You are on page 1of 3

Ang ating kaligtasan ay tanging kayamanan

Kung kaya’t atin itong ingatan

Bawat isa ay dapat na magtulungan

Mga kalamidad, ating paghandaan

Sa hagupit ng bagyo, ika’y malilito

Papatangay ka sa hangin o sasama ka sa amin?

Tayo’y maging alerto dapat manigurado

Bagyo’y papalakas, sa ligtas na lugar halina’t lumikas

Sa lakas ng yanig, hindi dapat magpanic

Sa lindol man ay mahilo, ikaw agad ay yumuko

Protektahan ang ulo, hindi dapat sumuko

Sa ilalim ng mesa’ y dapat magtago

Hintayin hanggang sa lindol ay huminto

Hindi makahinga, kapag usok ay simingaw

Mula sa sunog na apoy ang hinihiyaw

Huwag mataranta o basta ay sumigaw

Mag-isip kung paano ito matatakasan

Alalahanin kung saan ang mga daan,

Palabas tungo sa kaligatasan

Bahang malalim? Mahirap languyin

Tatangayin ka lang nito sa tiyak na lagim


Maghanda at magsigurado

Sa mataas na lugar, doon ay pumwesto

Mahalagang tungkulin ng bawat isa,

Ang maging handa sa oras ng mga sakuna

Panganib nito ay dapat mabawasan

Makialam para sa iyong kaligtasan

Hindi dahilan na ika’y laging busy

Dahil laging nasa huli ang pagsisisi

You might also like