You are on page 1of 7

A.

4th Quarter

Balitaang Tomasino Research

Introduction:

Magandang umaga sa inyong lahat aking mga kaklase at Gng. Macaraeg, ang aking tatalakayin
ngayon ay ukol sa Sistema ng edukasyon sa bansa na kung saan nais kong ipaghambing ang
sistema ng edukasyon noon sa panahon natin ngayon sa kasalukuyan.

Ika nga, na ang mga kabataan ang pag – asa ng bayan, linyang winika ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal. Ito ang mga pangarap ng ating pambansang bayani para sa ating mga
kabataan upang

 maging bahagi ng pag – unlad ng ating bayan.

Kung ating iisipin, simple lamang ito na kung saan tanging edukasyon lamang ang tanging pag –
asa ng mga kabataan upang sumulong o dili kaya’y makisabay sa agos ng modernong takbo ng
buhay.

Pero ang tanong, maypagkakaiba nga ba ang edukasyon noon at sa sistema ng edukasyon ngayon
sa kasalukuyan? Sa inyong palagay?

Body:

I. Kasaysayan
 Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay hango sa sistema noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol at Hapones.
 Noong mga panahon pa ng sinaunang Pilipino,

 ang mga malalawak na kaalaman na mayroon sila ay hango sa edukasyong DI –


PORMAL

 Di-pormal sapagkat

o walang istruktura ng pormal na edukasyon na alam natin ngayon.


o Walang paaralang pinapasukan at mga asignaturang pinag-aaralan.

ESPANYOL

 Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay mayroon nang edukasyon ang ating
mga ninuno.

 Ang mga bata, lalaki man o babae ay nag-aaral sa sarili nilang tahanan kasama ang
kanilang mga magulang bilang kanilang mga guro.

 Sila ay tinuturuang

o magbasa,
o magsulat,
o magbilang at
o manampalataya.

 Ang mga lalaki ay tinuturuang maging mandirigma, mangangaso, mangingisda


at magsasaka .

 Ang mga babae nama’y sinasanay sa mga kaalamang ukol sa pagluluto,


pananahi, paghahabi, at paghahayupan.

 Paghahanda ito sa kanilang pagiging maybahay at mabuting asawa sa hinaharap.


 Mayroon ding sinaunang alpabeto ang mga Pilipino.

 Alibata

 Ang mga Pilipinong nakapagtapos noon ay tinawag na Ilustrdo o alta-sosyedad ng


lipunan. Napukaw sa isip at puso nila ang kaisipang nasyonalismo.

PANAHON NG MGA AMERIKANO

 Layunin ng mga Amerikano na palaganapin ang demokrasya, ituro ang wikang


Ingles, at ikalat ang kulturang Amerikano

 Dito pinayagang makapag-aral ang mga kababaihan at mahihirap na mga


Pilipino.

 Nagkaroon din ng mga pribado at publikong paaralan na hindi pag-aari ng


simbahan

 Thomasites, ang tawag sa mga unang guro na ipinadala sa Pilipinas. 600 na


Thomasites ang dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong SS Thomas.

 Mga Paaralang itinatag ng mga amerikano

o The University of Manila


o Dilleman University
o National University
o Philippine Normal University
PANAHON NG HAPON

 Layunin nila ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino, pagtuturo ng


Edukasyong Bokasyonal at Elementarya, pagpapalaganap ng Niponggo,

 Ipinatanggal ang paggamit ng Ingles na kung saan lahat ng may mga artikulo o aklat
na mayroong ingles ay ipinapatanggal nila o binaban nila.

 Niponggo
o Ang wikang tanging kanilang tinuturo noon

 Corporal Punishment
o Dito din nagsimula ang pagkakaroon ng corporal punishment.

 Tanging ang Military Order No. 2 ang naging kontribusyon nila sa edukasyon
o kung saan nilikha ang Commisssion of Education Health and Public
Wellfare, kung saan layunin nitong supilin ang usaping kaunlarin at mga
pagtataguyod ng salitang Niponggo. Mas naging pokus nila ang pamamahala
at pagsakopsa ating bansa kaya ito lamang ang ambag nila sa ating edukasyon

PANAHON NG KALAYAAN

 Nagkaroon ng mga suliranin sa mga gusaling pampaaralan gayundin sa mga


kinakailangang kagamitan dito

 Ipinagpatuloy ang maka-Amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rin ang


mga kaisipang pangdemokrassya at Ingles pa rin ang wikang panturo

 Itinakda ang paggaamit ng wika ng pook bilang wikang panturo sa Baitang I at II.
 Inilunsad ang "study now, pay later. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang
mga kabataan na makapagpatuloy ng pag-aaral. Marami rin mag-aaral ang nabigyan
ng scholarship.

NGAYON, ATING NAMAN PAG – USAPAN KUNG ANO NA ANG NANGYARI


NGAYON SA KASALUKUYAN UKOL SA SISTEMA NG EDUKASYON.

 Hindi na katulad dati, Ang mga ginagamit ngayon na materyalyes ay Mga high tech
gadgets na ang ginagamit ng mga estudyante sa paaralan.
 May problema pa rin sa silid-aralan lalong lalo na sa pampublikong paaralan.
 Maliit ang sahod na natatanggap ng mga guro

Konklusyon:

Ngayong alam na natin ang rebolusyon ng edukasyon sa ating bansa nagkakaroon din tayo ng
konklusyon sa iba't ibang kinahihinatnan ng edukasyon sa bansa sa bawat mga grupo ng taong
sumakop sa atin.

Panahon ng Kastila. . .

 Maganda ang nagawa ng mga Kastila sa ating edukasyon dahil nakapagpatayo sila ng
mga paaralan at sila ang nagturo sa mga Pilipino na bumasa at sumulat ang masama
lamang dito ay hindi nila ito naimplementa ng maayos kaya naman hindi ito
masyadong nagtagumpay.

Sa panahon ng Amerikano. . .

 Ang mga Pilipino noon sa panahon ng Amerikano ay nakatulong sa pag unlad ng


bansa.Higit ang naging pang unlad ng Pilipinas sa kung ihahambing noong panahon
ng Kastila Gayumpaman mayroon din itong masamang naidulot na naging dahilan ng
pag-aalsa laban sa mga Amerikano.
Sa Kasalukuyan

 Ngayon kapansin-pansin na dumadami na ang mga iskolarship program upang


maraming mga Pilipinong makapag-aral, at kapansin-pansin ang pagiging moderno
ng pagtuturo ngayon.

Sa kulturang Pilipino ang edukasyon ay maituturing na isa sa mahalagang bahagi ng


pagkatao ng bawat indibidwal. Ginagampanan nito ang isa sa malaking bahagi sa paghubog ng
isipan at ugali ng isang kabataan upang magkaroon ng magandang hinaharap. Kung titingnan, ito
ay maituturing na pundasyon ng isang bata sa paghubog ng kanyang katauhan. Sa katunayan
kung ang isang bata ay magkakaroon ng magandang edukasyon malaki ang posibilidad na
makakuha siya nang maayos na trabaho na magagamit niya upang matulungan ang kanyang
sariling pamilya. Dagdag pa nito, ito ay kayamanang hindi makukuha ng sinuman. Ito'y
kayamanang madadala n'ya sa kanyang pagtanda.

AYON NGA KAY DR. JOSE RIZAL,

‘’Ang ugat ng kamangmangan at kahirapan sa Pilipinas ay ang


kakulangan ng edukasyon at kaalaman,na isang sakit mula sa kapanganakan
hanggang sa katapusan’’.
Mga Sanggunian

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Edukasyon_sa_panahong_Amerikano_sa_Pilip
inas

http://www.slideshare.net/GabbieAllTheWay7/edukasyon-noong-panahon-ng-
amerikano

https://www.powtoon.com/online-presentation/g5QnyZP44Xu/sistema-ng-
edukasyon-sa-pilipinas/?mode=movie

https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/02/23/ano-ba-talaga-ang-k12/

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/11/16/ang-k12-sa-edukasyon-ng-
pilipinas/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Badyet_sa_edukasyon_para_sa_mga_pampubl
ikong_unibersidad_at_kolehiyo,_kinundena

https://www.senate.gov.ph/press_release/2014/1224_cayetanoa1.asp

https://prezi.com/cfoxjiu6xv7w/edit/

http://www.gmanetwork.com/news/opinion/content/330634/ang-bagong-sistema-ng-
edukasyon/story/

http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1430:eduka
syon-noon-at-ngayon-may-kaibahan-ba&catid=90&Itemid=1267

You might also like