You are on page 1of 3

Nakakabinging tunog ng sirena

Mga hagulgol na nanghihingi ng tulong kasabay ng pagpatak ng mga luha


Habang unti unting nawawalan ng pag-asa
At ang puso ay punong-puno ng pangamba

Mainit, nakakatakot, nakakamatay


Isang delubyong nangunguha ng buhay
Nag-aalab na mga apoy nang walang humpay
Trahedyang sisira sa maraming bagay

Sunogggg!
Sa maliit na apoy nagsimula
Hanggang sa kumalat at unti-unting pumipinsala
Mapa tahanan, gubat o establisyimento man, walang pinipili lahat sinisira
Pati ang mga binuong alaala sa isang iglap ito ay nawala

Ngunit mangyayari ba ang ganitong trahedya


Kung tayo ay mayroon ng ideya
At may sapat na liksi at kaalaman
Upang sunog ay maiwasan

Sa tingin ko sa pagkakaroon ng kaalaman


Ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan
Kapangyarihang iligtas ang sarili sa kapahamakan
Na iyong magagamit kailan man
May mga hakbang ang iba't ibang organisayon
Katulad ng pamamahagi ng impormasyon
Na makakatulong upang sa sunog ay magkaroon tayo ng proteksyon
At maging handa sa kung ano mang kakaharaping sitwasyon

Ating alamin ang mga pamamaraan


Upang sa pagligtas ng sarili ay magkaroon ng kasanayan
Kasanayan upang makatakas sa pinangyarihan
At magkaroon ng tiyak na kaligtasan

Bumuo ng komprehensibong hakbang at panununtunan


Ito ay paigtingin kung kinakailangan
Dahil isa ito sa mabisang pamamaraan
Upang ang pag-iwas sa sunog tayo'y may kakayahan

Bigyang diin din natin ang kahalagahan


Kahalagahan ng pagpapabuti ng ating kamalayan
Sa mga sanhi ng sunog upang ito ay maiwasan
Pagpapatibay ng liksi at kaalaman dahil ito ay mabisang hakbang

Mga kagamitan at produkto na nagiging sanhi ng sunog ay bigyang limitasyon


Pagpapaigting ng seguridad sa mga pasilidad at tahanan
Kung nararapat ay gumamit ng kagamitang sa sunog ay maipanlalaban
Tayo’y makiisa sa mga organisasyong bibigyan tayo ng proteksyon
Bakit nga ba importante ang liksi at kaalaman
Na sa pag-iwas sa sunog ito ay kinakailangan
Simple lang, iyon ay dahil alam mo ang tamang pamamaraan
Upang mailigtas ang sarili sa kapahamakan

Buksan ang isip sa mga bagong kaalaman


Na makakatulong sa ating kaligtasan
Na sa sunog ay tayo’y hindi matatakot at may lakas ng loob na makipaglaban
Titiyaking ang kaligtasan ng lahat ay may katuparan

Kung tayo ay may epektibong pamamaraan at hakbang upang sanhi ng sunog ay


bigyang katapusan
Walang nang luha ang papatak sa mga mata kasabay ng matinding pangamba
At ang ating mundo ay mapoprotektahan
At walang sunog ang sisira sa ating kalikasan

Tayo na't maging maalam at handa


Nang sa gayon ay walang sinuman ang magdurusa
Walang buhay ang mawawala
At ang kaligtasan ay matatamasa

Ano pa ang hinihintay mo?


Ikaw, ako, tayo
Kasama ang mga respetadong bumbero at ang buong mundo
Hawak kamay at magkakaisa
Dahil sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa

You might also like