You are on page 1of 3

"Alam mo na ba?

"
"Ang alin?"
"Na kapag ginawa mo daw wallpaper 'yung picture ng taong mahal mo sa cellphone mo
tapos walang nakakita nito within 15 days, magiging kayo."
"Totoo ba 'yun?"
"Ewan ko, kasi sa akin...nagkatotoo"

---

Simula nung nalaman ko 'yung "sabi-sabi" na 'yun ay para akong ewan na naniniwala
at ginawa nga 'yung wallpaper thingy within 15 days na hindi makita ng kahit na
sino eh magiging kami nung nasa wallpaper ko. Wala namang masama maniwala di ba?
Wala namang mawawala sa akin di ba?

Parang paniniwala lang sa 11:11 na kadalasan ay ginagawa sa tuwing 23:11 na pagwish


ng isang bagay na gusto mo makamit. Karamihan sa atin, alam na hindi totoo 'yun
pero kahit ganun nga, napapawish na lang tayo bigla kapag nakita nating 11:11 ang
nasa orasan natin.

Actually, hindi naman talaga ako nahihirapan itago 'yung cellphone ko para hindi
makita 'yung wallpaper ko. Wala naman kasing kahit na sinong interesado kung ano
meron sa cellphone ko. Kaya keri lang at naghihintay na mag 15 days na para
magkatuluyan na kami ng taong mahal ko.

Speaking of mahal, gusto ko lang ipakilala sa inyo ang lalaking nasa wallpaper ng
cellphone ko. Si Justin. Maraming nagsasabi at nangangantyaw sa amin na bagay daw
kami o kaya naman soulmates daw dahil parehas kaming Justin. Justine nga lang ang
spelling ng akin. Syempre, ako naman kilig.

Pogi siya, ako na nagsasabi sa inyo. Hindi siya mahilig sa sports dahil ang cute
lang niya kasi lalampa lampa siya. Isang aspring photographer at nerdy, ang cute
nga ng salamin niya kasi parang kay Ninoy 'yung frame.

Basta, to sum it all up, ampogi niya.

Ang problema lang, hindi kami close. Nakakapag usap kami minsan pero hindi kami
'yung tipong masasabi mong "friends". Siguro magkakilala, siguro magkaklase pero
never, as in never pa kaming nag usap na parang friends kami. Kasi nga, hindi kami
friends!!! huhuhu.

Tska kung iniisip niyong may kaagaw ako sa kanya, siguro meron pero ang lahat ng
'yun eh mga nagkakagusto din sa kanya. Simple nga kasi siya. Nakakainlove ay 'yung
boses niya na sa tuwing naggigitara sila ng mga kaklase namin sa may likod ng
classroom, makikinig kaming lahat lalo na pag siya ang kumakanta.

Pero wala akong nababalitaang nagkagirlfriend na siya, wala nga din akong
nababalitaan na may gusto siyang babae. Ayoko naman magmukmok sa isang tabi at
malamang bakla pala siya kaya ganun. Sabihin na lang nating, hindi pa kasi niya
nakikita si Ms. Right para sa kanya.
--

Minarkahan ko ang date bukas dahil 'yun na ang 15th day. Gusto ko lang magcelebrate
dahil naka15th day ako ng walang nakakakita. Pumasok na ako sa school, syempre same
routine. Aral, recess, aral, lunch, aral tapos dismissal.

Palabas na sana ako ng school ng bigla akong nakaramdam na wala sa piling ko ang
cellphone ko. Hinalungkat ko ang bag ko, minanyak ko ang buo kong katawan pero
hindi ko makapa o makita ang cellphone ko.

Tumakbo ako ng napaka bilis papuntang classroom dahil...

'Una, baka dun ko naiwan 'yun


'Pangalawa, baka mawala at nakawin
'Pangatlo, baka may makakita ng wallpaper ko;
'at Pang-apat, BAKA HINDI KAMI MAGKATULUYAN NI JUSTIN!!! HUHUHU.

Bago pa ako makalapit sa classroom eh nakita kong lumabas ng pinto galing classroom
si Justin. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko na parang ewan. Hindi ako makatingin
sa kanya kasi baka bigla ko na lang siyang marape ng hindi sinasadya kaya nakayuko
lang akong lumapit sa classroom.

Nagulat na lang ako kasi bigla niya akong hinawakan sa balikat at lalo kong
ikinagulat dahil ibinigay niya ang cellphone ko sa akin. Napatingin ako sa kanya na
parang sasabog na ang puso ko any moment.

Nakita kaya niya? Gusto kong malaman dahil...

'Una, nakakahiya kasi picture niya 'yung wallpaper ko;


'at Pangalawa, HINDI KAMI MAGKAKATULUYAN! HUHUHU.

"S-Salamat..."

Ngumiti siya sa akin at ikinagulat ko ang tanong niya.

"Pang ilang araw na 'yun?"


"P-Pang fou-14th day..."
"Ah..."

Parang may kinuha siya sa bulsa ng polo niya at nagulat na lang ako ng bigla niyang
tinapat ang screen ng cellphone niya sa mukha ko. Pag-unlock niya ng cellphone,
nagulat ako sa nakita kong wallpaper niya.

"Ako kasi"

Nakita ko ang sarili kong picture na nakaupo sa upuan ko sa classroom habang


natutulog.

"pang 16th day na"

----End----

You might also like