You are on page 1of 172

MINI NOVEL SERIES, TAGALOG-ENGLISH STORY

What if in taking a bunch of pictures,

you captured a picture of an unknown person..

A picture of an unknown person that became your inspiration...

A picture of an unknown person that suddenly made your heart flatter...

Will there be a chance for you to find that person?

THE PICTURE
Written, March 19, 2013-April 2, 2013
© existedtoloveyou
PROLOGUE~

Taking pictures became my hobby.


Photography is my passion.
It makes me show the real beauty of God & man-made creations.

~*~*~*~

What if in taking a bunch of pictures,


you captured a picture of an unknown person..

A picture of an unknown person that became your inspiration...

A picture of an unknown person that suddenly made your heart flatter...

~*~*~*~

Unexpectedly, you fell for that person in the picture.


Because of you being in love, you started searching..

Will there be a chance for you to find that person?


INTRODUCTION~

"Lola.. ang ganda oh!" sabi ko.

"Oo nga apo, ang ganda.."

Kinuha ko yung camera ko sa bag at kinuhanan ang bawat angulo ng lugar na to.
Ang ganda kasi.

I take pictures kasi naging hobby ko na. Lola and I used to do this. Bawat
pupuntahan naming lugar ay kinukuhanan namin ng picture tapos piniprint ang
mga to at susulatan sa likod ng date at caption at ilalagay sa isang box. Ganto
kasi ang ginagawa ni Lola kaya nakagisnan ko na ring gawin ito.

"Wooow. Ang ganda talaga!"

Pinagpatuloy ko pa ang pagkuha ng pictures..

Click..

Click.

Click..
Click..

At nabigla ako sa huli kong napicture-an..

Tinignan ko sa paligid kung nandoon pa. Pero sad to say, wala na.

Nang tiningnan ko ang picture.. I can't help it..

I smiled. :)
*1*

"Last shot. Ready. 3 2 1.. Smile!"

Click..

Pagkatapos, tinignan kaagad namin ang mga pictures.

"Whoa! Pare ang ganda ng kuha mo! Gwapo ko lalo dito!"

"Urur Ken! Hangin mo talaga."

"Pero totoo pre, college ka pa lang pero ang galing galing mong manguha
ng mga pictures! Professional ang dating!"

"Nambola ka pa! Wala akong papakain sayo ngayon."


Nandito nga pala kami sa Photo Studio ng school. Ako kasi ang assistant
photographer eh.

Nakakataba ng puso kapag sinasabi nila yon. Well, siguro dahil naging hobby ko
na kaya from time to time eh nageexcel ang pangunguha ko ng mga pictures.

Dahil kay Lola kaya minahal ko ang photography. Gusto niya akong maging
tanyag na photographer kaya tutulungan niya ako.

Pero sad to say, ako nalang mag-isa ang tutupad ng pangarap na iyon. Haaay.

Kiel Thomas Gonzales. Yan ang pangalan ko. Tawag sa 'kin ng mga friends ko
ay Kiel. 2nd year AB Communications student sa Francois Raleigh University
(FRU).

Binansagan akong 'PhotoGWAPOr' eh gwapo daw akong photographer. Naks!


Pinuri ko sarili ko. Haha!

"HOY KIEL!" sigaw sa akin ni Ken.


"Ano nanaman Ken? Problema mo?"

"Si Xyla oh." at ngumuso sa may door.

"Paki ko?"

"Ay naku Kiel! Ang ganda ganda nyan oh. Matalino pa. Mukha namang may
gusto sa 'yo 'yan eh! Go ka na dyan!"

"Eh kung ikaw na lang? Ikaw nakaisip eh?"

"Ewan ko sa 'yo! Para kang bakla! Ni hindi ka pa nga nagkakagirlfriend eh!"

"Pre. Walang pakialamanan pagdating sa lovelife ko."

"Nako bahala ka! Ako na lang poporma dyan!"


"Ge take your time!" saka hayun. Pumunta kay siya kay Xyla. Crush niya eh. I
mean.. isa sa mga crush niya.

Si Kenneth 'Ken' Torres nga pala yun. Kaklasi ko. Kapwa gwapo ko. Haha!
Hangin eh.

Tapos si Xyla Rae Bartolome, kaklasi ko rin na 'patay na patay' daw sa 'kin. Well,
di ko type eh. At wala akong panahon.. Kase...

May hinahanap pa ako.

Kaya wag kang makialam sa lovelife ko ha? Papalapa kita sa aso. :P


**

Uwian na. Sa wakas!

"Kiel. Sama ka sa 'min? Party daw."

"Naku Ken. Ako pa niyaya mo. Kayo nalang! Enjoy!"

"KJ ka talaga."

"Alam ko. Sige makalayas na." tumalikod ako saka naglakad paalis.
Makapunta muna nga sa pinupuntahan ko.

**

Heto ako sa may side ng mall. Ang ganda kasi ng view dito. Sarap tignan ang
view.
Pag ganito ang scenario, namimiss ko lalo si Lola. Kaclose ko talaga siya.

Naisipan kong tumayo at kumuha ng mga pictures.

Nag-ikot ikot ako habang kumukuha ng pictures. Yung parang walang paki sa
mundo.

Ikot.

Click..

Ikot.

Click...

Ikot.
Click...

* booooogsh *

Hanggang sa di ko namalayan na may nabangga isang babae.

Ang resulta? Natumba kami pareho. Buti nalang di tumilapon 'tong camera ko
kundi lagot.

Tumayo ako at nilapitan ko siya.

"Miss. Pasensya na. Di kita napansin. Halika tulungan na kita." inalalayan ko


siya hanggang sa makatayo siya.

"S-salamat." sabi niya habang inaayos niya ang damit niya. And.. Whoa. May
camera rin siya na katulad sa kin! Ang galing!
"Sorry talaga."

Iniangat niya yung mukha niya at nagkatinginan kami..

Mga 10 seconds din yun ah!

"O-okay l-lang. S-sige una nako." sabi niya at tumakbo papalayo sakin.

Grabe. Yung mukha niya. As in. Ang familiar. I bet nakita ko na siya dati.

Pero... Ay basta! Ang ganda niya ha.

Papaalis nako sa kinatatayuan ko at may napansin akong isang bagay na


nandun malapit sa akin.

Isang panyo.
Kinuha ko ito at pinagpag para luminis.

Nakita kong may nakasulat sa panyo.

Initials. SMG.

Ibinulsa ko ang panyo at tuluyan nakong umuwi.

I will keep this as a reminder of you, miss.


*2*

"Anak. Ayaw mo ba talagang ituloy ang pag-aaral mo?" tanong sa 'kin ni


mommy.

"Mom. Itutuloy ko na po."

"Talaga anak? Sure na ba 'yan?"

"Opo." saka ako niyakap ni mom. Grabe lang ha! :)

"Ang saya ko anak. Okay na ang mga papeles mo. Niready ko na lahat alam
ko kasi magbabago rin isip mo sa pagtuloy ng 2nd year mo sa AB
Communications. Sayang din yon para gumraduate ka. Tsaka okay na din
yung uniform mo anak." aba mom. Ready ha? Kaya mahal ko sila eh. They
understand me. Hindi naman ako ganun ka-spoiled pero.. Basta hirap i-explain.
"Ah mom.. San mo 'ko inenroll?" tanong ko kay mom. May tatlo kasing
Universities within the province. At isa doon ang dati kong school which is La
vega-del Rosario University (LVDRU).

"Sa FRU anak. Okay lang ba sa 'yo?"

Nagpalakpakan ang tenga ko ng narinig ko iyon. Whooo! FRU!!

"Huy anak. Okay lang sa 'yo?" Natauhan naman ako nung tinanong ulit ni
mommy.

"O-opo mom. M-maganda daw po dun eh."

"Oo anak. Maganda rin dun. Pero matanong nga kita, ba't di ka tumanggi na
ilipat kita ng school?"
Nginitian ko nalang siya. Ayokong sagutin eh. Nakakahiya kase.

Gusto niyong malaman kung ba't ganun ang tanong ni Mommy?

Ganto kasi yun..

Sa LVDRU kase since birth dun na 'ko. Elem to HS. Haha. Di ako nagsasawa
kasi mga friends ko dun eh. Pag nalaman kong nilipat nila ako magwawala ako.
Kaya dun ako nag1st year College.

Pero dahil sa kanya.. Kaya di ako nagdalawang isip na lumipat.

3rd year HS ako nun nung una ko siyang nakita. I saw him but I think he didn't
see me. :(
*Flashback*

"Mommy! Can I take pictures?"

"Sure baby. But don't go too far."

"Eh. Don't call me baby! Okay okay!"

Lumabas ako at nag-ikot ikot. Grabe. Ang ganda dito!

Kinuha ko yung camera na binigay ni daddy nung grade 6 graduation ko.

Ikot...
Click..

Ikot..

Click..

Ikot...

Cli----

Natigilan ako ng makuha ng attensyon ng lens ko ang isang batang lalaki. Siguro
kasing edad ko siya. May kasama siyang matanda.

Tinaggal ko yung tingin ko sa lens at tumingin ulit sa direksyon kung saan siya.
At naisipan kong kuhanan na ng picture. Hehe.

Tinignan ko yung picture...

Waaaaah!
Ang gwapo! :""">

Pipicture-an ko nga ul------

"Shekinah! Let's eat na!"

"Coming mommy!"

Sayang naman. Pipicture-an pa sana kita eh. Kaso... Byeee pogi!

* end of flashback *

"Anak! Kinakausap kita."


"Ay.. Sorry po mommy. May iniisip lang po."

"Naku. Tara kain na nga tayo."

"Sige po mommy."

Haaay. Di ko man lang siya nakilala. Di ko na siguro siya makikita ulit.

Pero yun ang akala ko.


Kasi kahapon. Nakita ko siya. Coincidence na nagkita kami. It was really
unexpected. Nakabanggaan pa nga eh. I'm sure siya yun eh.

The looks. They're still the same. Yun nga lang nagmatured na siya. And even
his voice kahit di ko pa narinig yung boses niya dati.

And one thing I knew about him is.. He's a FRU student! 'Coz I saw his ID..
Duhh! Kaya yun ang nagtulak sa 'kin na magFRU. Bahala na kung walang
friends. Haha.

I'm Shekinah Marie Garcia. Shekinah na lang itawag niyo. ^^ 2nd year AB
Communications student. Dapat sa LVDRU pero ngayon.. sa FRU na! Haha

I'm an aspiring photographer. Ang cool kasing kumuha ng pictures eh. It became
my hobby. Kaya parang nagiging passion ko na ang Photography. Passion ko rin
ang kumanta.
Oh well papel.. Nandito ako sa kwarto ko para icheck yung laman ng bag na dala
ko kanina.

Hanap...

Hanap..

Hanap...

"Hala?! Nasan yung panyo na yun? Bigay ni Lola sa 'kin yun eh!"

Hinanap ko ulit. Pero... Wala talaga. :'( Lola. Sorry po. T.T

Sana nasa mabuting kalagayan ang panyo kong iyon.

Nahiga nalang ako sa kama ko. "Haaay. Ano kayang magandang gawin?"
Umupo ako at hinalughog ang gamit ko. Habang ginagawa ko iyon.. May
nahulog.

Isang papel.

Tinignan ko iyon. At isa palang picture. Nung makita ko yun...

Napangiti nalang ako. :)


*3*

[KIEL'S POV]

"Uy pre. May transfer student daw tayo galing LVDRU." sabi ni Ken. At
inakbayan ako. Kakapasok ko pa lang ng school tsismis kaagad.

"Naku Ken. Tsismoso ka pa sa lahat ng tsismoso. Para kang bakla."

"Dude. Ako? Bakla? Sa gwapo kong 'to?"

"Hay nako malapit na ba ang pasko? Mahangin na kase eh."

Binatukan ako. "Ewan ko sa 'yo, Kiel!"


"Para kang bata. Ewan ko din sa 'yo!"

At yun naglakad kami. Shempre tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sakin.


Akalain pang bakla ako. -.-

Naglalakad kami sa hallway patungo sa building naming napakalayo!

Lakad...

Lakad..

Laka----

*Boooogsh*

At may babaeng bumangga sa chest ko. Aray lang abs ko nasasaktan. hahaha

Umayos ng tayo yung babae at yumuko, "U-u-hmm.. S-s-sorry.."


"It's okay. Next time, please watch your way ha?"

"Y-y-yeah.. so---" iniangat niya yung ulo niya,

at sabay naming sinabi, "Ikaw?!"

"So, ikaw nanaman. Haha. You're studying here pala. I'm Kiel by the
way." iniabot ko yung kamay ko sa kanya.

Siya yung girl na nabangga ko kahapon. And she's familiar. Very.

"I'm Shekinah. Nice to meet you and sorry." kinuha naman niya ang kamay ko
at nakipagshake hands. And..
Dug dug..

Dug dug...

Oh what the F is happening to my heart? Init lang to ng panahon at hiningal lang.


Okay okay?

"I-it's o-okay." Ay nauutal pako? Ano yun?! Nginitian ko nalang siya at ganun na
rin siya. Ay ba. Biglang nag-blush? Para ganun lang?

"Ehem ehem. kiel ano yan?" singit ni Ken. Ano daw?!

"Ang alin?"

"Yan oh." ngumuso siya sa kamay namin ni Shekinah na magka---- WHAT?!


MAGKAHAWAK PA RIN KAMI?! Dali dali kong tinanggal.
"Ulul Ken! Pasensya na Shekinah ha. Sige see you next time. Tara na
Ken!" sabay higit sa kwelyo niya.

"Bye!" sabi ni Shekinah. Kaso di ko na hinarap baka ano nanaman.. Aish!

Sigurado akong puro asar ang matatanggap ko kay Ken nito.~_~

//

[SHEKINAH'S POV]

Alam mo yung feeling na sa dinami-daming taong pwedeng mabangga ay siya


pa?
Hindi ko expect na sa unang araw ko ay siya ang makikita ko. Siya yung unang
tao na kumausap sakin dito. Naliligaw kasi ako kasi naman po.. Di ko kabisado
ang FRU.

Dagdag niyo pa yung nagpakilala siya at.. nakipagshake hands siya.. at yung
ngiti niya!! Omg! Oxygen puh-lease?! :'))

Kiel ang sabi niyang pangalan niya. Bagay ang pangalan niya sa kanya. Havey
na havey! :))

Oh-kay.. Back to abnormal.. Ano kasing room? Oh.. Yun! Must go there na.

Pagkadating ko sa tapat ng room, nakita ko yung dean namin kausap yung prof.
Kaya nilapitan ako.

"Oh Shekinah, nandito kana pala."


"Opo tito--- este Sir." opo tito ko po siya. Kakilala nila Mommy :)

"Ikaw talaga. Oh halika pasok kana. Ipapakilala kita." sabi ni tito at pumasok
na kami sa room.

Tumayo ako sa harap at ang tito ko'y nagsimula ng magsalita,

"Good morning. I'm here to present to you our new student. She came from
LVDRU. She's my niece.. Go ahead dear, introduce yourself." sabi ni tito.

Tumango ako at humarap sa kanila, "I'm Shekinah Marie Garcia. You can call
me Shekinah. I came from LVDRU as my uncle said. But I transferred here
for a reason. It's not because I had a bad record or something.. It's because
of someone. Well, like you care to listen huh? Thank you and good
morning."
"Okay. I'll be leaving. Thanks." sabi ni tito atsaka umalis.

"Well, welcome Ms. Garcia."

"Thankyou, sir. Uhm where would I sit?"

"Good heavens! Nakalimutan ko. Haha. You sit beside that man over there.
It's vacant." tinuro niya yung lalaking natutulog.

"Okay sir. Thanks." saka dumiretso nako sa upuan ko.

"Get a piece of paper and write these.. blah blah blah.." sabi ng prof.

Hala. Wala akong papel at ballpen! Pano nyan?! Nakakahiya. :(


Wala nakong maisip pang gawin kundi manghiram sa taong katabi ko na
natutulog. Haaay bahala na.

//

[KIEL'S POV]

May bagong student daw? Tss. Bahala na nga. Makatulog nalang.

Zzzzz...

*Poke poke*
Aba't sinong asungot to?! Istorbo.

"Hmmm?"

*Poke poke*

"Uyy... Kuya..."

Kuya?! Huh?!

*Poke poke*

Nakakainis na ha!!!
*Poke po------

Hinawakan ko ang kamay niya, "ANO BANG KAILANGAN M------

Shekinah?!"

Nanlaki mata niya. At tila gulat na gulat pa rin.

"Uy Shekinah."
State of shock pa rin ata to? Sinigawan ko kase. Tsss.

"Shekinah..."

"AYIEEEEE!!" sabi ng buong klase kaya natauhan kaming pareho.

"Ehem ehem." sabi ni Ken na katabi ko.

"Ano nanaman Ken?!"


"Yan ka nanaman oh." ngumuso siya sa kamay ko na---- NAKAHAWAK
NANAMAN SA KANYA?! Shemay!

Kaagad ko namang binitawan. Nakakahiya kaya.

"Yan ang napapala ng natutulog, Mr. Gonzales. Tsk tsk. Pag nagsumbong
si Ms. Transferee lagot ka." sabi ng prof namin na nakangiting nakakaloko.

What? Transferee? Huh?

"Huy Shekinah. Transferee ka?"

"O-oo.." sabi niya saka siya yumuko.


"Sorry. Bakit nga pala?"

"Manghihiram sana ako ng papel at ballpen. Di kasi ako nagdala ng


gamit." sabi niya ng di nakatingin sakin.

"Ganun ba." kinuha ko sa bag ko, "Heto oh. Pasensya ka na."

Kinuha niya, "S-salamat.."

Sheeeet. Ang awkward talaga! Tsss.

**

"Ikaw Kiel ha. Pinopormahan mo si Ms. Transferee."


Vacant namin. Nandito kami sa canteen. Shempre kakain. Hoho

"Urur Ken. Hindi ah."

"Eh ano yung pahawak-hawak effect na nalalaman mo?"

"Sira ulo! Wala yun no!"

"Weeeeh? Sige---- Oh speaking of. Shekinah dito kana lang oh!" sabi niya.

Lumapit siya, "Okay lang ba?"

"Oo naman. Okay lang sa min ni Kiel." Saka ako nginitian ng nakakaloko.
Umupo kami at kumain. Shemay. Awkward talaga. -.-

"Nga pala. Ako si Ken. Di pa tayo nagkakilala formally."

"Yeah. Nice to meet you." nginitian lang siya ni Shekinah. Haha

"Ah.. Kiel.."

"Hmmm?"

"Sorry pala kanina ha.."

"Ano ka ba! Okay lang yun!"


Bumulong sakin si Ken, "Yun yun eh pare. Damubs!"

*pak*

"Aray ko naman!"

"Ano ano kasing pinagsasabi mo!"

"Ewan ko sayo. Sige una na pala ako. Pupuntahan ko pa si Xylababes eh.


Bye Shekinah!.. Dude. Chance mo na yan!" sabi niya at tumakbo. Urur tong
lalaking to!

"Anong chance?"
"Ah wala yun. Baliw lang talaga yun."

"Ah ganun ba? Hehe. Sige."

Tinuloy ko lang yung pagkain ko pati na rin siya. Ano ba yan. Buti nalang di niya
ako nahuhuling nakatingin sa kanya!

I can't take my eyes off her.


*4*

[SHEKINAH'S POV]

Sinong kinikilig? Ako? Di ah. X

Sobra lang. Hahaha. :)

Pwera biro, first time kong makaranas ng ganitong feeling eh. Ewan ko ba.
Basta. Ganun na lang talaga yung nangyari.

It's been 2 weeks, naging close kami. Bestfriends kumbaga. Hehehehe. Okay na
'to, atleast, close kame. :P Si Ken patuloy kaming inaasar. Nakuuu.

"Shekinah..."

"Ay palakang malande!" nilingon ko yung tumawag, "K-kiel..."


Tumawa siya, "Ako palakang malande? Grabe ka naman Shekinah."

"Eeehhh.. Nakakagulat ka kaya." saka ako tumalikod ulit, "Hmp, layas."

"Ayyyy... Tignan mo to.. Sorry na oh.."

"Che layas!" sabi ko habang nakatalikod ako.

"Okay.." pagkasabi niyang 'yon di ko pa rin siya nilingon. Expect ko naman na


aalis siya. XD

Naisipan kong tumayo at maglakad-lakad muna, "Haaay. Salamat walang


panggulo.. Makaa----"
"Huli ka balbon!" sabi ni Kiel at... at..

Niyakap niya ako.. :"">

Ay talandee! Wag ganyan. Kinikilig ako.

"Panggulo pala ha?"

"K-kiel n-naman.."

"Bakit? Naiilang ka? May gusto ka siguro sa akin?"


Kinalas ko ang pagkayakap niya, "Heh! Mangarap ka!" saka ko siya
tinakbuhan.

"SHEKINAH!!" sigaw niya. Pero di ko parin siya nilingon. Mahirap na. Baka
makita niyang namu-- Shemay! Namumula nga ako!!!

Takbo..

Takbo..

Takbo..

At napunta ako sa labas ng school. Hahaha. Layo ng tinakbo ko.

Hingal.. Hingal.. "Buti na lang di niya ako naabutan. Pwew." sabay punas ng
pawis..
"Shekinah.."

Huh? Nasundan niya ako? Pero teka, parang nag-iba yung boses?

"Shekinah.."

Lumingon ako, at..

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" nilapitan niya ako at hinawakan sa braso.

"Shekinah.. I'm sorry."

"Sino ka ba? Di kita kilala!" pilit kong tinatanggal pero hinigpitan niya lalo. Tss
"Shekinah.. Please.. Give me a chance.."

"Sus! Chance mo mukha mo!!"

"Inah... Please."

Nang banggitin niya yung Inah, napatigil ako. Siya lang kasi ang tumatawag sa
akin nun eh.

"Inah.."

"It's Shekinah.. Please.. I don't talk to strangers.."

"I.... I love you, Inah."


"Oh.. Ehdi I love myself too!"

"Inah... Come back... to me.."

"Che! Di naman ikaw si David Cook no! Shooooo! Alisin mo nga yan!!"

"I want you back, Inah. I'm begging you.." this time lumuhod na siya.

"Kahit lumuhod ka pa diyan, Karl, di mo na mababago ang panahon.


Matagal na kitang kinalimutan kaya please. Stay away from me." natanggal
ko ang pagkakahawak niya sa akin.

Tatakbo na sana ako,


"Not so fast, Inah." nahablot nanaman niya ako.

"Karl. Ano ba.. Tapos na ang lahat ng 'yon. Past is past."

"That's why I'm here, to have the past be the present."

"Nahihibang kana ba? Tss. Di na kita mahal. Kaya pwede ba.. Lubayan mo
na ako."

"Ayoko. Kung di ka madaan sa usapan, ehdi pwersahan nalang." binuhat


niya ako na parang baboy.

Sinuntok suntok ko yung likod niya, "Karl! Ano ba! Ibaba mo ko!! San mo ba
ako dadalhin?!?!"
"Sa LVDRU.. Dun natin itutuloy ang love story natin."

"Ughh! Ayokong bumalik don!!! Ayoko sa 'yo!!! Please lang Karl!!"

"No."

"Ugggggghhhhhh!" napasigaw nalang ako sa sobrang inis. Naiiyak na rin ako.


Shemay. Ayaw na ayaw kong umiiyak.

Medyo nakalayo nakami sa FRU.. Pero..

"San mo siya balak dalhin?" napatingin si Karl sa likod niya, at nakita ko din
kung sino..

Si Kiel.
"At sino kang epal ka?"

"Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng binubuhat mo." sabi niya at
saka nagsmirk.. Woooh! Go Kiel! Ay, teka.. Bo-bo-boyfriend daw?! Mygas!!

"Ah. Ikaw yung epal sa love story namin?"

"Anong epal? Ikaw nga dyan eh. Sa pagkakaalam ko, ako ang first
boyfriend niya at pati na rin ang last."

"Ako kaya!"

"Lokohin mo ang lelang mo!! Ibaba mo 'yan kung ayaw mong masaktan!"

"Eh di saktan mo 'ko."


Ay nako!! 'Tong lalaking to kahit kelan?!!!

"Karl. Ibaba mo na 'ko. Akala ko bang mahal mo 'ko? Eh ba't mo 'ko


sinasaktan?" mahinahon kong sabi sa kanya.

"Pe--"

"Ibaba mo na 'ko."

Ibinaba niya ako,

"Alam mo, bibigyan na sana kita ng chance eh --"


"Talaga?"

"Excited? Pwedeng patapusin mo muna ako?"

"S--sige.."

"Kaso...

Mahal ko na siya." sabay turo ko kay Kiel at binigyan ko siya ng makiride-ka-


nalang-look.

Lumapit si Kiel sa 'kin at saka ako inakbayan, "Oh pano ba 'yan pre? Di ka na
daw niya mahal."

"Inah.."
"I've said enough, Karl. Sorry pero.. ayoko na."

Tumungo lang siya, "I-if that's your decision, I'll respect it."

"Thankyou Karl."

"Oh pa'no ba 'yan pre, una na kami ng babe ko ha? Bye!" tumalikod na kami
at naglakad patungong school ulit..

**

Nakapasok na ulit kami ng school,

"Ehem.." yan nanaman po siya..


"Oh Ken, bakit?"

Ngumuso siya sa kamay ni Kiel na.. NAKA-AKBAY PA RIN SA 'KIN. Kaya pala
kanina pa kami pinagtitignan.

"Ah.. Kiel.."

"Hmmm?"

"A-ano.. Y-yung kamay mo.."

Nagulat naman siya kaya dali dali niyang inalis, "S-sorry."


"Okay lang.. Salamat kanina ha.."

"W-wala yun. Tara sa tambayan!" hinigit niya ako.

"Eh? May klase pa tayo ah?"

"Akong bahala sige!"

After 5 minutes, nakarating kami sa tambayan namin. Umupo siya sa sofa at


pinaupo niya ako sa tabi niya,

"Alam kong kailangan mo 'yan" tinap niya yung balikat niya.

"Huh?"
"Iyak na.. Wag mong itatago yan, bahala ka pag sumabog ka niyan.."

Umupo ako at hinigit niya ako palapit sa kanya,

"Sige sabihin mo lahat.. Makikinig lang ako.. Iiyak mo lahat.. Okay lang
mabasa ang polo ko. Bestfriend mo ko kaya okay lang.."

//

[KIEL'S POV]

"Eh.. Di naman ako naiiyak eh."


Ako pa talagang niloko niya? Tss., "Eh ano yang luha na yan ha? Ba't
namumula ilong mo?"

"K-kase..."

"Shhh... Iiyak mo na. Dali na."

Huminga siya ng malalim at nagsimula ng umiyak..

Sa bawat hikbi niya, di ko mapigilang haplosin ang buhok niya. Ano naman di
ba? Bestfriend ko naman siya.

"Nakakainis siya, Kiel! Ba't bumalik pa siya?! Tsss."


Di na'ko sumagot. Kasasabi ko lang diba? Tatahimik lang ako, hahayaan ko
siyang magsalita para mailabas niya ang sama ng loob niya.

"Bwiset kang Karl Robert Mendoza ka!!"

Hay, curious na 'ko eh.., "Ano bang nangyari?"

"Kase, nung 3rd year kami, eh may gusto akong iba nun, sabi niya
hihintayin niya ako. Pinangako niya yun ah! Tapos dumating yung point na
nahulog na rin ako sa kanya.. Nung 4th year, sabi ko ready na 'ko. Tapos,
ang ganda ng sagot niya grabe!!"

"Ano naman?"

"Sorry, di na kita mahal. Dati yun, hindi na ngayon."


Aw. Saklap naman pala..

"Kaya simula noon, di ko na siya pinsansin. As in, total strangers. Ang


sakit kayang ma-reject. Pero after 2 years, yung taong nagustuhan ko nung
2nd year, nakita ko na ulit siya. Pero, ayaw kong magtapat sa kanya.."

"Bakit naman?"

"I'm too afraid of rejection.."

"Ay. Kung sabagay. Kilala mo na ba yung taong yun?"

"Oo.. Kakakilala ko pa lang sa kanya."

"Ahhh.. Mahal mo siya?"


"Hm.. Dati.. Hanggang picture na lang, pero simula ng nagkita ulit kami,
yun, napamahal na ko sa kanya."

"Ohhhh.." ba't feeling ko disappointed ako? Umayos ka nga Kiel! May


hinahanap ka nga di ba?

"Ikaw Kiel, may nagustuhan ka na ba?"

"O-oo.."

"Talaga? Sino?"

"Actually, di ko alam yung pangalan niya. I've met her years ago.
Nakalimutan ko na yung mukha niya eh. I misplaced the picture of her kaya
di ko na ulit mahanap."
"Ahhh.." umalis siya sa pagkakayakap sa kin, "Tara balik na tayo."

"Kaya mo na?"

"Kering keri tol! Hahaha."

"Sige.."

Naglakad na kami patungong classroom.

Hayy. Ba't ganun na lang yung impact ng babaeng 'to sa akin? Ba't sobrang
gaan ng loob ko sa kanya? Erase erase.
Di ba may hinahanap nga ako? Si Girl of my life. Kaso... Nawawala
yung picture eh.

I'll just find the memory card of the camera I used.


*5*

Wala munang SheKiel sa part na 'to ha? This part is the love story of Karl and
Coleen. Cute diba? KarLeen love team to!! XD

[KARL'S POV]

"Karl.. Tama na 'yan.. Nakakarami ka na.." sabi sa 'kin ni Coleen.

Nandito pala ako sa isang club. Yes. Club. Legal age na 'ko kaya pwede akong
maglabas pasok dito sa club na 'to. Ano pa bang magandang gawin? Kesa
magpakamatay, why don't I let myself drown from these liquors. Tss. Ang sakit
eh.

"Pwede ba Coleen, lubayan mo 'ko!"


"Ang tanga mo rin kasi.. Dahil nagandahan ka lang kay Anne kaya mo siya
niligawan nung mahal ka na ni Shekinah? Tsss."

Tama 'yon, ang tanga tanga ko kasi eh. Kung kailan mahal na niya ako, dun ko
siya binalewala. Heto ako ngayon, kahit ilang years na ang nakalipas... Aish!!

"Ughhh!!"

"Yan ang napapala mo, bobo ka kasi. Tsss. Maiwan na nga kita diyan!
Tatawagin ko na lang si Joshua para masundo ka niya dito."

At iniwan niya ako. Siya nga pala si Coleen Aguilar, mahal ako ng taong 'yan.
Ewan ko na lang kung ba't ba di sumusuko. Gwapo ko kasi eh? Haha!

Ako nga pala si Karl Robert Mendoza at mahal ko si Shekinah. Di ko na


idedetalye ang buhay ko ha? Ikukwento ko nalang ang love story namin.
HAHAHA. Joke :P
Pakalipas ng ilang minuto,

"Karl, tama na nga 'yan. Pakamatay ka nalang dude para masaya."

"G*g* Joshua! Sanang di ka nalang pumunta! Kala ko makakatulong ka eh."

"Eh pa'no kita tutulungan kundi mo naman tinutulungan ang sarili mo?"

"Pa'no nga ba?"

"Well, dapat ikaw ang may alam kung paano. Diskarte mo na 'yan. Tara na
nga iuwi na kita sa inyo."
Inalalayan niya ako. At hinatid pauwe.

**

Nakaligo na 'ko at nakapagbihis. Di ko man nafefeel na lasing na ako. Gusto ko


yung iinom ako tapos makakalimutan ko lahat ng sakit.

"Sabi ko naman sa 'yo eh.. Kinalimutan ka na ng tao binabalikan mo pa.


Tss."

Nabigla ako sa nagsalita. Hala may multo sa kwarto ko?

"S-s-sino k-ka?"

"Hay nako. Kelan kaya yung oras na pagkarinig mo sa boses ko, alam
mong ako na ang nandiyan sa tabi mo?"
"C-coleen?"

"Ay hinde hinde. Ewan ko sa 'yo. Makauwi na nga lang." naglakad siya
papalabas ng kwarto ko pero bigla siyang huminto,

"Sana ako naman, Karl. Lagi nalang siya. Di ka naman niya mahal." At
tuluyan na siyang umalis..

"Sana ako naman, Karl. Lagi nalang siya. Di ka naman niya mahal."

"Sana ako naman, Karl. Lagi nalang siya. Di ka naman niya mahal."
"Sana ako naman, Karl. Lagi nalang siya. Di ka naman niya mahal."

Pagkasabi niya sa akin yon, bigla akong natauhan.

Wake up call ba yon, Coleen? Sabihin mo lang.. Kasi..

Gising na 'ko.
**

At LVDRU.

Heto na 'ko sa gate, for sure inaabangan ako ng aking bestfriend na si Coleen.

Ganun ba ako ka-assuming? Kasi..

Wala siya.

Nakakapanibago. Dati rati hinihintay niya ako. Kasi maaga siyang pumapasok
kesa sa akin..
Teka, ba't parang kumirot ang puso ko? Di ko lang siya nakita ng isang araw ah.

Ganun ba talaga? Kung kelan nawala na ang tao, dun mo mapagtatanto na


mahal mo siya o mahalaga siya sa 'yo?

Shoooot! 2nd kill ba 'to? Una kay Shekinah. Pangalawa, kay Coleen? No. This
can't be. Gagawin ko ang lahat Coleen.. I'll make you mine.

//

[COLEEN'S POV]

Ako si Coleen Aguilar, isang babaeng nagmamahal kay Karl Mendoza. Kaso.. Di
niya ako mahal eh. Lagi nalang si Shekinah. Tsss.
Heto ako sa school, mag-isa. Di ko na hinintay si Karl. Ayoko muna. Masakit na
talaga eh. Di naman sa akin ang attensyon ng tao..

"Coleen!"

"Oh Joshua! Salamat pala kagabi ha?"

"Wala yun, Coleen. Tara na't kumain?"

"Sure.."

Usually, siya at Karl ang kasama ko 'pag gantong oras. Di kasi kami
nagbebreakfast sa bahay kase.. wala trip namin. Haha. Bestfriends ko sila no!

Nakarating na kami sa canteen at naupo,


"Order lang ako ha? Anong gusto mo?"

"Kahit ano.."

"Sige.."

Ilang minuto ang lumipas, teka.. wala pa rin si Joshua?! Anyare dun.

Tumingin tingin ako, aba! Inindian ata ako nun? Tss. Habang tumitingin tingin pa
rin ako, may lumapit sa aking bata,

"Ate, pinapabigay po sa 'yo.."


Inabot naman sa akin, isang blue rose!! Ay teka, may note.

*******

Punta ka sa labas ng canteen.

*******

Kumaripas naman ako ng takbo.. Ay si Jo--- Ay bahala siya!

Pagkalabas ko, may isang bata na lumapit sa akin,

"Ate, may nagpapabigay po.."

"Teka sinong nag---" di ko na natuloy yung sinabi ko.. Aba't tinakbuhan ako?
Tsss.
Teka, may note nanaman!

******

Punta ka sa may garden.

******

Nakuu! Ba't sa garden pa? Tss. O sya, wala namang mawawala kung susundin
ko? Kung masama naman to.. Tss. Makikita niya. Black belter ako no!

Pagkarating ko sa garden.. Nandun si Joshua!

"Joshua! Anong ginagawa mo dito?"

May binigay siya sa aking papel, "Napag-utusan lang. Sige ha, gutom nako.
Goodluck Coleen!"
"Teka---!" aba't tinakbuhan rin ako?

Binuksan ko ang papel,

*****

The last rose is with me. Kung gusto mo talagang malaman kung sino ako,
pumunta ka sa parking lot at hanapin mo ang sasakyang may plakang XXX 888.

*****

Anak ka naman ng nanay mo oh! Tsss. Eh di no choice, pumunta ako dun.

Hinanap ko yung sasakyang may ganoong plaka,


Oh my gosh!

Baka nagkakamali lang?

Y-yung.. L-likod ng sasakyan niya.. Nakadesign na may balloons, roses, hearts


at kung anu-anong kaeklahan..

Nagulat ako sa nakasulat!

COLEEN, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Ay grabi! Sino kaya tong secret admirer na 'to? Sasagutin ko na siya. Hahaha.
Talande eh XD
Nilapitan ko yung sasakyan, may isa pang rose na nakalagay. Kinuha ko, pati na
yung note.

Binuksan ko... Aish! Walang laman?

"Siraulo ata yun eh? Ba't walang nakasulat?"

"Kinuha mo ang last rose, so that means akin ka na?" biglang tumigil ang
mundo ko nang narinig ko yung nagsalita..

Nilingon ko siya, "K-k-karl..?"

"Ako nga.. So akin ka na ha?"


"T-teka! T-totoo ba 'to?"

"Ayaw mo? Sige wag---"

"Siyempre gusto ko!"

"Buti naman.. So... Akin ka na ha?"

"Oo, sayong sayo na ako!" niyakap niya ako

"Salamat Coleen.. I love you.." Omo.. those words. :""">

"I love you too, Karl.." at kiniss niya ako


sa noo. :P hahahaha. Kala niyo ha XD

"AYIEEEEEEEEEEEEEEE!" napabitaw naman kami,

"Joshua?" sigaw ko.

"Oh yan ha dude, okay na kayo.. Nasan tatlong libo ko?"

"Mamaya na! Nagmomoment pa kami dito eh." at tumawa nalang kami.

Hay. Ang saya saya ko. :"">

**

"Karl, matanong nga kita.."


"Ano naman yun?"

"M-mahal mo talaga ako? As in? For real?"

Tumawa siya, "Oo nga!"

"P-pero.. P-paano.. Walang halong biro?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"D-di lang kasi ako makapaniwala eh.."

"Gusto mong patunayan ko?"


"Siyempre sino ba namang-------"

Natigilan ako sa pagsasalita.. D-d-dahil..

Hinalikan niya ako. This time, sa lips na. A passionate and full of love kiss.
Awww. :"">

Humiwalay siya sa akin, "I love you.."

"I love you too."

Eh di kami ng may love story! Walang kokontra! hahaha. :P


*6*

[KIEL'S POV]

"Anak.. Bakla ka ba?"

Out of the blue namang nagtatanong 'tong si Dad! Grabe ha. Nakakagulat siya.
Nandito kami sa bahay, it's weekend. Walang masiyadong gagawin. Di rin
nagyaya si Ken at Shekinah. Well, ta sasama ako? HAHA

"Hoy anak.. Silence means yes ba? Bakla ka ba talaga?"

"No Dad! What's your proof? Tsss."

"Eh kasi naman, hindi ka pa rin nagkaka-girlfriend.."


"Eh ---"

"Yung hinahanap mo nanaman? Nahanap mo naman ba?"

Natahimik lang ako dun. Alam kasi nila yun eh.

"So.. We'll make a deal, anak."

Kumunot naman ang noo ko, "Anong deal naman, Dad?"

"Hmmm.. Kung hindi ka magkaka-girlfriend within a week, papaka----"


"AYOKO NGANG MAGPAKASAL DUN! ANG TANDA SA AKIN NUN EH!!
MGA 3 YEARS ATA? AND BESIDES, MAY GIRLFRIEND AKO DAD!"

Natulala lang si Dad. Pa'no ba naman! Ikaw ififix ka sa babaeng matanda sa 'yo,
jusko parang sugar mommy ko na yun eh! Nabaling ulit ang tingin ko kay Dad,
aba't nakangiti!

"Is that true anak? May girlfriend ka na?" lawak ng ngiti!!

Hala. Paktay na.. Tssss. Paano na 'yan?

"U-ugh.. Y-yes of course!" pagsisinungaling ko.

"Well..." teka.. parang alam ko na ang sasabihin nito..


"Bring her tomorrow evening, your mom and I would love to meet her."

BOOOOOM! Hayan na nga ba ang sinasabi ko eh.. Sino nalang dadalhin ko? Si
Xyla? Ay sh*t. Di pwede! Baka akala nun type ko pa siya.

**

Sa FRU...

Oh shoooot. Shemay. Mamayang gabi na yung dinner na sinasabi ni Dad. Paano


niyan.

"Hoy pre. Iling ka ng iling diyan?"

Nasa canteen kami.. Magmemeryenda. Malapit na rin kasi ang uwian. Isang
subject nalang.
"Tamang tama Ken! Kailangan ko ng tulong mo.."

Inakbayan niya ako. "Ano naman iyon?"

"A-ano.. K-kase... S-sila D-dad..."

"Teka teka.. Parang alam ko na yan.. Yung fix marriage thingy?"

"Mismo! Ayoko kaya yun! Nakakainis eh!"

"At ngayon ka lang ulit nainis diyan? Pano ba na-open up ulit yan?"

Kinwento ko kay Ken yung nangyari. Alam niyo naman di ba?


"Ano?! Sinabi mo na may girlfriend ka at gusto nilang makikilala
mamaya?" sigaw ni Ken.

"Oo. Kasasabi lang diba? At pwede ba! Hinaan mo boses mo!"

"Pasensya naman.. Nadala lang.. Eh anong plano mo nyan?"

"Yun na nga eh.. Magpapatulong ako sa 'yo.."

"Ha?! Sho-shotain mo ko? Nahihi----"

*paaaaak*

"Aray naman Kiel! Tamo to. Nagbibiro lang naman ako eh!"
"Eh pre. Di maganda biro mo eh."

"Tsss. Teka.. Isip muna kasi tayo.. Chillax pare. May ilang oras ka pa.."

Nanahimik kami.. Wala talaga akong maisip!! Sa kalagitnaan ng pag-iisip namin,

"KEN! KIEL!" sigaw ni Shekinah..

"I think I know what the plan is, Kiel.." napatingin naman ako sa kanya..

Teka.. Parang nafi-figure out ko na... Anlaaaa!!


**

Sa *tooooot* restaurant..

Wala pa sila Mom at Dad. Nauna kami dito. Yung mga yun! Paimportante. Tsss.

"Uy Kiel, what if di sila maniwala?" tanong niya sa kin.

"Don't worry, Shekinah. Akong bahala.." kahit na di ko rin alam kung


maniniwala sila. *sigh

Tama po ang nababasa niyo, si Shekinah ang kunwaring girlfriend ko. Di ko kasi
naisip eh. Eh kung option ko naman siya, ayoko, bestfriend ko kaya 'to! Pero
dahil sa Ken Torres na yun!!
> Flashback <

"You've got to be kidding me, Ken." sabi ko sa kanya

"Ta nagbibiro ako. I'm damn serious you know. At isa pa, nagpapatulong ka
naman ah!"

"Eh kasi.."

"Wag mong sabihin na naiilang ka sa kanya, may gu----"

"Fine fine.. But.. Di ko alam kung pa'no.. Baka di pumayag."

"Yun lang ba? Leave that to me." *wink*


Lumapit naman sa 'min si Shekinah, "Uy kanina ko pa kayo hinahanap di kayo
nagyayaya."

"Eh mahimbing tulog mo, eh. Sorry naman."

"Okay lang Ken.. Oh Kiel, tahimik mo?"

"Ah ano... K-kase..."

"Ako na nga! Ah Shekinah.. Di ba bestfriend ka naman namin?"

"Oo naman! Bakit ba?"


"May favor lang ako.. Okay lang ba?"

"Sure! Basta kaya ko!"

"Ganto kasi.. Pwede ka bang magpanggap na girlfriend?"

"Huh?! Bakit?! May umaaligid ba sa'yo? Tsaka ba't ako? Magpapanggap


akong girlfriend mo?"

"Actually hindi ako," tinuro ako ni Ken, "Siya.."

Tinignan lang niya ako tapos tinignan ko rin siya.. Pero inalis rin niya yung tingin
niya sa akin..

"Eh... B-bakit n-naman?"


"Kase, alam mo naman yan, NGSB, parang bakla. Pwe. Ganto kasi..." tapos
kinwento niya ang nangyari kay Shekinah at na-gets naman niya.

"Ah.. Gets ko na.."

"So, okay lang ba?"

Tumingin muna siya sa akin, tapos tumingin siya kay Ken.. Ngumiti pa.

"Oo naman! Basta ililibre niyo ko ng pagkain for 1 month."

"Seryoso?" sabi ko sa kanya,


"Kasasabi lang di ba, Kiel? Tsaka may libre naman akong pagkain for a
month."

"Takaw talaga nito."

"Atleast sexy pa rin, Ken!" :P

> End of Flashback <

At yun na nga po ang nangyari. Haha. Basta pagkain, go lang 'tong si Shekinah.
At.. Ang cute niyang kumain! Hahaha. Hoy ah.. Walang malisya. Cute naman
tong bestfriend ko eh.

"Kiel.. Hello..."
Bumalik ako sa katinuan ko ng kalbitin ako ni Shekinah.

"Oh.. Bakit?"

"Sabi ko kinakabahan ako.."

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.. Nagulat naman siya at pati na rin
ako..

"Don't be.. Akong bahala sa 'yo.. Trust me." then I gave her an encouraging
smile.

Haaay. Ano kayang mangyayari? Tss. Bahala na.

//
[SHEKINAH'S POV]

Magpapanggap akong girlfriend niya.. :""""""> Ihhh. Talande ko. Pasensya


naman no. Hahaha. Pero teh, haba ng hair ko ha. Ako pa talaga, hindi ibang
babae. xD

Alam niyo yun.. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Sheemmmaaaay..
Kinikilig talaga ako. :""">

"Shekinah... They're here.."

Nang sabihin yon ni Kiel, aba't kinabahan ako!! Nagpanic ako.. Punas here,
punas---

"Hey Shekinah.. Don't panic. Ang cute mo tuloy tignan."


Hanoyon? Nagsmile. Nagchuckle.. Tapos.. C-c-cute d-daw a-ako? HAHAHA. Ay
teh! Ako ng kinikilig talaga XD

//

[THIRD PERSON'S POV]

(A/N: Third person's pov means author's perspective, ako yung magnanarrate ng
kaeklahan nila. Kapag naka Italic yung text, it means kay Kiel yun ha? Kapag
naman naka Bold Italic text, kay Shekinah naman. Okay? Hahaha. I hope you
understood. Thanks :*)

Nakarating na nga nag *tooooot* restaurant ang mga magulang ni Kiel. Tumayo
ang dalawa at para batiin sila.
"Hi Mom.. Hi Dad.. I want you to meet Shekinah, my girlfriend." sabi ni Kiel
sa magulang niya.

"A-ah.. Good evening po.. Ako po si Shekinah. Nice to meet you


po." halatang kinakabahan si Shekinah.. Kaya ang ginawa naman ni Kiel ay
hinawakan ito ng mahigpit sa kamay.

*Oh shoot! Hinawakan ng mahigpit ni Kiel ang kamay ko! Heaven!


Hahahaha. Shoooot. Sana wag na tong matapos.*

"Good evening, I'm Thomas Gonzales, call me tito Tom. And this is Kelly
Gonzales, my wife. Please, take your seats."

"Thank you po." at yun, naupo lahat sila.

*Wew. Mukha namang convinced si Dad. Sana nga... Si Mom.. Oh shoot. How
did I forget? Baka di ako makalusot nito. Ughhh. Bahala na.*
Nasa kalagitnaan na sila ng dinner... Nakakain na.. At tahimik pa rin ang apat..
Sila Shekinah at Kiel, gumagawa ng moves na patunay na lovers talaga sila.

"So.. ano namang nagustuhan mo sa anak namin?" tanong ng Dad ni Kiel.

*Hala.. Di namin na-practice yan!! Shoooooot..*

Sasagot na sana si Shekinah kaso biglang sumabat ang Mom ni Kiel,

"Dahil ba gwapo't may itsura siya? Dahil ba mayaman siya? Kasi pera lang
ang habol mo sa kanya?"

*Sh*t. Mom is really.. Ughh. Pano na to!! I need to get Shekinah out of this now.*
Magsasalita na sana si Kiel,

"No, Ma'am." napatingin si Kiel kay Shekinah.

"Then what is it?" sabi ng Mom ni Kiel

"Kiel... Right.. He's handsome.. Bago ko siya naging boyfriend, dun ko


palang narealize na gwapo siya." tumingin siya kay Kiel at ibinalik ang tingin sa
kausap, "Si Kiel po.. Actually, nasa kanya po lahat ng qualities ng Dream
Boy ko.. I see him in my own way.. What I mean is, si Kiel, kapag alam
niyang galit sa 'yo, gagawa siya ng paraan para mapasaya ka. Si Kiel,
napakaprotective niyan.. Si Kiel, alam niya kapag may burden ka, he even
insist to lend his shoulder for you to cry on. Si Kiel, gagawin ang lahat para
sa 'yo. Si Kiel, siya yung taong isang ngiti pa lang, mawawala ang problema
mo. Si Kiel ang tipo ng tao na" tumingin ulit ito kay Kiel,

MARUNONG MAGPAHALAGA AT HINDI MAHIRAP MAHALIN."


Natahimik ang lahat especially Kiel's Mom..

*Oh em! Parang nagconfess ako ha. Shooot! Dapat acting lang to eh.
Tssss. Pero okay lang, atleast, nabawasan ang dinadala ko.*

*I didn't know that Shekinah will say these things. Acting lang to pero.. It seems
real eh..*

*clap clap clap*

"You know what Shekinah? I like you for my son. But I'm still doubting
eh." sabi ng Mom ni Kiel

*She's convinced yet she's still doubting? WTH mom?!*


"You have to prove that you're really a couple.." sabi naman ng Dad ni Kiel

"Huh? I don't get it Dad? What do you mean?"

"Well.. Kiss her."

*I was like... WTF.. Kiss her? Bestfriend ko to eh!! I really think that this is a bad
idea. Tsss.*

*Grabity!!! Kiss daw?! Eh... Kung nagkataon.. Aish!! Pero.. Kinilig ako ha.
XD*

"Hey guys, we're waiting.." sabi ng Mom ni Kiel na nakataas na ng kilay.


Tarush!!
*Well, I think I really have to do this..*

*Hala gagawin ba niya? Wait lang! Baka sumabog ako sa sobrang kilig
dito!* Wala ng nagawa si Kiel kundi sundin ang parents niya.. Nilagay niya yung
mga kamay niya sa mga pisngi ni Shekinah..

Unti unting....

Unti unting naglalapit...

Ang kanilang mga labi..

Hanggang sa hayun, naghahalikan na nga sila..

Si Shekinah, nakapikit pa while Kiel is still kissing her.


Walang kamalay-malay si Kiel dahil kahit forced lang yun eh di niya mapigilan
ang sarili niya.. Nabigla nalang si Kiel dahil..

Shekinah's giving back the kiss.

*Shekinah's kissing me too? That means?? Ugh! Erase! Assuming naman ako..
Pero.. Kasi..*

*Di ko na napigilan, I gave back the kiss.. Mahal ko naman talaga siya eh.*

"Tama na yan, tumatagal ha.." sabi ng Dad ni Kiel

Ikinagulat naman ito ng dalawa at kaagad silang bumalik sa pwesto..


"Okay, I believe you na son. Galing ko talagang umarte no? I like Shekinah
for you. And Shekinah darling, take care of our son ha?"

"O-opo, ma'am"

"Naku, call me tita."

"Sige po tita.."

"Oh anak, ihatid mo na siya sa kanila.. Gabi na oh. Baka hinahanap na


siya."

"S-sabi ko nga.. Sige Dad, Mom.. Una na kami.."


"O-opo.. U-una na po kami, tito, tita. Thanks po sa dinner."

"No problem.. Mag-iingat ka iha.."

Tuluyang lumabas sina Kiel at Shekinah ng restaurant at sumakay sila sa kotse.

Magdamag tahimik ang dalawa.. Awkward kasi ng atmosphere dahil sa


nangyari..

*Pa'no ko ba itatanong sa kanya to... Tss. Ba't ako napanghihinaan ng loob?

*Aminin ko na kaya sa kanya? I'm ready for rejection.. After all, masasaktan
lang naman ako.. Di ko naman ikakamatay.*

"Nandito na tayo.." sabi ni Kiel


"Kiel/Shekinah" sabay nilang sabi

"Mauna kana." sabay nanaman nilang sabi.

"Ikaw na Kiel."

"Okay.. A-ano.. K-kase... Y-yung s-sinabi m-mo k-kanina.. Pati yung k-


kiss.."

"Itatanong mo kung totoo yun?" tumango nalang ito bilang sagot.

"Well... Yes.. I'm sorry bestfriend.. Pero... I've fallen for you."
Gulat naman si Kiel.. Dahil tama ang hinala niya. Kaso di niya magawang ma-fall
rin sa bestfriend niya kasi may hinahanap pa siya.

"Shekinah.. Alam mo---"

"Alam ko naman eh, Kiel. Alam kong 'yan ang sasabihin mo.."

"Di ba.. Tak---"

"Oo takot ako sa rejection. But I have to do this. You're my bestfriend kaya
okay lang. Masasaktan lang naman ako pero di ko naman ikakamatay.."

"Shekinah.."

Di na napigilan ni Shekinah, at naiyak na siya..


"It's okay, Kiel.. Besides, di ko naman madidiktahan ang puso mo eh."

"I'm sorry Shekinah."

Nagpunas ng luha si Shekinah,

"Okay nga lang eh. Sige salamat sa paghatid.. Babye!"

"B-bye.."

Nasasaktan rin si Kiel dahil sa nagawa niya sa bestfriend niya.. Alam niyang
takot siya sa rejection kaya he feels so sorry for her bestfriend.
//

[SHEKINAH'S POV]

Woooh! Nakaamin ako! Kiniss niya ako!! Tapos..

Rejection!! Woooh! Party party.

Nakauwi na nga pala ako, kaso di pa 'ko nagbibihis. Nakakatamad.


Nakakawalang gana.. Ba't kasi sa dinami-daming tao..

Pero sabagay. Wala rin talagang sense yung paghahanap ko dun sa tao na
napicture-an ko dati. Well, nangyari na. Wala na 'kong magagawa. Tss.
"Anak.. may I?" sabi ni Mommy

"Sure mommy.."

Umupo si mommy sa tabi ko, "Anak, what happened?"

"Well mommy, guess what! A rejection again! Wooooh!" sabi ko pero


umiiyak na ko. Para akong mababaliw.

"Anak..."

"I'm okay mommy.. Can I have a favor?"


"Sure dear.."

"Pwede ba akong mag-aral...

sa ibang bansa? "

"Anak.. I know you're hurt.. Pero---"

"I want to forget him, mommy. Nagkamali ako ng desisyon na lumipat sa


FRU.. Kung babalik naman ako sa LVDRU, nandun si Karl.. Please mom?"
"Haay. Wala akong magagawa kundi payagan ka.."

"Really?"

"Yes baby.. When do you want to leave?"

"The day after tomorrow."

This decision will make me forget... Maybe?


*7*

Kung merong KarLeen, meron din XylEn! Love story ni Xyla at Ken. Siyempre
para happy happy di ba? Hohohoho. :D Maiksi lang 'to.. Binigyang daan ko lang
ang labing labing nila eh. So, enjoy XD

[KEN'S POV]

Uy.. May sikreto ako sa inyo...

Secret! Hahahaha.

Pero J! Ishe-share ko lang.. Kasi... Si Shekinah.. Parang... Parang may gusto


kay Kiel..

Bakit?
Kase.. The way she looks at Kiel. Iba eh. Pramis. :>

Oh yun lang... XD Sige bye. AHAHA. Joke.

Nandito pala ako sa school.. Naiwan ako eh. Kasi naman umalis na yung
dalawa. Sus.. If I know.. XD Sana kasi si Shekinah na lang ang magustuhan ni
Kiel. Total package na siya oh. At bagay sila.. :>

Pero mas bagay kami ni Xylababes ah!

Yeah. Xyla. Oh. Xyla. Mahal ko na siya eh. Pasensya naman no! Alam kong
gustong gusto niyan si Kiel eh. Pero.. Alam niyo..
Nililigawan ko na siya! Hahaha. Kitam. Bibigay rin sa charms ko. Di lang si Kiel
ang malakas ang kapit. Pati ako. Ba, gwapo ko din no. Lamang lang ng isang
paligo si Kiel eh. XD

Oh, si Xyla yun ah? Malapitan nga..

"Babes!"

"Ay pagong! Ken naman eh! Wag kang manggugulat oh. Tsaka.. Please
lang, wag mo kong matawag-tawag na babes. Kadiri kaya."

"Eh... Gusto kong itawag sa 'yo yun eh."

"Ewan ko sa 'yo. Lubayan mo nga ako! Nakakaimbyerna ka kahit


kailan!!!" at saka siya tumakbo..
Haaay. Tiis lang Ken.. Mahal mo eh..

"Huuuuy!"

"Ay Xyla my loves! Oh Shekinah, ba't nandito ka pa?"

"Xyla daw oh.. Yieeeee.. Ano, may nakalimutan ako eh. XD"

"Ah ganun ba? O si Kiel nasan?"

"Ewan ko dun. Hahaha."

"Nakuuuu.. San punta mo nyan?"


"Locker room eh.. Ikaw ba?"

"Doon rin.. Tara sabay na tayo.."

"Sige.." at yun naglakad kami papuntang locker room. Haha. Pare ko 'tong
babaeng 'to. Bait niyan eh. Kahit kanino.. Pramis.

//

[XYLA'S POV]

Ako po si Xyla Rae Bartolome.. Hehehe. Patay na patay ako kay Kiel Thomas
Gonzales...

dati.
Yuh. Dati. Hahaha. Wala nakong pag-asa dun eh. Tsaka I don't have feelings for
him anymore. Sino nang gusto ko? Si...

KEN TORRES.

Tama ang nababasa mo ano ba! Haha. Ewan ko ba no. Kahit nakakainis.. Ay
mali.. Di naman talaga ako naiinis sa kanya.. Pakipot lang. Lam mo naman.
Hehehehe.

Heto, papunta akong locker room. Pinipigilan ko ang kilig. Aba shempre! Ikaw ba
namang tawaging babes no? Hahaha.

"Weh? Di nga??"

Aba may tao pala? Masilip nga...


Omo!

Si Shekinah! Grrrr.. 'Tong babaeng to! Kahit kelan oh.. Tss. Ah teka, may
kasama siya.. Si..

Si Ken?!?!?! What? Magkasama sila..

"Oo nga kasi.. Wag kang makulit.."

"Hmp.. Sige na nga.." aba't nagpout pa!!

Ginulo ni Ken yung buhok ni Shekinah, "Ang cute mo talaga!"

"Lelang mo Ken! Wala akong pera."


"Tsss. Kulit mo talaga no?"

"Alam ko. May sasabihin ako sa 'yo."

"Ano naman?" lumapit ang bibig ni Ken sa tenga ni Shekinah. Aba ha!
Nakakaselos na..

"Totoo? Eh bakit?" bumulong ulit si Ken sa kanya..

"Awww.. don't worry lab naman kita mafren, I'm here naman eh." inakbayan
niya si Ken

Aba! Paakbay-akbay pa ha? Nakakaselos na talaga.. Di ko na napigilan at


lumapit ako sa kanila..
"Aba't napapasarap ata ang pag-akbay mo sa boyfriend ko?" sabi ko kay
Shekinah at tinaasan ko siya ng kilay. Aba dapat lang!

"X-xyla.." si Ken yan.. Awch. Di niya ako tinawag na babes?

"Babes di ba may date tayo? Tara na.."

Kumunot ang noo niya, "Oo? Ah sige mafren, una na kami ng babes ko. May
date nga pala DAW kami."

"Sige mafren. Go for the gold! Bye!" ano daw? Tsss.

Hinigit ko papalayo dun si Ken. Akin siya eh! Akin!!!


"Aray, xyla.. Ano ba.. Masakit.."

Natauhan naman ako ng sinabi niya yon kaya binitawan niya ako..

"Napapano ka ba ha, Xyla? Anong nalanghap mo bat mo nasabing


boyfriend mo ko kahit hindi naman?"

"Eh anong magagawa mo ha? Nagseselos ako eh!!! Bakit ba? Di mo ba


mahalata yun?"

"Yun naman pa--- Wait.. Nagseselos ka kay Shekinah?"

"T-teka.. Nasabi ko ba yun?" pagdedeny ko. Shooot naman oh!

"Nako.. Deny ka pa.. Tsssss."


"Wala naman talaga akong sinabi ah."

"Ehdi wala na nga.. Eh ano naman yung boyfriend/ babes na pagtawag mo


sa 'kin ha? At may pa-date date ka pang nalalaman."

Aw shoot! Nakakahiya.. Ah alam ko na ang gagawin ko!

Heto na..

Urong..

urong..

urong..
Takbo-----

"TATAKBUHAN MO NANAMAN AKO? SIGE LANG! MAGHAHANAP


NALANG AKO NG BABAE!" sigaw ni Ken.. Kaya napatigil ako.

Tumakbo ulit ako pabalik sa kanya..

"Subukan mo lang.."

"Gagawin ko talaga. Bakit? Sino ka ba? Girlfriend ba kita?" booom. Oo nga


naman..

"OO NA NGA EH!"


"Anong oo?! At pwede ba wag kang sumigaw. Nakakarindi!"

"Ang sabi ko OO,

sinasagot na kita! Subukan mong mambabae, papatayin kita!!"

//

[KEN'S POV]

...sinasagot na kita! Subukan mong mambabae, papatayin kita!!"

Teka. Totoo ba 'to?


"Hoy! Galaw galaw din baka ma-stroke.."

Nabalik ako sa mundo ng sabihin niya yon,

"Seryoso Xy? Walang halong biro?" tumango lang siya at.. namula! Woooo.
>.<

"YES!" dahil sa tuwa ko, nahalikan ko siya...

sa pisngi. Oh kala niyo no!

"I love you babes!"

"I love you too babes, Ken Torres!"


* 8 – Final *

Yes. This is the last chapter. But not yet the ending. Kase.. May epilogue pa.
Hohoho :'>

[KIEL'S POV]

Alam mo yung feeling na malapit kana sa school pero gusto mong magwalk out?
Yun yun eh. -__-

Alam niyo naman siguro yung nangyari kagabi di ba? *sigh* Bestfriend ko pa
man din siya. Ayoko ngang ma-fall siya sa akin eh. Pero... Aish!

I feel so sorry for her. :(

"Pre.. Okay ka lang?"


"Ay kamatis! Ken naman oh."

"Sorry naman. O ba't parang pasan mo ang mundo?"

"Ano... Kase.."

"Teka.. Di nagwork yung sa inyo ni Shekinah no? Magpapakasal ka dun---"

"Hindi. Successful nga eh."

"Eh? Ba't ganyan ang mukha mo?"

"Kasi.." tas yun kinwento ko ang nangyari..


"Sabi ko na eh!"

"Ano?"

"Halata naman kay Shekinah eh."

"Eh ba't di mo sinabi?"

"Di pa man sure eh. Tsss. Tsaka maniniwala ka ba? Di naman eh." sabagay
tama siya, "Oh, speaking of."

Hala. Heto na.. Kinatatakutan ko.. Baka iwasan niya ako. Baka--

"Good morning Ken at Kiel!" sabi niya na ang laki laki ng ngiti..
"Good morning din mafren!" saka sila nag apiran. Wow ha.. Parang walang
nangyari..

"Oh Kiel, parang nakakita ka ng multo ah?"

"Di ba.. Yung kagab----"

"Sus! Kalimutan na natin yun.. Ano ka ba naman Kiel. Don't spoil a good
day. Tara pasok na tayo!"

Haaay. Nakakapanibago tong si Shekinah eh. Parang wala mang nangyari. Pero
sabagay, dapat ipakita ko rin na masaya ako kahit hindi..

"Ah, Ken, Kiel.. CR lang ako saglit.."


At kumaripas ng takbo papuntang CR. Nakuu. Baka madapa..

"Pre, sabihin mo nga.. Akala ko bang---"

"Ewan ko nga din eh, Ken."

"Pre, matanong nga kita, di mo ba siya mahal?"

"Ken.. Di ko alam.."

"Hay, ewan ko sayo," napatingin siya sa cellphone niya, "Ay, teka.. May
pupuntahan lang.. Sige dyan ka muna.." aba't iniwan nila ako? Kung sabagay,
pupuntahan niya ang Xylababes niya, akalain niyo un? Naging sila! Hahahaha.

Ehdi sila na ang masaya. xD


//

[SHEKINAH'S POV]

"Oh bakit pinapunta mo 'ko dito?"

"Kailangan kitang makausap, Ken."

"Sure.. Basta ikaw mafren."

Naupo siya sa harapan ko.. Pinapunta ko siya dito sa isang coffee shop malapit
sa school para masabi ko sa kanya.

"Ken.. Aalis na 'ko.."


"San ka naman pupunta?"

"Sa america..”

"Oh... hanggang kelan ka dun?"

"Hm.. Maybe.. For good." napatingin siya sa akin,

"What? Are you kidding me Shekinah?"

"Do I look like I'm joking here, Ken?"

"P-pero.. B-bakit..."
"Alam kong alam mo kung bakit, Ken."

"Why do you have to go? It's better to be here."

"Hindi ako ganun kadaling makalimot, Ken. Masakit eh. Sobra.."

"Okay then.. I'll respect your decision.. "

"Thanks Ken.. Favor naman oh?"

"Please.. Don't tell Kiel about this.."

"Pero bestfriend mo siya.."


"Please?"

"Okay sige.."

"Mauna kana sa school.. Susunod ako.."

Tumango siya saka umalis. Hay. Kinakabahan ako. Pinapakita kong hindi ako
affected kasi kailangan. Kailangan kong di ipahalata no. Ayokong maawa siya sa
'kin.

//

[KIEL'S POV]

Nung bumalik si Ken sa classroom, badtrip siya. Sabi niya nalipasan lang ng
gutom. Si Shekinah naman di na bumalik. Haaaay. Namimiss ko na ang
bestfriend ko.

Kring****
Hayun. Uwian na. Di ko rin nakita si Shekinah, ililibre ko sana siya ng pagkain
sigurado sasaya yun. On the second thought, parang di na rin maganda ang
planong yon dahil sa nangyari kagabi.

Buti naman wala ang parents ko ngayon kundi hahanapin nila si Shekinah. Baka
ano nanamang mangyari if ever.

**

At home.

Nandito ako sa kwarto ko.. Haaay. Wala akong ganang kumain.. Tinatamad
akong magpalit ng damit.

Ano kayang pwedeng gawin? Tawagan ko ba siya? Itext ko ba?


Sige tama yun! Napaupo ako.. Habang nagtetext ako, napatingin ako sa right
side ko.. Which is my side table..

Nakuha ng attensyon ko ang isang papel.. Shempre kinuha ko..

Binasa ko ang nakasulat sa papel,

**********************

December 26, 2005

This photo shows simplicity. Her face, her eyes and especially her smile are very
special. Why? Her face, it doen't wear any make up. Her eyes, they twinkle and
they show happiness. Her smile, it is her asset that, somehow, captivates me.

I'm looking forward to meet this girl in the mere future.

***********************

Naalala kong bigla yung... yung hinahanap kong picture! Heto yung nakasulat na
caption sa likod. Inikot ko yung papel...
Isa siyang.. Picture..

Oh sh*t..

Yung b-babae..

Y-yung matagal ko nang hinahanap...

Siya si...

SHEKINAH.
Hindi ako nagkakamali. Siya nga ito. Bata pa ang itsura niya dito pero siyang
siya. Kaya pala.. Kaya pala nung una kong nakita siya..

Bukas na bukas din.. Magtatapat na ako ng pagmamahal ko sa kanya.

**

Next day.

Pumasok ako na may bakas ng ngiti sa mukha ko..

"Oh pare, saya mo ata?"


"Ken, nakita ko na siya.. Yung babae... Yung picture!"

"Oh talaga? Saan kelan?"

"Matagal na pare.. Matagal na.."

"Huh? Teka.. Kilala mo na kung sino siya?" tumango ako at ibinigay ko ang
picture sa kanya, "S-si.. Sh-shekinah?"

"Yup! Kailangan ko siyang makita. Magpapasorry ako.. Magtatapat ako sa


kanya.."

Biglang lumungkot ang mukha niya, "Pare.. Kahit ayaw niyang pasabi,
sasabihin ko na sa'yo.."
"A-ano naman?"

"Aalis na si Shekinah pare.. Ngayon yung flight niya.."

Sumeryoso ang itsura ko, "Nagbibiro ka Ken eh.."

"Pare.. Alam kong maloko ako, pero nagsasabi lang ako ng totoo.."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, "K-kelan siya.. Kelan siya babalik?"

"Pare... She's leaving for good."

"Ha?! B-bakit?"
"D-dahil sa nangyare.."

"Sh*t! Ken.. Kung kelan!!" kalalaki kong tao pero naiyak na 'ko, "Pare, anong
oras ang flight niya?"

"Di niya nabanggit eh."

Dali dali akong pumunta sa parking lot at idinrive ko ang kotse ko.. Papunta
muna sa kanila.

Nakarating nako sa kanila.. Nagdoorbell ako...

"Shekinah? Shekinah? Andyan ka ba? Buksan mo naman oh!" sabi ko


habang nagdo-doorbell pa rin..
Bumukas ang pinto, pero sad to say, ang yaya ang nakita ko,

"Ay boy, kanina pa silang madaling araw umalis."

I was dumbfounded. Sh*t lang! Ang sakit. :((

"G-ganun p-po b-ba.. S-sige.. P-pasensya na po.." pumasok kaagad ako sa


kotse ko..

Pinaharurot ko ng mabilis..

***

Nakadating ako sa school.. sa tambayan namin..

Napaupo nalang ako at naiyak.


"Sh*t! Kung kelan... Bakit... Aish!!!" naiyak na talaga ako.. Di ko na kinaya..

Nagulat na lang ako ng may mag-tap sa likod ko, "Tahan na pre.."

Si Ken lang pala..

"Pre.. Bakit..."

"Nasaktan yung tao eh. Tulad ng sabi mo, ayaw niya ng rejection.. Kahit
anong gawin mo, rejection pa rin yon. Mahinang tao si Shekinah
dude.." huminga muna siya ng malalim, "Kalimutan mo na siya, pre mukhang
di na babalik 'yon."

"Kalimutan mo na siya, pre mukhang di na babalik 'yon."


"Kalimutan mo na siya, pre mukhang di na babalik 'yon."

"Kalimutan mo na siya, pre mukhang di na babalik 'yon."

Siguro nga kailangan ko nang kalimutan.. Kailangan ko ng makalimutan yung


babaeng matagal ko ng hinahanap na nasa tabi ko lang pala. Kakalimutan ko
na ang mahal ko...

ang babaeng nasa picture.


EPILOGUE~

3 years later...

[SHEKINAH'S POV]

"Anak, are you really sure about staying here again?"

Kung naintindihan niyo po, yeah, I'm back. Hello Philippines! :)

3 years rin yun no! I have moved on already. Ready na rin ako kung makita ko
man siya... Perhaps.

"Yes mommy. Look oh we are here na naman eh." I gave her a smile. Hindi
plastic ha. Masaya na talaga ako.

"Okay then.. I'll call your dad and let yaya cook for breakfast."
"Okay mom."

And there. Nandito kami sa airport. Madaling araw kami nakarating dito. And
besides, okay lang yun para di traffic.

After an hour and a half, nakarating na kami sa bahay. Sinundo kami ng driver
namin.

"Woah! I miss you my room!" at yun napahiga ako sa kama ko. Haha. Namiss
ko talaga 'to.

Nga pala, I graduated na. With honors pa ha. Pero not AB Communications. I
took up Culinary Arts. Yeah. I took all the units. Kahit bakasyon nag-aral ako so
that I could finish the course in the way I wanted to.

I didn't take up Photography. Ayoko nang mainvolved ulit sa mga pictures. I did
that to easily forget. Haha. Bitter ba? Sorry ha. But look.. I didn't have a hard time
in telling you.
"Anak, may bisita ka."

"Let them in, mommy."

Pagkabukas ng pinto.. I saw two people.. It was Ken and...

Xyla. :P

Kala niyo no? Hahahaha.

"Hoy mafren! Namiss kita!"

"Namiss rin kita mafren!"


"Bes! I missed you so much."

"I missed you too Xyla."

Haha. Ooppsie. I haven't told you.. Naging bestfriend ko si Xyla. Nagdramahan


kami on cam. Sila lang ni Ken ang karamay ko kahit long distance. Hahaha.

Wala nakong balita kay Kiel since the last time we've met. Maybe this lovebirds
knows about something. Pero I told them not to tell me any.. Even if I moved on.
Hahaha

"We're here!"

Napatingin ako sa pinto,


"Oh Karl! Coleen!"

Karl & I reunited.. Not as lovers but as bestfriends! Of course may girlfriend siya
no. That's Coleen. Bestfriend ko na rin siya. Like Xyla, on cam din kami naging
close. ;)

"Hi Inah!"

"Hello Shekinah!"

"Oh please enter. Have a seat."

Naupo naman sila. Kwentuhan. Kulitan. Btw, we all graduated already.


Xyla and Ken. They're both famous DJ's sa isang kilalang Radio Station. They
are about to get married na. Oh sila na! :)

Karl and Coleen. Happily married ang peg nila. Kaloka! Hindi ako nakadalo sa
kasal. Tss. :/ Pero ha, they own famous mall named after them. At bongga! Kalat
ang branches sa Asia. If I haven't told you, Business Administration si Karl while
Coleen is in Marketing Management. Kaya boom ang malls nila. :)

"Shekinah. Sama ka sa amin."

"Saan naman Ken?"

"Sa My Life's Journey Photo Museum" nice name naman. ;)

"Anong meron?"
"Opening kasi ngayon nun. Yung friend namin ang may-ari nun. He won in
an international photo contest once. At naging main attraction yung sa
public. Tapos nadiscover siya at binigyan siya ng privileges like having a
photo museum."

Wow ha. Siya na. Hahan Curious naman daw ako.

"Sure! I'll come."

"Really? Nice mafren. Ge bihis ka na.."

Tumango na lang ako at nagbihis. Kumain muna ako ng breakfast with them at
lumayas na.

****

At the museum..
Tinour kami nung babae.. And whoa. Ganda ng photographs ha. He's a pro..

"Sis.. The girl.. Siya yun oh!"

"Ay oo nga no? Kamukhang kamukha!"

"Siyang siya mga ate. Ang ganda niya in person!!"

"I wonder if she's Mr. Thomas' girlfriend.. Bagay sila!"

Narinig kong naguusap-usap ang mga tao dito. Hanodaw? Di ako makarelate
teh.

May lumapit sa aking isang babae,


"Miss. Kayo po ba yung babae sa picture? Ang ganda ganda mo po!"

I was like.. Huh? WTH is she talking about?

"Ako? Maybe you've mistaken. Kauuwi ko lang ng Pinas."

"But---"

"Sorry dear.. Nagkamali ka lang ata."

Umalis ako dun sa lugar ko at nagtingin-tingin hanggang sa may nabasa ako na


nakakuha sa atensyon ko.
**********************

December 26, 2005

This photo shows simplicity. Her face, her eyes and especially her smile are very
special. Why? Her face, it doen't wear any make up. Her eyes, they twinkle and
they show happiness. Her smile, it is her asset that, somehow, captivates me.

I'm looking forward to meet this girl in the mere future.

But one time, I already found her without me even noticing it. I hurted her and
she left me.

That's the time that I realized that I already fell for her a long time ago.

***********************

Wow. Grabeng description! Nacurious ako kung ano o sinong nilalang na yon..
Napaangat ang ulo ko dun sa nagpakalaki-laking...

T-teka.. P-picture.. Ko?!

I don't.. Bakit.. yung picture ko yung main attraction dito?

And the date.. Is exactly the same as the day I capture Kiel's picture.

Could it be------

"Long time no see, Shekinah.."

//

[KIEL'S POV]
This spot is nice. I have to cap----

"Pare!"

Napalingon ako sa kanya,

"Ken! Zzup pre?"

"Masaya naman. Oh ikaw? Aba bigtime ha!"

"Sus.. Di naman.."

"Wew. Di daw.. Ano yung Museum?"


Nginitian ko nalang siya. At opo, pinatayo ako ng isang Museum dahil sa
photographs ko.

Pano humantong sa ganito? Ganto.. last year nasa Korea ako, may nagyaya sa
aking sumali sa isang photography contest sa bansa nila. Shempre tinanggap ko
yung offer!

Kaso.. Yung picture daw kailangang maisubmit kaagad together with the
description. Kesa magbackout, nag-isip ako ng plans..

Dahil di nagfunction yung utak ko, nagulo ang utak ko. Then I was about to quit..
pero I remembered something na pwedeng ipass na entry..

Shekinah's picture.

Kung naalala niyo, oo. Yun ang pinass ko sa kanila.


Fortunately, nanalo ako. Champion! Kaya pagkauwi ko.. Heto nadatnan ko. :)

"Hoy nakikinig ka ba?!"

"Ay shekinah!" napalundag ako sa gulat, "Ken no!"

"Ayieee.. Pero speaking her, umuwi na siya pre."

What? Umuwi na? Really?

"S-so?"

"So so ka dyan! Naku. Wag ngang bitter halatang mahal mo pa eh."


"Oh shut up Ken!"

"K fine. Ge dahil di ka naman interesado.. Punta na kami sa kanila. Bye!


See you nalang mamaya!"

Ayun umalis na. Tama si Ken, mahal ko pa siya.. Mahal na mahal.. Pero ako
mahal pa ba niya?

Kung makita ko man siya, ipapaliwanag ko lahat sa kanya.

Alam niyo bang bumili ako ng singsing para sa kanya? Kahit alam kong tila wala
nang pag-asa,

Patuloy parin akong aasa.


***

Heto na ako sa museum. Bati dito bati doon. Ang daming tao!

"Sis.. The girl.. Siya yun oh!"

"Ay oo nga no? Kamukhang kamukha!"

"Siyang siya mga ate. Ang ganda niya in person!!"

"I wonder if she's Mr. Thomas' girlfriend.. Bagay sila!"

Narinig kong naguusap-usap ang mga tao dito. Hanodaw? Wala akong girlfriend
ha.
Nabaling ang atensyon ko sa isang babae na lumapit sa isang babae,

"Miss. Kayo po ba yung babae sa picture? Ang ganda ganda mo po!"

"Ako? Maybe you've mistaken. Kauuwi ko lang ng Pinas."

"But---"

"Sorry dear.. Nagkamali ka lang ata."

Teka.. That voice.. It sounds familiar..


Dahil curious ako, sinundan ko siya.. at tumigil siya dun sa caption... ng picture ni
Shekinah. *Hay namiss ko nanaman siya... :(

Iniangat niya ang ulo niya dun sa picture at tila naestatwa ang katawan niya at
nagsihulugan ang gamit niya..

Anyare sa kanya? Bakit----

"Pre.. Yang babaeng yan..

Si Shekinah yan.."

Nabigla at natuwa ako sa sinabi ni Ken. Kaya pala.. Kaya pala pamilyar ang
boses niya.. Yung tindig niya..
Dahil sa miss na miss at mahal na mahal ko siya.. Nilapitan ko siya,

"Long time no see, Shekinah."

Nilingon niya ako,

"K-kiel?"

"Ako nga."

"T-teka.. A-anong ginagawa mo dito?"

"Ako lang naman ang may-ari ng museum na 'to."


//

[SHEKINAH'S POV]

"Ako lang naman ang may-ari ng museum na 'to." saka siya ngumiti. OMG!
Yung ngiting yun..

Sheeemmmaaaay! Wag kang titingin ulit sa ngiti niya..

"Di ba.. Thomas daw.."

"My name is Kiel THOMAS Gonzales."

Th-thom-mas?? Siya yun? Siya yung kumuha ng picture ko? That means----
"Tama nga ang iniisip mo.. Ako si Thomas na kumuha ng picture mo dati..
At ikaw si Shekinah..

ang babaeng matagal ko ng minamahal at hinahanap.."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko di ko na siya mahal pero dahil sa sinabi niya
nanumbalik ang dati kong sarili.. ang dati kong lakas..

"Shekinah.. All I want to say is I'm sorry.. Will you still forgive me?"

"Matagal na kitang pinatawad Kiel. Matagal na."

"Shekinah... I also wanted to tell you that

I really really love you."


Napaiyak ako sa sinabi niya. Aba sino ba namang hinde?!

"Akala ko di na kita mahal eh. Akala ko nakalimutan na kita.. But.. I really


really love you too.. I'm sorry for leaving."

Niyakap niya ako, "It's okay Shekinah.. I understand."

Tuluy-tuloy pa rin ng pag-agos ng luha ko dahil kay Kiel. Kung dati dahil sa sakit
ngayon dahil sa tuwa.

Inalis niya ang pagkakayakap niya sa akin, "Shekinah," lumuhod siya, "will you
be mine?"

"Yes! Yes! I am all yours!"


Tumayo siya at hinalikan ako sa lips... This time totoo na di na pagpapanggap.. A
passionate and warm one..

Tears keep flowing in my eyes because of this extremely joyous moment..

Ken, Karl, Xyla & Coleen planned this. Hindi alam ni Kiel na pupunta ako dito.
Ang galing nilang mag-open up ng topic no? Di ko man lang natanong kung sino
yung may-ari nitong museum. Hahaha

***

After those complicated years, months and days without him,

He's mine... now..

and..

Forever.... ?

****

THE END. :-) (READ THE LAST PAGE! XD)


MUST READ!

Hello everyone! *kaway kaway*

Thank you sa pagbasa ng mini novel series na to. Sana nagustuhan niyo. :-)
Kung may wattpad account kayo.. Wag niyo pong kalimutan magvote at
comment ha? Follow niyo din ako. :-)

**

Part II? Is it possible?

Hmm. Yeah. I guess. Kasi may isang bagay na di nabalik o naitago


lang. Kung ano yun? Secret! Kung alam niyo... Shhh lang ha? :-)

Basta. Magkaka-Part II to pag marami ng tumangkilik. Kasi alam ko namang


naappreciate nila to kahit maiksi o korni. Masyado bang cliche? Pasensya. :(

**

O siya.. Hanggang sa susunod! Btw, please read my other stories. Hihi. Thank
you and God bless! <3

Love,
existedtoloveyou ;)

You might also like