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang lalaki. Hindi siya mauunawaan.

Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan siya ng baril ng kabo. Ipinagbabaril sa kanya ang
lalaki. Tumalima si Carolino. Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si Carolino.

Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang mga sibil. Isa pang lalaki ang lumitaw, sa
talampas. Iniamba ng lalaki ang sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal. Nabulid ang lalaki.

Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang lalaking naghihingalo. Binayuneta ito. Di man
lamang kumurap ang matanda. Nakatingin kay Carolino. Nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.

Gulila’t at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang matanda’y ang ingkong niyang si Tandang Selo.
Nakita niyang ang mga nanlalalim na mata ng matanda ay mga salamin ng matinding hinanakit. At nang
mamatay ito ay patuloy na may itinuturo sa likod ng talampas.

Mga Tulong sa Pag-aaral


1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon ka Rizal, ang
kalamigan ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng mga dinarakip ng mga sibil gapos
na pinalalakad nang walang pandong at walang sapin sa paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa
kaparangan kasaby ng mga paglait at paghagupit.

2. Dito’y inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang kalupitan sa mga
kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang
wika ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan?
Makatutukoy ang mga kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones.

3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang bumaril kay Rizal ay
isang pangkat ng mga sibil na Pilipino.)

4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging guwardiya sibil.
Matapos ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at tinawag siyang Carolino o galing sa
Carolinas.

5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere sa taglay na
damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa trahedya. Sa kabanatang ito
ay may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay
Kabesang Tales.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani?

Tugon

Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni Kabesang Tales.

2. Bakit naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Walang pananggol ang bayang hindi pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang mga tao noon kundi
umalis sa kanilang bayan at pabayaan ang kanilang mga bukid at kabuhayan sa sandaling mabalitang
sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan.

(Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na bawal ang pag-
iingat ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril ng mga gangster at mga tulisan,
kasama rito ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon, kaya’t ang mga mamamayan ay laging nasa anino
ng lagim at pangamba sa mga sandatahang pangkat na ito.)

3. Anuo-anong ang ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales?

Tugon

Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay lalong naging lugami. Natitiwangwang ang mga bukirin,
nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka, namamayani ang madudugong pagpatay at nagkatakot ang
sambayanan. Namamatay ang negosyo o kalakalan sa bawa’t pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang
kawalang kaya ng pamahalaan. Mga dukha at mangmang at walang salang magbubukid ang madalas na
dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng mga tulisan dahil di nila inaabutan at
madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik.

4. Bakit daw pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka?

Tugon

Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at nang pagbarilin na lamang nila.


5. Bakit kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito?

Tugon

Marami nga marahil ang utang nito.

6. Sino ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano?

Tugon

Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa talampas ay nagpulasan na ang mga
kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang taong lalantad nang gayon sa mga
kalaban liban na lamang kung dala ng matinding damdaming sandaling nakapagpawala ng matinong muni o
isip. Naging gayon si Kabesang Tales sa di-inaasahang pagkakakita sa anak. Tangi sa rito, may isinigaw ang
lalaking iyon na nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko!

Kabanata XXXIX
Katapusang Kabanata

Buod

Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na
nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siya’y
natunton na ni Donya Victorina.

Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng
pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.

Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang
araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa
Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun.
Ang sugat niya’y buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At
nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang
telegrama.

Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana
lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.

Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang
mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre
Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa
kanya pinili ni Simoun na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti
nang pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong
noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.

Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang
makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni
Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni
Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang
pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.

Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring
isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.

Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na
silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa
kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos
ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang
maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang
kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad
ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang
mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.:
pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang
kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang
magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan
heneral na noon ay kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan
ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang
kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa
paggawa ng maraming kabuktutan.

Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng
tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos
Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng
pari ay dahil masama ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan
ng krimen at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang
nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang
kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.

Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng
dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang
napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang
ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng
pari.

Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at
paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang
isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating
masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin
dapat tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at
karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si
Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino; “Nasaan ang
kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa
ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang
napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak.
Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na
sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May
kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si
Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.

Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang
bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng
dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang
kayamanang yaon.

Mga Tanong at Sagot


1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?

Sagot

Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.

2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid
niyang siya ay darakpin kinagabihan?

Sagot

Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay
niyang pangalan?

Sagot

Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya
mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng
kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang
una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?

Sagot

Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niya
naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang
ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

You might also like