You are on page 1of 15

MGA PARAAN

NG
PAG-IIMBAK
NG PAGKAIN
Pagpapatuyo
-Ang pagpapatuyo ay isang payak at
madaling paraan ng pag-iimbak ng
maraming uri ng pagkain. Ang mga
pagkaing tulad ng isda, karne, prutas at
ilang gulay ay maaaringn iimbak sa
ganitong paraan. Kapag ang pagkain ay
nakalapat o nasisikitan ng matinding
init, ang taglay nitong tubig ay lubhang
nababawasan hanggang ito ay matuyo.
Pagpapausok

– Ang mga isda at karne ay pinauusukan sa


nagbabagang kahoy, tabas ng kahoy o mga
dahon ng bayabas. Ang Pyroligneous acid, na
nanggagaling sa nagbabagang kahoy o dahon ay
tumatagos sa karne. Ito ang nag-iimbak at
nagpapasarap sa lasa ng karne. Ang paraan na
ito ay ginagamit para sa paggawa ng hamon at
bacon. Upang lalong sumarap ang lasa,
inihahalo rin ang magkakasanib na lasa ng asin,
asukal at suka.
Pag-aasin
– Ang asin ay ginagamit na pampalasa ng
karne, sa paggawa ng sausage, pagtimpla ng
isda at iba pang naprosesong pagkain. Ang
pagbudbod ng asin sa pag-iimbak ng karne ay
hindi lamang nagpapatuyo sa karne. Pinapatay
din nito ang mikroorganismo na may
kakayahang magpabulok sa pagkain. Ngunit
kinakailangang sundin ang paglagay ng
tamang dami ng asin upang maging
katanggap-tanggap ang produkto.
Pagyeyelo
– Ang mababang temperature ay
nakapipigil sa pagdami ng mga baktirya
at mikrobyo sa mga sariwang pagkain.
Ang mga sariwang karne ng baka,
baboy, manok at isda ay kailangang
ilagay sa pinakamalamig na bahagi ng
palamigan at ang gatas, gulay, itlog at
iba pa ay may kani-kanilang lugar sa
palamigan.
Pagsasalata

– Ginagamit ang pamamaraang ito


sa malalaking pabrika ng pagkain
upang mapanaliti ang mataas na uri
ng kanilang produkto. Kabilang sa
mga pagkaing isinasalata ay ang
gatas, sardinas, sarsang kamatis,
katas ng pinya, karne norte at iba
pa.
Pag-aatsara

-Paggamit ng solusyon ng suka, asin at


asukal at iba pang pampalasa sa pag-
iimbak ng pagkain. Ang mga
preserbatibang ito ang nagpipigil sa
pagtubo ng mikrobyo bukod sa nagbibigay
pa ito ng kakaibang lasa sa pagkain. Ang
mga gulay na kadalasang ginagawang
atsara ay hilaw na papaya, karots, pipino,
labong, singkamas, at iba pa.
Pagmamatamis

- Ang pagmamatamis ay ang pag-


iimbak na kadalasang ginagawa sa mga
prutas. Ang mga pinakulong asukal at
tubig ay isang mabisang paraan sa
pagpigil ng mikrobyo. May ibat-ibang
katawagan sa pagmamatamis ng prutas.
Ito ay ang jelly, jam at preserve.
Pagpapatuyo
Pag-aasin
Pagpapausok
Pagyeyelo
Pagsasalata
Pagmamatamis
Pag-aatsara

You might also like