You are on page 1of 2

Bondoc, Chelsea M.

BAMM III-E

Ang Buhay ni Rizal sa Calamba, Laguna

Kapag titingin ka sa piso, sino ang nakikita mo doon? Isang lalaking


matipuno at mukhang kagalang galang. Ito ay nagngangalang si Jose
Rizal. Maraming nakakakilala sa kaniya bilang bayani, isang bayani na nagligtas
at nagbukas ng kaisipan ng mga Pilipino sa kamang-mangan noong panahon ng
Kastila. Isang politokong martir na naglaan ng kaniyang buhay para sa katubusan
ng mga inaaping kababayan. Hindi kataka-takang siya ay itinanghal na
Pambansang Bayani. Si Jose Rizal ay mayroong napakaraming propesyon dahil na
rin nga ito sa kaniyang pagiging sobrang talino. Isa siyang doctor (siruhano sa
mata), makata, mandudulan mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor,
edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhinyero,
magsasakang negosiyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista,
folkorista, pilosopo, tagasalin, imbentor, mahikero, humorista, satirista, polemista,
manlalaro, manlalakbay, at propeta. Sadyang halos nasa kaniya na ang lahat.

Ina – Unang Guro ni Rizal

Tiyo Manuel – Nagpalakas ng katawan ni Rizal

Tiyo Jose Alberto – Nagturo ng kahalagahan ng aklat sa kanya

Leon Monroy - Nagturo ng Latin sa kanya

Lucas Padua – Nagturo ng aritmetika at maihanda sa pagsusulit sa matimatika


Ang Pamilya ni Rizal

MAGULANG:

Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro II, ama ni Jose Rizal. Siya ang
pinakabata sa labintatlong anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.

Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos , ay ang ina ni Jose Rizal.
Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonzo at Brijida de Quintos.

MGA KAPATID:

Saturnina Rizal, panganay sa kanilang magkakapatid at tumayong pangalawang ina


ni Rizal.

Paciano Rizal Mercado y Alonzo Realonda, nakakatandang kapatid ni Jose Rizal,


siya ang nag-alaga kay Rizal at tumulong para makapunta si Rizal sa Europa.

Narciza Rizal, pinakamatulunging kapatid ni Rizal.

Olympia Rizal, siya ang pang-apat na kapatid ni Rizal. Napangasawa niya si


Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila.

Lucia Rizal. Kahati sa mga paghihirap ni Rizal.

Maria Rizal, pang-anim at nakatatandang kapatid ni Rizal.

Concepcion Rizal, siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at


kaanak.

Josefa Rizal, ika pang siyam na kapatid ni Rizal. Siya ay namatay ng walang asawa
at anak.

Trinidad Rizal, ang katiwala ng pinakasikat na tula ni Rizal. Siya ang pang-
sampung kapatid ng bayani.

Soledad Rizal, siya ang bunso sa pamilya. Kilala rin siya bilang Choleng at isang
Guro.

You might also like